"Nikki, sorry. Sorry kung nasaktan kita, minahal naman kita kaya lang, wala na talaga akong nararamdaman para sayo.Sorry, sana mapatawad mo ko, hindi ko sinasadyang ma inlove sa iba. It's just that things don't work between the two of us. Time heals Nikki makakamove on ka rin."
Patuloy na umaagos ang mga luha ko. Ang sakit, sobrang sakit. Minahal ko siya halos ibigay ko na lahat pati kaluluwa't pagkatao ko, pero ito lang naman pala ang isusukli sakin ng tadhana.
Hawak niya ang kamay ko, nakayuko lang ako at hindi kumikibo, naiinis ako sa sarili ko, gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa."It's time for the both of us to let go Nikki, I don't deserve your love, makakahanap ka rin ng tamang taong kayang suklian ang pagmamahal mo. Wag mong pababayaan ang sarili mo, paalam."
Ganun lang kadali para sakanya ang bumitaw sa apat na taon naming pagsasama, ganun lang yun? Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Ayoko hindi ko kayang wala siya sa tabi ko.
"No, p-please Josh wag mo kong iwan parang awa mo na, Hindi ko kaya, hindi ko alam ang gagawin pag wala ka."
Pagsusumamo ko pero hindi ko na ata siya mapipigilan, iyak ako ng iyak.
"Thank you for the happy memories Nikki, It will always be in my mind and in my heart"
parang naghina ako buo na ang desisyon niya. Kinuha niya ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya, sabay talikod at naglakad papalayo.
Pakiramdam ko binagsakan ako ng langit at lupa. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Siguro nga kailangan ko na talagang mag move on at kalimutan siya. Alam kong hindi madali pero kakayanin ko para sa sarili ko.
Sa ngayon kailangan ko lang ibuhos lahat ng hinanakit ko, pagkatapos nito alam ko magiging okay din ako.Nagkulong ako sa kwarto at hindi makakain ng maayos. Makalipas ang ilang linggo naisipan kong mag transfer ng ibang school, bagsak kasi ako sa halos lahat ng subjects ko, At hindi ako makaka move on kung parati ko siyang nakikita sa university na may kalandian na iba.. Step of moving on na rin eh yung umiwas at hindi na siya makita muli. Gusto kong magsimula muli ng panibagong buhay na wala siya sa tabi ko.
Alam kong hindi magiging madali pero pipilitin ko.
BINABASA MO ANG
Kisses-ON HOLD FOR NOW
Teen FictionHindi ko inakala na ang isang astigin na hearthrob ng university ay handang maging alalay ko para lang makamit niya ang matamis kong OO. Natatakot akong masaktan ulit sa pangalawang pagkakataon, but Ace never fails to make me feel like his princess...