Bianca's POV
No choice ako kundi bumalik kay Troy at tanungin siya kung saan ang daan. Malaking kahihiyan toooooo! Oh noes! Inaway-away ko siya kanina tapos ngayon kakailanganin ko pala siya..
.
.
.
.
.
Pride ba ang paiiralin ko sa panahong ito?
*isip mode*
Nakapagdesisyun na ako, kailangan kong magsorry kay Troy, yun nalang ang tanging paraan para makauwi ako. For sure as in 10000000000%, hinahanap na ako ng mga tauhan ni Tito Basty (yung nabanggit ko na friend ni dad, yung general) sa mga oras na ito. Masyado na akong lagpas sa curfew eh. Alam ko na! Manghihiram nalang ako ng phone kay Troy para naman hindi na masyadong mag-alala si Dad.
*fast forward*
"Tr..oy, sorry na. Hindi ko naman sinasadyang sigawan ka eh. Pasensya ka na. Uy Troy, patawarin mo na ako"-ako sabay alog sa kanya.
Ilang beses ko na siyang kinulit pero parang wala pa rin siyang naririnig. Bingi ang peg? Haha. dejoke
Okay, last na 'to.
"Troy, please, patawarin mo na ako. Kahit ano gagawin ko mapatawad mo lang ako" sabi ko sabay puppy eyes. Paawa effect dapat ako ngayon.
Mukha wala na talaga. Ayaw niya talagang sumagot eh, aalis nalang nga ako at mag-aala Dora the Explorer nalang ako para mahanap ang exit sa lugar na 'to.
Nung nasa pintuan na ako, bigla akong nagulat ng magsalita si Troy
"Apology accepted. But as you said awhile ago, gagawin mo lahat ng ipapagawa ko" sabi niya
OMG! Mukhang may something talaga sa ipapagawa niya. Kinakabahan ako.
"Thank you Troy! Uhm, ano nga pala yung ipapagawa mo sa akin? Huwag naman sanang mahirap Troy." sagot ko sa kanya sabay ngumiti ng pilit.
"Okay. I'll tell you later on what you're going to do"-siya.
"Sige Troy. Troy, pwede bang manghiram ng phone kailangan ko kasing tawagan ang dad ko eh and naiwan sa school yung phone ko which is for sure dinala na ng mga bestfriends ko" sabi ko na obvious namang nahihiya ako niyan.
Wala na siyang sinagot pa pero agad naman niyang inabot ang phone niya.
Tinatype ko na ang number ni dad at priness na ang call button, bigla ba namang nagsabi yung parang sa network niya ng "You don't have enough balance, please reload immediately to enjoy our services. Thank you! *toooot* *toooot* *toooot*" ay takte naman oh! Walang ka load load, pano nato?
*isip*
*isip*
*isip*
AHA! mangungutang nalang ako ng load sa Qwerty (yung network ni Troy) yung kagaya sa Smart na pwedeng kang mangutang ng load na magagamit in case of emergency.
*making utang*
Success ang pangungutang ko! Muahaha!
Matext na nga si dad.
"Dad, please call as soon as you read this message. Urgent. Thanks! -Bianca" yan yung nacompose kong message.
SENT! ayun sent na ang message.
Hihintayin ko nalang ang tawag ni dad.
5 mins.
10 mins.
15 mins.
20 mins.
*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!* (wag kayo, ringtone yan)
Agad-agad kong sinagot ang phone
"Where are you Bianca? Alam mo bang alalang-alala kami ng mommy mo ha?! Kanina ka pa hinahanap ng mga tauhan ni Tito Basty mo. Tinawagan ko ang friends mo and ang sabi nila is that nahimatay ka raw bla bla bla bla" ang dami pa talagang satsat ni dad -.- hinintay kong matapos siyang magsalita
"Dad, relax okay? I'm fine. Huwag na kayong mag-alala sa akin. Napatawag lang ako para sabihin sayong tawagan mo si Tito Basty na ipatigil na ang search operation ng mga tauhan niya para hindi na tayo maka abala. Don't worry Dad, I'll go home as soon as possible. I love you and mom!" sabi ko at in-end ko na ang call, puputak-putak nanaman kasi yung bibig niya na parang manok. Paulit-ulit nalang yung sinasabi niya eh.
"Thank you sa pagpapahiram Troy. Naalala ko pala, nangutang ako ng load sa Qwerty, ahihi. Pasensiya ka na ha. Kailangan ko lang kasi talagang tawagan si dad. But huwag kang mag-alala, babayaran nalang kita sa nautang kong load. Thank you talaga!" sabi ko with my genuine smile =)
As usual, pipi mode nanaman tong isang to.
"Troy, matanong ko nga pala ang daan palabas sa lugar na 'to. Nag-aalala na kasi ang dad ko eh."-ako.
"Dito ka na magpalipas ng gabi, delikado na sa mga oras na ito kung lalabas ka pa. Mahirap kang makalabas sa lugar na ito pag gabi dahil walang ilaw."-sabi niya.
Wow ha, improving si Koya! 29 words yung nasabi niya ha, 2 sentences pa! Pero tama ba yung narinig ko? Dito daw ako matulog ngayon?
"Troy, hindi ba talaga pwede na umuwi nalang ako? Hinahanap na kasi ako sa amin eh."-ako.
"Huwag ngang matigas ang ulo! Huwag ipagpilitan ang hindi!" sungit mode nanaman itong isang to. "Sorry po *sabay bow* (yung ginawa ni Maricel Soriano sa Girl Boy Bakla Tomboy) siguro nga no choice na ako kundi ang matulog dito. Pasensiya ka na ha kung naabala kita. Sorry din ulit kung nasigawan kita kanina"-sincere kong sabi.
Wala nanamang imik. -.-
"Saan nga pala ako matutulog?" tanong ko.
"Sa-------"
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Sorry po talaga sa mga naghintay ng update ko kaninang umaga. Naging super busy lang talaga ako. Sa mga nagtatanong po kung ano po ba talaga ginagawa ko na nagiging sanhi ng pagiging busy ko palagi is that tumutulong kasi ako sa business ng mom ko. Kaya sana naman po maintindihan niyo ako. Patawarin niyo po talaga ako kung nadisappoint ko ang ilan sa inyo.
Salamat po!
BINABASA MO ANG
Sweet and Sour [ONHOLD]
Ficção AdolescenteTwo people with different world, different aspects in life, different reality. Is it possible for them to fall for each other? If yes, Is it going to be a sweet or sour love? By: Newgenie All Rights Reserved 2013