Sino

0 0 0
                                    

Sino nga ba ako,
Para sayo?
Tagahanga, kaibigan, kalokohan?
Alin dyan?

Tagahanga,
Parating nakatingin sayo,
Pinapanood ang bawat kilos mo,
Kinikilig sa boses mo,
Oo,  kung ganon, tagahanga mo nga ako.

Kaibigan,
Taong laging nandyan para sayo,
Handang makinig sa kwento mo,
Handang alagaan pati puso mo,
Kaibigan na minsan ka-ibigan ito ay madalas nakapanlilito.

Kalo-kohan,
Nandyan para patawanin ka,
Pero minsan nasasaktan na,
Kasi niloko mo pati siya,
Siya na mapangiti ka lang ay sapat na,
Pero para sayo kalokohan lang siya.

At oo,  lahat ay ako,
Ako ay tagahanga, kaibigan at kalokohan mo,
Handa ako pero ako'y lito,
Lito sa kilos mo,
Alam ko kung ano ako,
Pero para sayo, sino nga ba ako?

**
Just short poem to make you cry tonight jk 😂✌

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga tulang gawa ni KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon