Fake Couple Final Chapter

4 1 0
                                        

Days passed. Solo na lang akong naglalakad sa school. Solo na lang tumatambay. Solo na lang din kumakain. Ewan ko ba! Okay lang naman dati na magsolo ako. Mas naeenjoy ko pa nga pagnagsosolo ako. Atleast makakapagcoc ako ng maayos. Atleast walang bwiset na mang iisturbo sakin. Peroo.. iba na ngayon. Kasi alam ko may kulang na. Kasi alam ko tapos na yung pagpapanggap namin. Hayyss!! Ang bobo ko talaga. Kung sana nung una pa lang di ko na binigyan ng advice tong pinsan ko di sana ako makokonsensya. Kung sana di ako pumayag sa arrangement namin ni Troy sana di ko siya nakasama di ko sana siya namimiss. At kung sana di ko hinayaan ang sarili ko na mahulog sa kanya di sana ako masasaktan ng ganito.

Ang hirap pala.
Masakit pala.
Ganito pala feeling ng mga taong sawi sa pag ibig. Para kang buhay na walang pakiramdam.

Bwiset!

"Couz!" Sa sobrang pagsesenti ko di ko na namalayan na may kasama na pala ako.

"Ay kabayong bundat!" Tili ko.
"Oh Sam. Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.

"Couz. Im sorry about last time. Alam ko wala na akong karapatan na manghimasok sa relasyon niyo pero kasi di ko maiwasan na magselos. Di ko maiwasan na masaktan. Kasi Couz. Ngayon ko lang narealize na I still love him. Pero alam kong di na pwede. At ayokong masira tayong dalawa dahil lang sa kanya. Kaya ipapaubaya ko aiya sayo. Im sorry talaga Couz!" Iyak niya sakin.

"Alam mo Couz! Okay lang yun. Tyaka ako ang kailangan magsorry sayo. Kasi nasaktan pa kita. Pero di mo kailangang magpaubaya. Kasi couz fake lang ang meron kami. Nagpapanggap lang kami para paselosin ka. Para bumalik ka kay Troy. Kasi Couz mahal na mahal ka niya. Kaya sorry sam!" Iyak ko din sabi sa kanya kahit mabigat sa kalooban ko.

Nagyakapan lang kami ni samantha dun ng ilang oras bago siya muling nagsalita.

"Couz! Thank you. Thank you sa effort mo. Effective siya Ky. Nagselos talaga ako ng bonggang bongga. Pero ngayong alam ko na. Hindi ko na siya bibitawan ulit. Thank you so much!" Sabi niya sabay alis sa harap ko.

Sa pag alis ni Samantha saka naman bumuhos ang kanina ko pang pinipigilang luha ko.

Masakit pala talaga.
Sobrang sakit na pakawalan yung taong gusto mo. Pero alam mong yun yung tama. Kasi umpisa pa lang sila talaga. Dakilang extra lang ako. Tanging malaking EPAL lang ako sa storya nila.



Pagkatapos kong magmukmok ng isang oras. Tumayo na ako para sana maglibang at ng makalimutan ko tong bigat sa dibdib ko. At kung talagang minamalas ka nga naman. Sa lahat pa ng pwede kong mapuntahan bakit pa dito sa gym na to? Bakit dito pa kung saan madalas kaming tumambay ni Troy?

Bwiset naman na mga paa ko to. Kung saan saan ako dinadala.
Palabas na sana ako ng gym ng may narinig ako

"Troy! Im sorry! At gusto ko ulit na maging tayo. Kyla already told me everything. About your plan para magkaayos tayo. Ganoon mo pala ako kamahal and Im so stupid para pakawalan ka. Pero okay na. Ito na ako. Mahal na mahal ka pa rin. I love you Troy!" Ang ganda lang diba? Sila na ulit.

Grabe! Akala ko sobra na yung sakit na pakawalan yung taong gusto mo may mas sasakit pa pala. Yung makita mong iba na ang kasama niya.

Nakakainis. Nakakapanghina. Bat ba kasi ako pumunta pa dito? Bat ko ba pinakinggan usapan nila? Bat ko ba sinasaktan ng sobra ang sarili ko? Di naman ako masokista. Pero putragis. Masakit talaga.

Tuloy tuloy lang ako sa paglakad ng mabilis para makaalis sa ligar na yun. Kasi pag di ako umalis dun baka bawiin ko si Troy sa kanya. Na alam kong mali kasi umpisa pa lang hindi sa akin si Troy.

Siguro naman masasanay na rin ako. Nabuhay nga akong wala siya mabubuhay naman siguro akl kahit wala siya.


