- - -
Nakaharap ako ngayon sa malaking gate ng Caleb University hawak hawak ang strap ng backpack ko."This is it,*hingang malalim* kaya ko to"
medyo naninibago ako sa paligid ko. First step of moving on to so, aja!
Kasalukuyang naglalakad ako ngayon sa hallway ng school, hinahanap ko kasi ang room ko. Ang lawak kasi ng skwelahang to kaya medyo nahihirapan ako. Tiningnan ko ulit yung schedule ko. At nagpalinga-linga, naramdaman ko na lang na bumagsak ang pwet ko sa sahig. Sht! Ang sakit! Tinulungan ako ng lalaking nakabangga ko. Great, first day ko dito at ito pa yung nangyari sakin, okay na sana eh, akala ko mabait naman siya kasi tinulungan niya kong makatayo. Nagkamali ata ako.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo"aniya.
Wow naman? So ako lang talaga ang may kasalanan? Kung siguro nakatingin din siya sa dinadaanan niya baka naiwasan niya pa ko at hindi niya ko nabangga!
"Hoy! Wag mo kong sisisihin! Hindi ka rin tumitingin sa dinadaanan mo! Kaya mo ko nabangga!"
Nanggagalaiti ako, nakakabwesit! Ang yabang niya makatingin! Kala mo kung sino!
"Shut up, Whatever you say, it's your fault and not mine"
Pigilan niyo ko! Kakalbuhin ko na talaga to! I am about to speak pero pinigilan niya ko. Hinalikan niya ko! Eww! I just met him tapos hinalikan niya ko?! What's wrong with him?!
"Aigo! What do you think your doing?! Ang kapal ng mukha mong halika-"
"Shut up! Or else, hahalikan kita ulit. Sa harapan nila"sabay turo sa nagkukumpolang babae na nakapaligid saamin at nakikiusyoso.
Aigoooooo! Bat andaming mga nakatinging babae samin? Nahiya tuloy ako, nakita ata nila lahat! Ang tatalim ng tingin nila sakin, yung iba nagbubulungan pa eh rinig na rinig ko naman, yumuko na lamang ako at naglakad. This is not good.
Nang mahanap ko yung room ko ay pumasok kaagad ako. Wala ng vacant chair sa harap kaya sa likod na lamang ako umupo. Nakakainis lang kasi pinagtitinginan ako ng mga babae at pinagchichismisan. Kasalanan yun ng mokong na yun eh!
Maya-maya pa ay dumating na yung prof namin. Pero yung katabi ko tulog na tulog pa rin. Feel at home ah. Kinilabit ko siya, tulog mantika."Hey, wake up. Nandito na si sir"
Bulong ko. Hindi niya ata narinig kaya inulit ko.
"I dont care."
Sagot niya. Sana umuwi na lang siya kung matutulog lang din naman pala siya! Nagsasayang lang siya ng baon!
Kinilabit ko uli siya."What is your problem lady?!"
Naningkit ang mata ko ng iniangat niya ang ulo niya. Siya na naman?! Inirapan ko siya.
"You know what? You're cute. "
Binebwesit niya talaga ako. Argghh! Pektusan ko kaya to sa apdo?
Hindi ko siya kinibo. May kasalanan pa siya sakin. He kissed me infront of our schoolmates! How dare he?!"Kaya lang ang suplada mo"
Nagtitimpi na lang talaga ako. Gusto ko siyang sakalin. Nakakainis!
"Alam mo ikaw?! Kelalaki mong tao ang daldal mo! Tigil tigilan mo ko ha? Gigilitan kita ng leeg pag di ka pa tumigil!"
Lumipat ako ng upuan dahil naiirita ako.
Laking pasasalamat ko ng matapos ang klase. Umalis ako agad at pumunta ng cafeteria. Bumili ako ng snacks ko at naupo sa bandang kaliwa. Kakagat pa lang ako sa burger na binili ko ng biglang may nagsalitang malaking langgam sa harapan ko."Mukhang masarap yan ah"
This guy is really getting in my nerves! He is so makulit and annoying! I swear I'm gonna ripped his damn lips if I get irritated.
"Umalis ka nga sa harapan ko! Nakakawalang gana eh"
Nagpout siya. Tss nagmumukha siyang tambotso. Ang tigas ng ng panga nito eh. Tinago ko na lang sa bag ko ang snacks ko at umalis. Nawalan na ko ng gana. Hindi ako makakain ng maayos sa ginagawa niya. Nagpu-puppy eyes sa harap ko sabay pout?! Seriously? Saan ba napunta kaluluwa ng lalaking to? Sa pwet?!
Pumunta ako sa field at umupo sa bandang may puno. Nilagay ko ang bag ko at kinuha ang snacks. Unang araw ko pa lang dito, nainis kaagad ako! Pano pag tinanong ako ni kuya kung kumusta yung first day ko sa unibersidad na to? Anong isasagot ko!? 'So there this guy na nakabangga ko kanina tinulungan niya ko at diniin na kasalanan ko tapos ninakawan niya ko ng halik at binantaan, pagkatapos kinulit niya na ko buong araw! I get irrated and annoyed!'
He is sooo irritating! And I do think that I am going to suffer this the whole year! Gaassshhhhhh! Bakit ang lupit ng mundo sakin? Masama ba ko? Ano bang ginawa ko?!Napatingin ako sa field. Haayy, naalala ko na naman si Josh. Naglalaro din siya ng football. Varsity siya. Kaya halos lahat ng babae sa school gagawin ang lahat makuha lang nila ang attention ni Josh. And yeah, one of them succeed. Tss. Kumusta na kaya siya? I'm pretty sure he is now happy with his new girlfriend.
Napabuntong hininga ako. My tears started to fall. And my heart started to ripped. Humagolgol ako, okay lang ibubuhos ko na lahat ngayon and I promised that this will be the last, pagkatapos nito hindi na ko iiyak. Pagkatapos nito sana tuluyan ko na siyang makalimutan. My purpose here is to wiped away the pain in my heart. Dahil sa tingin ko mas magiging madali ito pag hindi ko siya nakikita. And to go on with my life without him. Dahil alam ko sa sarili ko na hinding hindi na siya babalik at kailangan ko nang masanay na wala siya sa tabi ko.I know this is hard. But I need to. For myself and for my future.
BINABASA MO ANG
Kisses-ON HOLD FOR NOW
Teen FictionHindi ko inakala na ang isang astigin na hearthrob ng university ay handang maging alalay ko para lang makamit niya ang matamis kong OO. Natatakot akong masaktan ulit sa pangalawang pagkakataon, but Ace never fails to make me feel like his princess...