Reality hit me ng biglang may bumangga sa akin. Dahil mainit ang ulo ko bunga ng mga pangyayari kanina, Matalim kong tiningnan ang kung sino mang nilalang ang bumangga sa akin.
"Masyado bang masikip ang daan para mabangga mo pa ako?" Mataray kong tanong sa dalawang lalaki sa harap ko ngayon. Nalaglag ang panga ko ng mapagtanto ko kung sino ang mga ito.
"Oops! Sorry George. Ikaw pala yan." Nahihiyang sabi ni Erol sa akin habang nakahawak sa batok niya. Mukhang naglalaro naman siya at nasa cellphone niya ang buong atensyon niya kaya nabangga niya ako.
Erol Villafuerte. Ang bunso sa tribo nila Leonard. 16 years old din siya samantalang yung tatlo ay 17 na. Parehong Doktor ang mga magulang niya at may mga pag-aari silang mga ospital sa iba't-ibang parte ng Bulacan. Kung hindi ako nagkakamali ay tatlo silang magkakapatid ngunit siya lang ang lalaki at ang dalawa naman ay babae.
Madalas kong marinig sila Leonard na tinatawag siyang GM. Game Master. Sobrang hilig niyang maglaro ng kung anu-anong online games. At sabi nila ay magaling talaga siya. Hindi uso sa kaniya ang salitang talo pagdating sa paglalaro. Cool na cool lang siyang tingnan lagi kaya marami din ang nahuhumaling sa kaniya. Kahit siya ang pinaka maliit sa kanilang tribo ay mas matangkad pa rin siya sa akin. May makapal na kilay, mahahabang pilikmata at ang pamatay niyang dimples na bahagyang galaw lang ng labi niya ay bumabalandra ito sa kaniyang pisngi.
"Naku pasensya kana dito George. Nakapusta kaluluwa nito kay lucifer kaya kailangan niyang mahanap lahat ng pokemon." Biglang singit ni Justine na hindi mapigilan ang pag ngisi. Ginulo niya ang buhok ni Erol at umakbay dito.
Justine Drew Ramirez. Ang pinaka kalog sa kanilang apat. The happy-go-lucky man. Bukod kay Leonard ay approachable talaga ang isang 'toh. Masayahin siya kaya laging naka ngiti. Minsan nga nakakahawa na yung pag-ngiti niya. Presidente ang Daddy niya ng isang kilalang Real Estate Company. Sa kanilang apat ay siya lang ang solong anak. Siya ang chickboy sa tribo nila. Para sa akin, sa kanilang apat ay siya ang less fortunate sa kagwapuhan. Pero wag ka teh! Humihiyaw ng katarungan ang mga gwapo dahil naguumapaw ang sex appeal ng isang 'toh sa katawan. May hiwa ang kanang kilay niya na bumagay sa almond shape niyang mga mata. Hindi kahabaan ang kaniyang mga pilikmata ngunit makapal ito at itim na itim. Talo false eyelashes niyo hahaha.
"A-ahh okay lang. Pasensya na rin. May naligaw kasing itim na tupa dito na nagpa-init ng ulo ko. Kaya sorry sa naging reaksyon ko." Nahihiya kong tugon sa dalawa.
"Haha ganun ba? Sayang hindi namin nakita yung ligaw na tupa. So, saan ang punta mo? May klase ka na ba? Si Leo---"
Naputol ang sinasabi ni Justine ng marinig niya akong magmura ng paulit-ulit. "Shit!... shit.. shit... shit....! Late na ako!" Patay ako nito. First day, first class.. tapos late ako.
Humarap ako ng maayos kila Justine at Erol at matulin na nagpaalam. "Just, Erol pasensya na pero kailangan ko ng umalis. 8am start ng klase ko. Sorry huh! Kita na lang tayo mamaya."
"Sure. Sure. Go ahead George. Maya na lang." Matuling sagot ni Justine.
Tumango lang ako at nagsimula ng mabilis na lumakad. Hindi ko na ulit sila nilingon at halos hindi na sumasayad sa lupa ang mga paa ko sa sobrang pagmamadali.
Ilang saglit pa ay nahagip na ng mata ko ang pintuan na may nakasulat na Rm.204.. Agad akong lumapit papunta doon at huminga ng malalim bago sumilip sa pintuan. Naka crossed fingers pa ako. Ayokong ma-late, mapagalitan at gumawa ng eksena sa first day ko dito sa campus.
BINABASA MO ANG
ALL I ASK
Teen FictionHanggang saan ang kaya mong ipaglaban para sa minamahal mo? Kaya mo bang banggain kahit pa ang pinakamatalik mong kaibigan para lang sa taong mahal mo? At ikaw naman, hanggang saan naman ang limitasyon mo bilang kaibigan? Papayag ka ba na hanggang k...