*******
After 1 week

Sa araw araw na pagpasok ko sa school. Palagi akong iwas sa kanila. Ni isa sa kanila ayokong makita. Kaya palagi akong nagtatago. O di kaya pag alam kong makakasalubong sila umiiwas na ako. Balita na rin sa school na nagkabalikan na sila. Na masaya na sila ulit.

Pero kung talagang tinamaan ka nga naman ng malas sa dinami dami ng pwede kong makasalubong bat siya pa?

Tatalikod na sana ako sa kanya kasooo

"Kyla! Pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya

"Ah.. kasi.. ano.. ahm. May kailangan pa akong tapusin. Marami akong ginagawa. Ahmmm.  Next time na lang siguro. Oo .. tama. Next t-t-time..." sabi ko ng di siya tinitingnan.

"Iniiwasan mo ba ako?" Bwiset di pa ba siya aalis.

"H-h-h-hi-hin-di. Bat naman kita iiwasan? Busy kasi talaga ako." Palusot ko.

"Kyla kailangan nating mag usap sa ayaw at sa gusto mo" matigas niyang sabi. Bwiset! Di niya ba alam na pag di pa siya umalis baka magbreakdown ako sa kanya.

"Hindi nga kasi pwede ngayon."

"Bakit nga?"

"Busy nga kasi ako"

"Alam kong di ka nagsasabi ng totoo. Kilala kita kyla. Bakit nga kasi?"

"Kasi nga ayoko!"

"Bakit nga?"

"Kasi kailangan!! Kailangan kong lumayo Troy! Kailangan kong iwasan tong nararamdaman ko. Kasi pag di ko ginawa masasaktan ako. Pag di ko ginawa baka pagsisihan ko na pinakawalan kita! Baka pagsisihan kong binalik kita kay sam! At ayokong mangyare yun. Bwiset kasing pusong to! Bakit ba kasi minahal pa kita!" Hagulhol ko sa kanya.

"Kasi mahal na kita troy! Mahal na mahal!" Sabi ko pa sa kanya.

"Oo nga pala! Ito oh (sabay abot sa kanya ng papel) yan na yumg account at password ko sa COC. Yung about dun sa pagiging slave baka pwdeng iba na lang. Perp wag kang mag alala yung financer okay yun wag lang yung pagiging slave. Turtore na kasi para sakin yun. Wag kang mag alala wala na akong balak sirain yung relasyon niyo ni Sam kaya sana maging matatag na kayo." Sabi ko sabay talikod sa kanya. Pero bago pa ko makahakbang tinawag niya ulit ako.

"Sam! Ito oh. Susi yan ng motor." Sabay abot sakin ng susi.
"Nalabag ko rin yung pinagkasunduan natin. Natalo din ako Kyla! Minahal na din kita!"

"Naaawa ka lang sakin troy! Awa yan di yan pagmamahal. Mahalin mo na lang si sam. Kasi yun yung tama. Matuto na tayo sa mga pagkakamali natin. Itama na natin lahat."

"Natuto na ako kyla. At kung mayroon man akong mga aral na nakuha sa nakaraan yun yung wag na wag kong hayaan namawala ulit yung taong mahal ko sakin. At kyla. Ayokong mawala ka sakin. Hindi ko ata yun mamakayan. Kaya please. Mahalin mo na lang din ako. Wag mo ng pigilan yang nararamdaman mo. At itigil na natin tong Fake Couple na to. Gawin na nating totoo.Mahalin mo na lang ako."

Yakap na lang ang nasagot ko sa kanya. At sobrang saya ko dahil don.

"Nguso! Paano pala si Sam?" basag ko ng katahimikan namin.

"Pinaliwanagan ko na siya. Nasabi ko na sa kanya na mahal na kita at wala na akong nararamdaman sa kanya." Sabi niya habang nakayakap pa rin sakin.

"Eh bakit ang kalat sa school eh nagkabalikan na daw kayo?"

"Magkausap lang kami palagi kasi hinahanap kita sa kanya. Kasi tinataguan mo ako."

"Pero mahal na mahal ka ni Sam. Narinig ko kayong nag uusap non sa gym"

"Pinakinggan mo ba lahat? Kasi yung araw ding yun dun ko din sinabi sakanya na mahal na kita. Na wala na akong nararamdaman sa kanya. Na agad naman niyang natanggap. Kasi mahalaga ka din sa kanya. Kaya wag ka ng mag isip ng kung ano ano dyan kasi para sakin ikaw ang pinakaimportante. Mahal na mahal kita Kyla! Sobra sobra."

"Mahal na mahal din kita Nguso Troy!"

"So we"re really officially couple. No more for being Fake"

"No more being Fake." Pag sang ayon ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit.

--- TAPOS ---

Panchieee's POV

Tapos na po siya. Salamat. 😙😙

Fake CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon