BAGONG TAON

23 0 0
                                    

BAGONG TAON

Bagong taon
Bagong ikaw
Bagong ako
Bagong tayo
Bagong kwento ang mabubuo
Bagong kwento ang maisusulat ko
Bagong tula ang mailalahad ko
At bagong kayo
Masaya man isipin dahil bagong taon na naman
Masakit naman isipin dahil ako'y muling masasaktan
Bagong taon, dapat ikaw ang kasama ko manood ng fireworks
Hawak ang iyong mga kamay habang tayo ay nakatingala sa langit
Sabay tayo tatalon sa pagsapit ng bagong taon baka sakaling tumangkad ako
Aasa na naman ako
Bagong taon na ang salitang "ASA" pa rin ang aking naririnig sa isip ko
Bagong taon na bigo pa rin ako sayo.
Hanggang ngayon napapatanong pa rin ako
Bakit ganon? Ilang taon na nakalipas andaming nagbago
Madaming nagbago sa akin
Madaming nagbago sayo
Madaming nagbago sating dalawa
Ayun pala may bago ka na
Bagong taon na, bagong tao na ang kasama mo
Ewan ko na lang kung siya na naman ang bago mong maloloko.
Bagong papaasahin mo
Bagong tao na iiwan mo
Ganon ba talaga? Pag bagong taon madaming nagbabago.
Naguguluhan ako
Bagong mensahe ang mailalahad na kailanman hindi mo nabanggit sa akin
Mensaheng di mo kayang sabihin sakin
Ang mensaheng ito ay "Mahal kita"
Madami ng mensahe ang iyong nabanggit
Pero yung dalawang salita na iyon hindi mo kailanman sakin nabanggit
Bagong taon na mahal, takot na akong mahalin ka
Pero hindi parin ako titigil kahit na limang taon na
Limang taon na simulang iwan kita
Patawad mahal, madami nga namamatay sa maling akala
Akala ko ginamit mo lang ako
Akala ko di mo ako minahal


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULAWhere stories live. Discover now