Chapter 3
Zander POV
Napangisi nalang ako sa babaeng katabi ko. Hahaha babasa na nga lang ang lakas pa tss. Kanina ko pa din alam na binabasa ang nitaype ko eh. At ngayon mas lalo pa akong napatawa ng nakita kong nakasimangut siya. Ang cute--- ay yack bat ganito inisip ko kadiri
Konsensiya: pero ang ganda naman kasi niya talaga eh
shemay ka konsensya mamatay ka na
Argggg baliw na taya ako at kinakausap ko ang konsensiya ko.
Sinave ko na din ang file na ginawa ko. At anong strand kinuha ko? STEM syempre mas gusto ko yung nahihirapan ako. Gwapo ko kasi eh.
Faith POV
Ayss hanggang ngayon naiinis pa rin ako lagi ko kasing nakikita yung bwisit na lalaki na iyon na nakatingin sa akin eh, kainis.
12:30 na pala ngayon palang kami pinalabas at pinababalik kami bukas ng 9:00 para sa results tas kung pwede daw wag ng magsama ng parents. Tss pake ba nila kung gusto kong magsama.
At kanina pa din ako naghinhintay kila mama at papa dito ngunit wala parin sila nagugutom na ako huhuhu.
Ring ring ring......
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at unknown number ang nakalagay. Pero no choice ako kung hindi sagutin iyon.
" hello sino to?"
"pumunta ka sa labas ng gate" boses lalaki
"at bakit, paano kung ayaw ko" narinig kong medyo tumawa siya at bakit parang ang ingay naman yata.
"ate denice ayaw sumama ng kapatid mo oh" narinig kong sabi niya at nagsumbong pa talaga siya kay ate ha
"pumu----" toot t tooottt.
HAHA pinatayan ko lang naman. Buti nga kung sino man siya at bakit kasama niya si ate?
Ring ring ring....
Narinig kong muli ang phone ko at yung number ulit kanina ang tumatawag.
Pinatayan ko ulit siya. Kakainis eh
Ronny POV
Ayan hello sa inyo. Ako si ronny clenne young aka gwapo. 17 years old
Oh wag ng kumontra. Basaketball player, singer,dancer. Yes I am talented. Isa ako sa kaibigan ni Zander at kami lang din ang nakakaalam ng isang secret niya na napakalupet, oo tama kaibigan niya nga kasi kami, lima kami sa grupo si zander,joey, nico, alfred at ako aka kami ang fiveboys. Sikat sa campus at lagi pinagpapantasyahan ng mga babae. Tss kakairita na nga sila minsan eh. Kaming lima ay talented at syempre gwapo. Lahat ng ipagawa sa amin ay kaya naming, kaya lahat ng guro halos gusto maging adviser naming. Lovelife? Tss wala hindi pa kami nag eentertain ng babae lalo na iyang si Zander, siya ang leader ng grupo namin, never siyang nag entertain at nakipag usap sa babae. Kaya lang kanina nakita kong ngumingiti siya kay denille. Oo kilala ko siya nabasa ko kanina Haha,inopen ko yung file niya kanina, pakialamera na pero kyuryus lang ako eh. Kaso ABM ang kinuha niya at STEM kami, at ang ikinabigla ko pa ay muhkang hindi man yata kami kilala dahil parang baliwala lang sa kanya na napagitnaan ng mga sikat sa school. Iba talaga siya hindi katulad ng ibang babae. Oy wala akong gusto dun ha. Cute niya lang kase eh.
So ayun nga back to topic dahil first day ng enrolan ngayon ay sinecelebrate namin ito. Sino ang mga kasama? Well si ate denice na kapatid pala ni denille sabagay parehas silang maganda at ang mas nakakagulat ay ang laeder namin sa basketball na si kuya danilo kuya din pala siya ni denille kaya sinadjest ko nalang na isama naming si denille kasi nakita ko siya kanina na parang naghihintay ng sundo. Eh kaagad naman pumayag sila ate dinice at kuya danilo kaya lang masyado kaming malayo kay denille kaya naiisip ko nalang na tawagan siya.
" ay oo nga talino talaga ni ronny tawagan nalang natin siya" sabi ni ate denice
" eh kaso may pantawag ba kayo wala ditto yung cp ko eh" sabi ni kuya danilo
" eh ako din nasa kotse nga diba kuya" sabi naman ni ate denice
" tol nico" sabi ko na parang nagtatanong
"wala pre lowbat ako eh" sagot niya
"ikaw tol" sabi ko naman kay Alfred
"wala pre nawawala phone ko eh' sabi naman niya
" pre last ka na---" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kay joey ng bigla na agad siyang nagsalita
"pre diba pinasa ko na sayo lahat" siya ng pala source ng load naming eh HAHAHA
" neh eh paano na iyan?" sabi ni ate denille
" ako meron" sabi ni Zander
" pre naman bat ngayon mo lang sinabi" sabi ni joey
" hindi naman kayo nagtatanong eh" sabi niya pa tss uto talaga ito
"ate denice tawag ka po ni maam Camille may tatanungin daw po siya sayo tungkol sa cheerdance" sabi ng isang batang babae na satingin ko ay grade 6. Yes tama sa weezenbaum academy mayroong kindergarten to grade 6 then junior at senior at syempre college. Kaya kahit grade 11 palang kami ay kilala na naming si ate dinice at kuya danilo.Si denille kasi mukang hindi siya dito nag aral dahil hindi namin siya nakikita.
" oy sige saglit lang" sabi ni ate denice at nakikita naman namin siya na nakikipag usap kay maam Camille.
" oy kuya ano ba yung number ni denille ba iyon? " sabi ni zander tss kung alam ko lang.
"kuya " sabi ko
" ay sorry ito na oh 0909*******" sabi niya
Kasabay ng pagdating muli ni ate denice
" oh ano sabi?" sabi niya
" wala pa ate excited hahaha" sabi ni Alfred
" tss " sabi nalang ni ate
Ring ring ring......
Ni loud speaker ni zander kaya naririnig naming.
" hello sino to?" bakas sa boses ni denille ang pagka irita
"pumunta ka sa labas ng gate" ma authoridad na sabi ni zander tss.
"at bakit, paano kung ayaw ko" at doon nakita ko ang masayang mukha ni zander, narinig ko din ang pahagya niyang pagkatawa na halatang pinipilgilan niya
At kasabay nun ang pagtawa din namin
"ate denice ayaw sumama ng kapatid mo oh" sadyang pinarinig niya kay denille ang pagsusumbong niya kay ate dinice
"pumu----" toot t tooottt.
HAHA pinatayan lang naman niya si zander haha iba ka talaga denille .
Ring ring ring....
Narinig kong muli ang pagring ng phone niya ngunit katulad kanina pinatayan niya ulit. Nakita ko ang bakas ng kasiyahan sa mukha ni zander. Jusmiyo pagpatay lang pala ang makakapagpangiti sa kanya eh next time nga patayan ko din iyon.
At dahil sa nakita ko, kailangan kong kumilos. Ayaw ko ng maulit ang dati. Ang dahilan kung bakit naging ganito ang kaibigan naming si zander.
Xxallthelove
YOU ARE READING
My Nightmares Is Real?
FanfictionSi Denille Faith ay isang babae na madalas ay nakakakita ng pangyayari sa kanyang mga panaginip twing siya ay natutulog. At si Zander na isang lalaki na broken hearted sa maling babae na inakala niyang iyon ang babaeng nakikilala sa isang paligsahan.