Meeting The Evil Ones

13 0 0
                                    

Leyna's POV

Hindi ko na naantay si Magda. Kasi naman eh!! Nabalitaan ko kagabi sa blog ng isang school officer na may dalawang transfer students daw saschool, isa sa grade 5 section A at sa amin din. Kaya ito ako ngayon nagmamadaling pumasok para makita ko kung gwapo. Nakita ko kasi yung blog din nung dalawang transfer. Pero ang picture nila blurred. Nung una akala ko mabagal lang yung net namin yun pala ganun talaga yung picture nila.

Pagdating ko sa room ang nakita ko pa lang ay sina Jonas, Johnny, Bella  at isang lalaking natutulog. Hindi ko makilala kung sino kasi nakatungo siya. Dumiretso na lang ako sa upuan ko. Ngayon ko lang napansin na katabi ko pala yung lalaking natutulog. Ang alam ko wala akong katabi ah. Ganito kasi ang arrangement sa likudan.

Bella----Jonas----Johnny---Vaccant---Leyna

Siguro Harold lang ito. Madalas kasi nanadyan si Harold sa vaccant kasi palagi silang nag-uusap ni Johnny tungkol sa Cross Fire -_-". Haiy naku! mga lalaki nga naman.

Umupo na lang ako sa upuan ko at lumingon sa katabi ko.Grabe para namang patay na yung katabi ko.Matanong nga si Johnny kung sino toh?

"Johnny"  Leyna

"Hmmm" Johnny

"Si Harold ba tong natutulog?" Leyna

"Hindi ah.Di ba nasa Canada ngayon si Harold" Johnny

Aiy! oo nga noh nakalimutan ko

"Oo nga pala nakalimutan ko.hehehehe~! Eh sino ba tong katabi natin?" Leyna

"Ayan ata yung bagong transfer na classmate natin.Ewan ko pagkadating namin dito tulog na yan eh" Johnny

"Ah. OK" Leyna

Wait lang ano ulit yung sabi ni Johnny??!! Yung bagong transfer??!! OMO! ibig sabihin katabi ko siya!!! Kyaaaaahhhh!!!

 "KYAAAHHHH!!!!~" ako

sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ko nagising ko yung katabi ko.

"Psh.So noisy!"

"Mianhae!~" ako

Ano ba yan napa korean tuloy ako ng hindi sinasadya. Nakuha ko lang naman yun sa mga kaklase mo na walang ibang pinagusapan kundi yung mga K-Pop group na hindi niyo naman maintindihan.

"Hindi ko alam Leyna koreana ka pala" sabi ni Bella

"Huh? Hindi ako koreana. Nagaya lang ako sa mga kaklase natin na salita ng salita ng korean" sabi ko

"Ano ba?! Ang ingay niyo ah! Hindi niyo ba nakikita na may natutulog!" sigaw nung katabi ko at biglang tumingin sa akin ng nanlilisik yung mga mata

"Makatingin ka ah!" sabi ko

"Ang ingay mo kasi. Pwede naman magusap ng mahina, hindi naman isang bundok ang layo niyo sa isa't-isa" sabi ng transferee

"Narinig mo ba kong sumigaw kanina, huh?! Ang hinhin na nga ng boses ko sa lagay na yun eh!" sigaw ko

"Sumisigaw ka nga ngayon eh!" sabi niya

"Eh kasi sumisiga--" hindi natapos yung sinabi ko kasi bigla siyang lumapit sa akin. As in 1 inch na lang ata ang layo ng labi ko sa labi niya

"One more shout and i'll kiss you" sabi niya ng seryoso. Akala niya naman natakot niya ako

"You can't scare me with that jerk" sabi ko

"Talaga lang ah?? *smirk*" sabi niya sabay tingin sa labi ko tapos nag lipbite siya sa sarili niya

"Then try me jerk" sabi ko sabay upo sa upuan ko. Napatayo kasi ako sa sobrang galit ko sa kanya

Twin CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon