Night. 36

200K 2.8K 36
                                    



"Don't be nervous for tomorrow hija, it'll be okay. Magiging isa na kayo bukas."

Ewan ko kinakabahan talaga ako para bukas.


Wedding day na namin bukas pero di parin kame nag iimikan simula noong sinampal nya ako ma-pride ako at ma-pride din sya and we have our own lives mag kakaisa lang kame pag dating sa anak namin.


"Ayusin nyo kung ano mang problemang meron kayo hindi maganda tingnan kung pag iisahin kayo sa simbahan na may sama kayo ng loob sa isa't isa."-nay Wini.

Nandito sila nay Wini ngayon para sa kasal namin bukas.

Napaisip naman ako. Pero di parin talaga ako makikipag-ayos sakanya ako na nga ang dehado dito eh dahil pati ang anak ko di na rin ako pinapansin syempre kampi yun sa ama nya pwes magsama sila kala nila ha.

Di nya lang alam na ang ama nya ang dahilan ng lahat ng pag-hihirap ko.
Titiisin ko sila hangga't sa hindi na nila makaya.

"Ah...ma pwede po ba akong umalis saglit babalik naman po ako."

Tumango naman si mama Elda.




Mag rerefresh muna ako.

Pero san ba pwede?


Sa bahay ni Ernesto?

Wala sya eh nasa Thailand sila dun kase ang graduation nila ng Masteral ang sosyal no?
Saka kahit naman nanjan sya at sa bahay nya ako pupunta di parin ako makakapag-pahinga sa ingay ba naman ng baklang yun.


Pero bakit kaya ganito ako? Kahit mabigat ang loob ko na papanatili ko paring mapagaan ang loob ko. Sa dami ng problema ko sa buhay isang ngiti ko lang parang okay akong tingnan pero sa loob-loob ko parang di ko kinakaya. Ganon pag iniisip ko si Ckari nawawala naman ng kahit kaunti. Its for Ckari kaya ako nag-papaka tatag wala na ang mama't papa ko para mag-pagaan pa ng loob ko kundi si Ckari nalang ang anak ko.

Pero ngayon, to the point na nasasaktan ako. Di ko alam kung san kukunin ang lakas. Parang bumabalik din ulit sakin ang lahat ng sakit na náramdaman at naransan ko noon.
Ano bang kasalanan ko? Nag mahal lang naman ako. Nag mahal lang ako at nag paka tanga.

Tutuloy pa kaya ako sa kasal?



Bigla ko nalang naisip na pumunta ng terminal ng bus at sumakay.

May isang lugar akong gustong puntahan kung saan makakapag-isip ng maayos at mag karoon ng kahit unting panahon lang na peace of mind.


I decided something.



To: Mama Elda

Mama, I'm sorry. Gusto ko po munang mag-isip please intindihin nyo po ako.

_





Sana this time malinawan na ako sa lahat.



Sorry Ckari, iiwan ka muna ni mama.




In-off ko muna ang phone ko for just 1 week lang naman.
Sana maintindihan ako ni Mama Elda at ng lahat.


For Damien, sana mag laan muna sya ng onting pasensya para saakin kah8t ngayon lang.

I hope he can understand me this time. Unting panahon lang naman ang hihingin ko alam kong para rin ito sa anak namin pero kailangan ko muna talagang mag-karoon naman ng time para makapag-isip.

Di ako lumayo dahil alam kong ayaw nya naman sa ideang ikasal kame, di ako lumayo dahil nasaktan nya ako ng pisikal, di ako lumayo dahil alam kong di naman talaga nya ako mahal. Lalayo ako para sa ikakasiguradong di ko pag sisisihan ang desisyong pang habang buhay, lalayo ako para mapag-isipng mabuti ang mga bagay bagay na gumugulo sa isip at puso ko at nang maging handa sa ano mng problemang haharapin namin sa hinaharap. Lalayo ako para iwaksi lahat ng negatibo sa isip ko at para matanggap ng buong buo ang kapalaran ko.





At maging mabuting asawa't ina sa dalawang pinaka mamahal ko sa lahat.
















........haysss baka di ko na po ma extend pa guys pasensya talaga😣😣 naaawa na ako kay Eiren eh gusto ko na syang bigyanng happy ending😁😁😁


Next Chapter...Eiren's adventure to Vigan.

A Night With My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon