Tama na

8 0 0
                                    

Tama na,
Tama nga bang sabihin ang katagang ito,
Tama, oo tinamaan ako,
Tinamaan sa maling tao,
Tinamaan ako sayo,
At alam kong hindi tama ito,
Umasa lang kasi ako,
Umasa ako na ako ang sanhi ng ngiti mo,
Umasa na ang ikaw at ako ay
pwedeng maging tayo,
Tayo? Oo nga pala walang tayo,
Kasi una palang nagkamali na ako,
Mali, maling mali,
Sapagkat tayo ay nandito,
Ako ay nandirito,
Nahulog ako ,
Sa maling tao, sa maling panahon,
Nasira na ang lahat,
Dati'y inakala kong pag ako'y umamin ,
Ako ay may ibang mararating,
At oo iba ang aking narating,
Ngunit hindi kasiyahan kundi kalungkutan,
Kalungkutan ang aking napuntahan,
Nasira ang lahat,
Oo nasira ko ang lahat,
Hindi ko sinadya,
Ngunit huli na ang lahat,
Tayo'y nagkalayo,
Hindi pala dahil ikaw lang ang lumayo,
Lumayo sa puso kong nagsusumamo,
Bakit ka lumayo,
Bakit kung ang hanap mo'y na sakin na,
Mali, ako'y nagkamali,
Mali nanaman,
Ilusyon ko lang,
Na ako ang hinahanap mo,
Na tulad ko ang ibig mo,
Pero hindi,
Hindi ako at sino nga ba ako,
Sino ako para sa iyo,
Isa lang sa mga tagahanga mo,
Bakit nga ba sayo pa,
Bakit sayo kung marami pa namang iba,
Sayo pa nagseryoso,
Sineryoso kita pero para sayo
laro lang ang lahat,
At oo para sayo nakipaglaro ako,
Pero sa huli ako parin ang talo,
Talo, oo talo na,
Wag mo na saking ipamukha dahil damang dama ko na,
Napakasakit na,
At oo tama na,
Ito na lamang ang aking dapat gawin,
Dahil sa larong ito, ito lamang ang tamang maaring gawin,
Kailangan ko ng sumuko,
Tama na, Hindi na ko aasa,
Dahil malinaw na,
Tama na kase ayoko na,
Tama na kasi bumitiw ka na,
Bumitiw? oo nga pala,
kahit kailan ay di mo kinuha,
Di mo kinuha ang aking kamay,
Kamay na handang ibigay,
Ibigay ang lahat, 
Tama na oo tama na,
Tama na at paalam na,...

**
This is actually made bec of mah bestfwend.  Shout out Mars!  Tula ng story mo 😂

Mga tulang gawa ni KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon