Nang Dahil Lang Sa Project

15 0 0
                                    

Lester's POV

At lumabas na sila ng room. Maganda sana siya eh kaso mabunganga.

 Pero teka, sabi ni kuya Mark kilala niya daw yung babaeng kasama ni Leyna.

"Kuya, classmate mo yun?" tanong ko

"Oo nga. Ang kulit mo naman. Pang ilang beses mo ng tinanong sakin yan eh" Kuya Mark

"Hehe, sorry na. Ganda niya kasi eh" sabi ko

*PAK*

"Aray ko! Bakit mo ko binatukan kuya?!" sabi ko habang niyayapos ko yung batok ko

"Ikaw ang bata bata mo pa eh yan na kaagad ang sinasabi mo" Kuya Mark

Hehe *grin* alam ko na kung bakit ;)

"Crush mo yung classmate mo noh kuya?!" sabi ko ng pasigaw

"H-huh? hindi ah. Wala akong gusto dun sa babaeng iyon. Malakas topak nun sa utak" Kuya Mark sabay naglakad siya ng medyo mabilis

"Asus! ayaw pang umamin ni kuya. Hahaha" ako

"Ewan ko sayo Lester. Kung ano-ano nang lumalabas sa bibig mo" Kuya Mark

"Sige. Sabi mo eh, hahaha" sabi ko sabay takbo

Si kuya talaga ang dali daling basahin ng nararamdaman niya. Hahaha ;) May masusumbong na agad ako kay tita pag-uwi namin xD

Mark's POV

Nandito ako ngayon sa sala namin, nakatapat ako ngayon sa laptop ko at nakikinig sa kung ano-anong mga kanta. Pero bigla akong huminto sa isang kanata na ito. Hindi ko alam kung bakit pero ng masimulan ko ng patgtugin eh hindi ko na nilipat sa ibang kanta pa.

(Please play the music at the right. Simpleng Tulad Mo by Daniel Padilla)

"Anak, hndi ko alam na fan ka pala ni DJ. Kanina mo pa yan pinapatugtog ah" biglang sulpot na sabi ni mama

"Oo nga kuya sabi mo hate mo si DanielPadillaMyLabs?" sabi naman ni Alexa, my younger sister

"Huh? Ahh. Bakit mo naman natanong yan mama. Masama na bang pakinggan yung mga kanta niya?" sabi ko

"Wala naman akong sanabi anak ko eh" sabi ni mama

"Hahahaha. Alam mo bang may gusto akong sabihin sayo, mag-mula no'ng makita ka'y naakit ako~ Hahaha. Alam niyo po kasi tita si kuya Mark...." sabat naman ni Lester.

"Ano yun Lester?" tanong ni mama sa kanya

Pinanlakihan ko siya ng mata, kung ano-ano nanaman siguro ang sasabihin niya kay mama eh

"Hahahaha. Bakit kuya Mark, masama na bang mainlove?" sabi niya sabay tawa. Yung tipong umiikot-ikot pa sa lapag yung katawan niya

"Mark? Totoo ba yun? Inlove ka na? Kanino?" tanong naman ni mama sa akin

-_- Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Mama, wag nga po kayong maniniwala kay Lester. Alam mo naman puro kalokohan lang ang alam niyan eh" sabi sabay tutok ulit sa laptop ko

Biglang namang lumapit sa akin si mama at inakbayan ako.

"Alam mo anak, wala naman masama sa umamin ka eh. Atleast alam ko kung ano ng nagyayari sayo ngayon"

Ito ang gusto ko sa mama ko eh. Hindi siya nagagalit kapag may mga nalalaman siya ganito.

"Sasabihin ko naman sayo mama kung meron na eh" sabi ko

"Kaso tita hindi niya pa kasi maamin sa sarili niya" sabat naman ni Lester

"Eh bakit ikaw Lester, siguro crush mo yung classmate mo na si Leya noh kaya mo siya gustong pagtripan kanina" sabi ko. It's payback time

Twin CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon