Leyna's POV
Nandito kami ngayon sa bahay ni kuya Mark ng sobrang aga. Nabalitaan kasi ni Lester yung nangyari kahapon, at eto siya ngayon sinesermunan si kuya Mark na parang siya yung mas nakakatanda. Dibale, isip bata naman din kasi itong si kuya Mark eh.
"Hindi mo ba naisip kuya Mark na lahat nalang ng kainitan ng galit mo eh tinatanggap ni ate Magda? Kulang na nga lang eh siya na yung maging lalaki at kaw nalang yung babae. Simula ng mag-high school tayo naging ganyan ka na kay ate. Ano bang nangyari sayo kuya Mark" Lester
"Hindi ko naman sinasadya na masigawan siya nun eh. Hindi ko naman kasi talaga naintndihan yung sinasabi niya kahapon kaya ko siya nasigawan" kuya Mark
"Tch, ang sabihin mo eh bumibilis nanaman yung tibok ng puso mo kasi dinalaw ka ni ate Magda" Leyna
"H-huh? Pinags-sasasabi mo?" kuya Mark
"Ayun! Lumabas din yung totoo. Hahaha, pwede mo naman siyang sabihan ng 'Wait lang Magda, hindi ako makahinga. Wag ka munang lumapit sa akin' Hahaha" sabi ni Lester habang kunwaring nawawalan ng hininga at napapaluhod sa lapag. Hahaha
Binato naman siya ni kuya Mark ng throw pillow "Siraulo!" kuya Mark
"Eh maiba tayo. May kapartner ka na ba sa project niyo na yun, kuya Mark?" Leyna
"Yun nga, wala din. Lahat ng mga kabarkada ko magpartner na" kuya Mark
"Edi si ate Magda nalang" Lester
"Paano? Eh malamang galit parin sa akin yun" kuya Mark
"Sorry na" Leyna
"Huh? Bakit ka nagso-sorry?" kuya Mark
"May kasalanan ka ba kay kuya Mark?" tanong sakin ni Lester sabay hawak sa kamay ko
"Sira! Ang ibig kong sabihin, Sorry Na. Yung kanta ng Parokya Ni Edgar na Sorry Na" Leyna
Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanilang dalawa. Nakatulala lang sila sa akin -_- hindi nila ako nagets
"Haranahin mo si ate Magda. Gamit yung kanta na Sorry Na" Leyna
"Aaahh, yun ba. Linawin mo kasi" Lester
"Ang slow niyo naman" Leyna
"Eh hindi mo naman kasi nililinaw, magbestfriend nga talga kayo" kuya Mark
"Hindi lang kami magbestfriend, magpinsan pa kami ;)" Leyna
"Halina, haranahin mo na lang siya sa school. Duon ka magsorry sa kanya" Lester
"Wala na bang ibang pwedeng paraan?" kuya Mark
"Edi wag ka na lang magsorry para wala ka na ring grade sa project niyo, easy as that" Leyna
"Sabi ko nga eh, Teka lang paliguin niyo muna ako" sabi ni kuya Mark sabay akyat ng kwarto niya
- - After 30 Minutes - -
"Ang tagal mong maligo ah" Lester
"Syempre baga maamoy siya ni ate Magda na minsan lang siya maligo, hahaha" Leyna
"Hahaha" Lester
"Ewan sa inyong dalawa" kuya Mark
"Chill lang kuya Mark. Wag kang kabahan, hindi ka pa naman umaakyat ng ligaw kay ate Magda eh. Magso-sorry ka palang sa kanya" Lester
"Hahaha" Leyna
Magda's POV
Mag-isa lang ako ngayon na naglalakad sa garden ng school. Geez, ang senti ko naman. Pumunta kasi ako kanina sa bahay nila Leyna para sabay kaming pumasok, pero sabi ni tita eh kanina pa daw siya umalis. Babaeng yun, baka mamaya magkasama nanaman sila ni Lester. Iba na siya, iniiwan niya nalang ako. T-T Geez, ang drama ko talaga ngayon. Hindi naman ako ganito dati ah.
BINABASA MO ANG
Twin Cousin
Teen FictionKambal kaming magpinsan at wala na kayong magagawa doon.Trip namin ito eh.JOKE.Dito niyo mababasa ang tunay na kahalagahan ng pagkakaibigan.Na kahit ano pa man ang ugali, itsura at katangian niya ay tatanggapin mo parin siya dahil umpisa pa lang ay...