Chapter I - Breakfast

33 1 1
                                    

Kriiiingggg Kriiiingggg......

Tamad na tamad kong kinapa sa maliit na lamesita sa tabi ng kama naming double deck ang maingay at may nakakairitang tunog na alarm clock ko. Parang kakaiba yung tunog ng alarm nito ngayon ahh.. Luma na kasi 'toh na pamana lang sa akin ni ate Giselle.

Kriiiiinggggg..... Kriiiingggg....

"Ate George naman! Patayin mo na 'yang alarm clock mo! Ang sakit sa tainga!" Reklamo ni Geanna habang padabog na tumagilid ng higa patalikod sa akin at nagtakip ng unan sa ulo niya.

Apat kaming magkakapatid at si Geanna ang bunso. Pareho silang mabilog at medyo malalim ang mga mata ni ate Giselle. Itim na itim ang buhok niya na paalon hanggang lebel ng siko niya. Madalas namin siyang tawaging babaita dahil sa pagiging morena niya. Siya lamang ang may morenang kulay sa aming apat na magkakapatid dahil namana niya ito kay Papa. At ang pagiging maputi naman namin nila Kuya Gon at Ate Giselle ay nakuha namin kay Mama. Pero para sa akin, maganda at perpekto ang pagiging morena ni Geanna. Masarap lang siyang asarin kaya tinutukso namin siyang babaita.

Magkatabi kami dito sa ibabang parte ng double deck. Mas maluwag dito kesa sa itaaas na parte ng kama. At doon naman sa itaas nakahiga si ate Giselle. Ang panganay namin na kapatid na si Kuya Gon ay may sariling kwarto sa tabi ng kwarto naming mga babae. Perks of being the panganay huh!

Kriiiiingggg... Kriiiiingggg....

Shete. Nasaan na ba yung alarm clock na yun?! Kanina ko pa kinakapa ng kamay ko hindi ko mahanap. Baka bigla na lang akong maglanding sa sahig dahil sa sipa ni Geanna kapag hindi pa tumigil sa pagpapapansin 'tong alarm clock na 'toh.

Nakadapa ako at nakasubsob ang mukha sa malambot at mabango kong unan. Patuloy lang sa pagkapa at paggalaw ang kaliwa kong kamay para mahanap yung alarm clock. Nang may narinig akong kumalabog sa sahig.  Kaya bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga at derechong naupo. Naramdaman ko din na nagbaling ng katawan si Geanna at mukhang nagising na rin.

Malabo pa ang paningin ko dahil sa biglaang pag dilat ngunit naaaninag ko ang nakapamaywang sa harap ko na si ate Giselle. Malamang ay siya ang may gawa ng ingay kanina, hindi kasi marunong gumamit ng hagdanan toh, bigla na lang tumatalon mula sa itaas na bahagi ng double deck. Tsk! Kababaeng tao. Hindi talaga uso mahinhin sa amin.

"Kahit anong kapa mo diyan wala kang alarm clock na makukuha dahil tinapon ko na yun kagabi bago ako matulog. Yan! 'Yang cellphone mo ang nagiiskandalo ng ganitong kaaga!" Galit na sigaw ni ate Giselle.

Napatingin ako sa lamesita sa gilid ng kama namin at napansin kong wala nga doon yung alarm clock kong bigay niya. Kaya dinampot ko na lang yung cellphone ko para tingnan kung anong pinaglalaban nito ng ganitong oras.

4 missed calls
Narding the Lion

"Ughh.. Si Narding..." Medyo iritable kong tugon. Alam kong naghihintay ang dalawa kong magagaling na kapatid para sabihin ko kung sino ang umistorbo sa masasarap nilang tulog.

"Si kuya Leonard? Grabe naman si kuya, ang aga aga eh." Inis na sabi ni Geanna at muling sumubsob sa unan niya.

"Hoy! Babaita!" Bulyaw ni ate Giselle kay Geanna, dahilan para mapaupo siya. "Wag mong sabihing matutulog ka pa ulit? Maaalangan lang yang tulog mo at sasakitan ka lang ng ulo kaya wag ka ng pumorma diyan. Bumaba ka na don!" Sigaw na naman ni ate Giselle.

Naglakad siya papunta sa bandang kanan ng kwarto namin kung saan nakasabit ang mga tuwalya namin. Kinuha niya yung kaniya at muling humarap sa akin.

ALL I ASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon