Just Us

7 0 0
                                    

~*~

Matapos magmano ay pasalampak na naupo si Jaica sa sofa at busangot na hinarap ang kaniyang lola.

"Kuu kang bata ka, hindi na naman maipinta ng dalubhasang pintor ang mukha mo."

She sighed, "Eh pano naman kasi, la.. mamamatay nako."

"Mamamatay ka sa gutom," inilapag nito sa lamesa ang hinaing pagkain para sa kaniya, "hala sige't kumain ka na diyang bata ka. Kagabi ka pa di kumakain."

"Busog pa ko, La."

"Kumain ka diyan at ng hindi palaging nakasimangot ang mukha mo. Ke ganda ganda mong bata lagi kang nakasimangot."

Barubal na hinubad niya ang pantalong suot at mabilis na nagpalit ng boxer short. "Sakit ng binti ko, la. Ang layo layo ng nilakad ko," muli siyang naupo sa sofa at sinuntok-suntok ang magkabilang binti. "Wala po akong nasakyan kaya naglakad ako ng pagkalayo-layo dahil sa lintik na SM na yan."

"Kuu, kaya naman pala.. bakit di ka na laang sumakay?"

"Wala po kasi masakyan, la. Tsaka kahit makasakay man po ako, mapipilitan pa rin ako maglakad dahil di umuusad ang mga sasakyan." reklamo pa niya.

"Wala na talagang pag-unlad sa Ortigas na yan, mabuti nalang sa McArthur, magkatraffic man, sa dulong bahagi na."

"Oo nga po e."

***

Jaica's POV

Pinindot ko ang power button ng cellphone ko upang umilaw at para makita ko ang oras.

18:48

I heaved out a loud sighed, "Woooohh! Badtrip talaga!"

"Bakit na naman?"

"Ay kabayong nalaglag--" hataw sa balikat ang inabot ng hudas na gumulat at humila sa balikat ko pabaligtad na kamuntik ko ng ikalaglag. "Gago ka talaga Izen!"

Humagalpak siya ng tawa atsaka ako unti-unting ibinalik sa maayos na pagkakaupo. Muntik lang naman kasi akong malaglag sa pasamanong kinauupuan ko kanina. "Hindi naman kita hahayaang malaglag."

"Hahayaan mo naman akong mamatay." pairap kong sabi.

He chuckled and oppositely sit beside me. "Bakit na naman?"

"Anong bakit? Kanina ka pa bakit ng bakit dyan."

"Bakit ka badtrip?"

"Ah, yun.. walaaa.. moso ka talaga."

"Ewan ko sayo," nilahad niya ang kamay sa harap ko.

"Ano yan?"

"Palad." he answered sarcastically.

"Tatawa na ba ko?"

"Sinabi ko ba?" isa pang hataw sa braso ang natamo nya, "Araaayyy! Ang brutal mo talaga sakin, idedemanda na kita."

"Umayos ka nga kase," iritableng sabi ko "ano yan?"

"Akin na kamay mo," utos nya.

Nang hindi ko inabot ang kamay ko ay sya na ang naghila nito at isinalikop sa palad nya.

Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong sistema ko at ang lakas lang ng tibok ng puso ko.

Shit! Eto na naman sya.

"A-Ano bang--"

"Shh..!"

Tumahimik nalang ako at pinagmasdan ang gwapong mukha ni Izen.


Just US (ON-MAJOR-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon