IKAW PA RIN

33 0 0
                                    

IKAW PA RIN
Hanggang ngayon ikaw pa rin ang nakikita ng mga mata ko
Hanggang ngayon ikaw pa rin ang bukang-bibig ng mga labi ko ko
Hanggang ngayon ikaw pa rin. Oo ikaw parin ang mahal ko.
Mula noon hanggang ngayon ikaw pa rin laman ng puso't isipan ko
Ikaw pa rin ang gusto kong makasama
Ikaw pa rin ang gusto kong kasama sa pagala
Ikaw pa rin talaga
Kahit anong pilit ko na kalimutan ka
Ikaw pa rin talaga.
Pero anong magagawa ko kung siya ang gusto mo.
Nakakapanibago
Bakit mo sinayang lahat?
Ginawa ko naman ng sapat
At ako'y naging tapat.
Bakit hanggang ngayon pinagpipilitan ko pa rin sarili ko sayo?
Bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko?
Bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ang nasa puso't isipan ko?
Na ginugulo ako
Puro tanong. Puro tanong ang nasa isip ko.
Hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman
Para bang hindi ko mabigkas ng lubusan
Para bang hindi ko maintindihan
Masakit isipin dahil hanggang ngayon ikaw pa rin
Madami nagdaan na bago.
Pero wala pa rin matutulad sayo
Dahil iisa ka lang sa mundo
Iisa ka lang sa mundo ko
Pero ngayon? Hindi na ako ang nasa mundo mo
Dahil walang iba kundi ang bestfriend ko
Sa mga oras na tayo magkasama
Hindi ko napansing tumawa ka ng sobra sobra
Ngayon ko lang napansin na siya pala ang bago
Na siya pala ang nasa mundo mo
Na ako pala ang naging tulay sa inyo
Na naging parte ng ikot ng buhay niyo
Sa oras na magkakasama tayong tatlo
Sa kanya pala umiikot ang mundo mo
Sa kanya pala tumitibok ang puso mo
Sa kanya ka pala tumatawa ng sobra sobra na para bang walang bukas
Kaya pala nilagyan mo tayo ng wakas.
Winakasan mo ang storya natin. Este storya niyo. Este storya ko lang pala
Na akala ko tayong dalawa ang bida
Ayun pala ako pa ang naging kontrabida
Storya kong sila ang magwawakas nito
Sila ang magtutuloy
Patuloy tuloy
Patuloy tuloy akong nasasaktan
Patuloy tuloy akong nahihirapan
Kailangan kong harapin hanggang katapusan

TULAWhere stories live. Discover now