"JAICA!!"
"Dam, si kuya Tope."
Nilingon ko ang taong tinutukoy ng kahera kong si Pearl. Nakita ko ang lalaking humahabol sakin.
"Oy, Topher.. bakit?"
Huminga ito ng malalim, "Sabay na tayo umuwi, Jai?" pag-aya nito sakanya.
Isa rin si Christopher sa mga katrabaho ko na matagal ng panay palipad-hangin lang.
"Naku, sorry ah, my susundo kasi sakin eh."
"Ha? Ganun ba?" napakamot ito sa batok, "Sige, next time nalang. Ingat."
"Sige, ingat ka rin." she gave an apologetic smile to him before waving goodbye. "Next time, promise."
Ngumiti ito atsaka tumango bago tuluyang umalis.
***
"Ano te? Wala ka pang balak umuwi?"
Binigyan ko ng masamang tingin ang kahera na katrabaho ko. "Wag mokong asarin Perlita kung ayaw mong samain,"
Pang-asar siyang tinawanan nito, "Kung ako sayo te, sumabay na sana ko kay Kuya Tope, e di sana kanina pa ko nakauwi. Antiyaga mo rin noh? 3hrs na nakalipas nag-aantay ka pa rin na darating sya." Bumuntong hininga ito atsaka tumingin sa kawalan, "Kaya tayo nasasaktan eh, kasi patuloy tayong umaasa sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan."
Sapul sa mukha nito ang basahang inihagis nya, "Pisti! Andrama mo! Oo na, uuwi nako! Boset ka."
Tumawa ulit ito atsaka pahabol sigaw na nagpaalam, "Ingat ka te ha? Wag mong isipin yun, di ka mahal nun!" nag eecho na sigaw nito ng makalabas siya ng store.
Pisting bata yun. Ang sarap sarap sakalin. Pasalamat sya mabait ako.
Mula sa store ay tumawid ako sa kabilang kalsada atsaka nag-abang ng masasakyan, wala pang limang minuto ay nakita ko na ang isang bus na parating at agad itong pinara.
Puno na ito kaya wala akong choice kundi tumayo katulad ng ibang pasahero.
"Miss, akyat ka dito sa loob. Maiipit ka diyan."
Sinulyapan ko si kuyang konduktor atsaka narealized na tama sya. Sa sobrang crowded ng bus, pag may bumabang pasahero, siguradong pipi sya.
Binigyan-daan ako ng mga lalaking pasahero na tulad ko ay nakikipagsiksikan din sa bus na yun.
Nang makapasok ako sa gitna ay parang gusto ko ulit bumalik sa pinto na pinanggalingan ko kani-kanina lang.
So, this is the reason kung bakit hindi nya ko nasundo?
Napatalikod ako nung lumingon si Izen sa kinaroroonan ko.
"Yes, babe? Bakit?"
Rinig kong tanong ni Anjie sa kanya.
"Wala, kala ko kakilala ko. Namalikmata lang pala."
Huminga ako ng malalim at hindi na muling lumingon sa kinaroroonan nila dahil ramdam ko pa rin ang titig ni Izen sa akin.
I decided to fished out my phone in my jeans' pocket. Hinawak ko ang aking isang kamay sa railing atsaka nagtext kay Izen.
To: Izeeeeen
Sabay pa ba tayo?Agad itong nagreply,
What? Hndi kpa nkakauwi?
Gusto kong matawa sa reply nya.