---------------
Isang linggo na rin pala ang nakakalipas simula nong pumasok ako dito. At isang linggo na rin akong kinukulit ng lalaking to! Todo iwas naman ako, pano naman ako makakapag concentrate sa klase kung palaging mukha niya ang nakikita ko kahit saan man ako tumingin.
Mas lalong nadagdagan ang masasamang tingin sakin ng mga babae sa school kapag napadaan ako sa hallway or sa gymnasium dahil sa ginagawa niya.Kakapasok ko pa lang ng classroom mukha niya kaagad ang bumungad sakin. Inirapan ko siya at binuklat ang librong hawak ko. Hindi ako makapagconcentrate sa binabasa ko dahil panay ang titig niya sakin. What's up with him ba? Kahapon niya pa ko kinukulit. He is damn annoying! I don't even even know his name! Don't ask me why,simply because I'm not interested to him?
"Excuse me? Please stop staring at me. K?"
Pagsusungit ko sabay irap ulit.
Sandaling katahimikan ang bumalot saaming dalawa ng bigla siyang nagsalita."Okay fine, from now on, hindi na kita kukulitin at aasarin. Hindi na rin kita papansinin."
Sabi niya at tinalikuran ako. Paki ko ba? Hindi naman siya kawalan at isa pa mas mabuti nga yun nang matahimik na ang buhay ko sa university na to.
"Better"
Sagot ko, at binaling ulit ang atensyon sa librong hawak ko. Biglang nakaramdam ako ng guilt. Am I that harsh? Tama lang naman siguro ang ginawa ko na ipagtabuyan siya. Gusto kong mapag-isa, I need to find myself and I don t care kung sabihin man nilang weirdo ako.
-------------------
Totoo nga, hindi na nga niya talaga ako pinapansin. Minsan dadaanan niya lang ako na parang di niya ko nakita, samantalang noon kailangan ko pang mag ala ninja para lang makapagtago sakanya. Minsan naman kahit magkatabi lang ang upuan namin ni hindi man lang niya ako nililingon, nakatungo lang siya at bahagyang tulog. Huminga ako ng malalim, pinanindigan niya ang sinabi niya.Pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na siya masyadong nakikita. Kung nagkataon man ay nag-iisa lamang ito na naglalakad at nakapamulsa. Hindi ko mapigilang makonsensya sa ginawa ko, pero na isip ko na mas okay din itong ganito.
Dalawang araw na simula nung ipagtabuyan ko siya. Nakakapanibago.
Pumunta ako ng cafeteria at umorder ng makakain, naghahanap ako ng mauupuan ng biglang may nag approach saakin. Isang mahaba ang biyas at isang malaki ang panga."Excuse me"
Marahan kong sabi at naghanap ng pwedeng madaanan pero imbes na tumabi ay hinarangan nila ako. Dahan-dahan kong inilapag ang tray na hawak sa malapit na table at hinarap ulit sila. Tiningnan ako ng babaeng mapanga mula ulo hanggang paa, at ang reaksyon sa mukha niya ay parang nandidiri at hindi makapaniwala.
"Ano bang kailangan niyo?"
Walang emosyon kong tanong. Palakad lakad silang dalawa habang mariin akong sinusuri. I rolled my eyes at kinuha ang tray na inilapag ko sa kalapit na mesa. Unti-unti nang nagkakaroon ng komusyon sa loob ng cafeteria, I hate being the center of attention ayoko ng gulo, I am about to walk ng hinawakan nila ako sa dalawang braso at hinila pabalik, nahulog ang tray na hawak ko dahil sa lakas ng pagkakahila nila. Hinarap ko sila na hindi pa rin nagsasalita, mas dumadami ang mga estudyanteng nakikiusyoso. I hate this.
"Wag kang bastos."
Hindi ako kumikibo at hinahayaan siyang magsalita. As if I care.
"A newbie right?"
Hindi pa rin ako sumasagot. Attention seekers.
"Bago ka lang dito pero kung makaasta ka akala mo kung sino"
Still, hindi pa rin ako umiimik.
"Kami, matagal na kami rito sa university, pero kahit ni minsan hindi kami pinapansin ni Ace. Pero ikaw? Ikaw na isang newbie. Huh! Ginayuma mo ata siya!"
So dahil pala sa Ace na yun, galit sila sakin? E ano naman ngayon kung pinapansin ako ng Ace na yun. Nakakainis na nga siya, pinagtabuyan ko na nga. At kung magsalita sila halos lumuhod sila sa harapan ni Ace para lang pansinin sila.
"Tapos na ba kayo? Dahil kung oo, umalis na kayo sa dadaanan ko bago ko gawing paa ang mukha mo."
Ayoko na sana silang patulan kaya lang sumosobra na sila. Pagod na kong mag bait baitan.
A/N: Hi👋😁
#pansininniyokohaha

BINABASA MO ANG
Kisses-ON HOLD FOR NOW
Fiksi RemajaHindi ko inakala na ang isang astigin na hearthrob ng university ay handang maging alalay ko para lang makamit niya ang matamis kong OO. Natatakot akong masaktan ulit sa pangalawang pagkakataon, but Ace never fails to make me feel like his princess...