Chapter 1

11 1 0
                                    

Naglalakad ako sa hall way ng school namin dahil may inutos ang aking guro sa? saan nga ba? Bakit hindi ko alam?

Tapos may kumakausap sa akin na babae na Malabo ang mukha hindi ko alam kung kilala ko siya or what. Salita siya ng salita at ang ginawa ko nalang ay tumango patunay na naiintindihan ko ang mga sinasabi niya kahit hindi naman talaga. Masaya? Oo ewan ko pero iyan ang nararamdaman ko kahit hindi ko naman kilala ang babaeng ito kwento siya ng kwento ng mga bagay ngunit hindi ko naman naririnig basta nakikita ko lang na Masaya kaming dalawa.
Hanggang sa umakyat na kami sa 2nd floor, at hindi ko alam kung bakit nandun ako, basta ang alam ko kailangan kong pumunta doon. Halos blurred lahat ng bagay na nakikita ko, may nakakasalubong ako ngunit hindi ko sila masyadong kilala. At bigla nalang may isang lalaki na ngumiti sa akin. Oo lalaki siya at katulad nga kanina blurred ngunit kita ko ang napakaganda niyang mata, singkit at mapupungay na mata pero alam kong malungkot siya. Gusto kong malaman kung bakit siya malungkot, gusto ko rin ngumiti sa kanya ngunit parang may sariling mga isip ang katawan ko at nilagpasan lamang siya at nagpanggap na hindi siya nakita. Hala ano na bang nangyayari sa akin at ganito ang nararamdaman ko. At sa hindi inaasan kalalakad , ako ay nadulas at napaupo dahil may sugat ako sa tuhod. Dugo? Iyan ang nakita ko. Nakita ko rin ang pagpapanik ng mga tao ngunit hindi ko sila nakikilala. Bakit? Ano ba ito, ng tingnan ko ang tuhod ko ay wala akong maramdaman na sakit. Pero bakit may dugo? Weird.
Hanggang sa may nagsalita at narinig ko iyon ng malinaw

"wala kang nakikita , wala kang nararamdaman, wala kang naririnig dahil ikaw ay naging manhid na, isa kang taong walang kaalam alam" ng tingnan ko ang nagsalita ay isa siyang matanda at naglalaho ng paunti unti hanggang sa wala na akong nakita
Naiyak na ako asan ako?
" mama? Papa? Ate? Kuya?"

Alam kong binubuka ko ang mga bibig ko ngunit walang lumalabas na kahit ano. At unti unti akong nanghina dahil alam kong ako nalang mag isa dito.
Ngunit laking gulat ko ng may magbigay ng panyo, puting panyo na may nakalagay na " ILY " . Kinuha ko iyon at titingnan ko na sana ang mukha niya ngunit naglalaho na ulit siya. At muli mata na niya ang nakita ko ang singkit at mapupungay na mata. Na tila ako ay hinihipnotismo

may narinig ulit ako " anak ,anak" sabi niya
Hanggang sa nakita ko sila, si mama, si papa, si ate, at si kuya. This time naririnig ko na sila, nakikita ko na sila, at nararamdaman ko na sila.

" okey ka lang ba anak?" sabi ni papa
" anak" sabi ni mama sabay yakap sa akin

Tama. Tama nga na hindi iyon totoo. Panaginip? Ay hindi isang bangungungot ayaw kong maranasan iyon na darating ang araw na ako nalang mag isa na mawawala lahat ng mahal ko sa buhay, tama hindi iyon totoo at hinding hindi ko hahayaan na mangyari iyon.
Niyakap ko sila ng mahigpit kasabay ng pagtulo ng mga maiinit ng tubig mula sa aking mata.

A.n. :Whoooo mapanget ba? Sorna. Sa next chapter suportahan niyo parin ne.

My Nightmares Is Real?Where stories live. Discover now