SAMAHAN NG MALALAMIG ANG PASKO

38 0 0
                                    

SAMAHAN NG MALALAMIG ANG PASKO

Grupo ng mga tao
Grupo ng mga umaasang tao
Grupo ng mga malalamig ang pasko
Halina at magsama tayo
Magsama tayo ngayong pasko
Sa oras na magkasama tayo pag simbang gabi
Sa oras na magkayakap tayo sa malamig na gabi
Sa oras na magkahawak ang ating mga kamay tuwing tayo'y kakain
Sa oras na ayaw mo na akong pakawalan at gusto mo na akong angkinin
Maiinit na bibingka at puto bumbong
Kasing init ng pagyakap mo sa akin sa ilalim ng bubong
Paghalik mo sa aking bibig
Napakahigpit ng yakap mo sa akin sa iyong bisig.
Sa pagilaw ng mga parol na nakasabit sa bitana natin
Sabay neto ang pagningning mga butuin
Sabay ang pagnining na iyong mga mata
Sa tuwing ako'y nakikita
Ang Christmas Tree na kumukutikutitap
Ang mga ilaw na bumubusibusilap
Sabay tayong tatawa
Sabay tayo makikikanta sa mga nangangaroling na bata
Noche Buena
Kasalo natin ang ating pamilya
Madaming nangyari
Na tila bang pwede pang maulit muli
Pero hindi na ito mauulit muli
Hindi na kailanman mauulit muli
Dahil sa pagalis mo ng walang paalam
Gusto mo talaga na wala akong alam
Magpaliwanag ka, makikinig ako
Makikinig ako sayo
Sa mga oras na tayo magkasama
Wala ka ng nararamdaman sa akin
Wala na talaga, walang natitira para sa akin
Naramdaman ko, di na mahigpit ang yakap mo
At napakalamig mo
Ngayon ika'y isang alala na lang sa aking isipan
Magiging malamig ang aking pasko. Walang hanggan
Mga regalo mong na hindi ko kailanman nabuksan
Dahil ika'y isang tao na hindi ko kailanman makakalimutan
Hanggang dyan na lang lahat.
Tama na ang ilusyon, tigilan ko na dapat.

TULAWhere stories live. Discover now