"This is fucking insane idea.." galit na sabi ng binata ng bumaba sa kotse nila. Tumingin siya sa paligid at payapa ito at maraming trabahador na gumagawa. Lakad dito lakad doon.
"bikbikkkkk..."
"Holy shiiiiit.." sigaw ng binata ng matalsikan ng putik ang kanyang white converse . Ng dumaan ang biik sa kanyang harapan.
"Patawad po senyorito.." hinging paumanhin ng babae at tumango pa ito habang hawak na ang biik na pilit kumakawala sa kanyang pag kakabuhat.
"You stupid.. Farm girl.. Lalabhan mo 'tong sapatos ko at gusto ko maputing maputi." gigil na sabi ni Elmo sa dalaga.
"Hooy.. Antipatikong uggoy! Nag sorry na nga eh.. Tsaka harang ka ng harang .. And sino ba namang nasa matinong pag iisip ang mag gaganyang outfit pag pumunta sa lugar na 'to? " matapang na sabi nito at dinuro pa ang binata at tinulak.
"Julie, jusmiyo kang bata ka.. Pasensya na po senyorito.." nabaling ang tingin niya sa matandang humihingi ng tawad. "Ako nalang ho ang mag lalaba niyang sapatos niyo.."
"Tss.." sabi niya at nilagpasan na ang mga ito pumasok siya sa kanilang bahay at agad niyang nakita ang kanyang Lolo na abala sa pag mamando ng kanyang mga tauhan. Isa itong governor sa kanilang lalawigan.
"Lolo.." tawag niya agad na lumabas ang ngipin nito sa pag ngiti .
"Nag pahanda ako ng paborito mong sinigang na baboy.." masayang pahayag ng kanyang lolo. Kinuha ng katulong ang kanyang bag pack . "Pasing ilagay mo yan sa dati niyang kwarto." Dati kasi nung bata siya ay dito siya nag babakasyon. Dito din siya iniiwan ng Daddy pag sembreak at lunod sa trabaho ang mga ito.
"Opo Don Francis .." sumunod na si Elmo ng tawagin siya ng kanyang lolo at pinaupo sa tapat nito.
"Kamusta kana.? Ang laki mo na apo! Ang mommy at daddy mo pupunta ba?" tumingin siya sa katulong na nag sandok ng kanin at nag salin ng juice sa kanya.
"Ayos lang po ako Lolo.. Si Mommy malabong pumunta yun dito baka daw umitim siya. Si Daddy pinapatay niya sarili niya sa trabaho." napangisi ang matanda sa inasta ng kanyang apo.
"Na aalala ko ang Daddy mo noon nung ganyang edad din siya at pinadala ko dito. Kasi sakit ko siya sa ulo noon. Lahat ng kaklase niya pinagtripan niya and worst? Yung dean na nilagyan niya ng ipis ang bag." iiling na sabi ng matanda kay Elmo na ngumingisi.
"And nung pinadala ko siya dito .. Well at first mahirap kasi moody siya and later on tumutulong na siya sa pag Tatanim at naging interisado sa negosyo dito."
"Lolo, please lang po ayoko ng malaman ang kwento ni Dad, it making me sick.." natawa ang matanda at di na muling nag salita bagkus ay kumain nalang .
---
"Ikaw talagang bata ka.." napatingin ang binata na abala sa pag kuha ng magandang tanawin . Nang mapatingin siya sa kubo na pahingahan ng mga trabahador sa lupain ng kanyang lolo.
"Tiya naman eh.. Masakit wag niyo na akong pingutin.. Si bikbik ang may kasalanan kasi tumakbo siya paliliguan ko na dapat. Tsaka haharang harang siya eh." sabi ng dalaga habang nakakunot ang noo habang hinihimas ang tenga nito na namumula.
"Alam mo ba na apo ni Don Francis 'yon? Kaya dapat humingi ka ng tawad." napangisi si Elmo ng pingutin ulit ang tenga ng dalaga.
"Aray ko naman tiya.. Masakit.. Sige na hihingi na ako ng paumanhin sa hambog na yun." bago pa siya makurot at tiyahin niya ay naka takbo na siya palabas ng kubo.
"Julie.." napalingon ang dalaga ng tawagin siya ng isa sa mga trabahador.
"Bakit po?" nanigas si Elmo ng ngumiti ang dalaga at lumabas ang natural na ganda nito.
"Pinapatawag ka nga pala ni Don Francis .." kumunot ang noo nito at biglang namutla na ikinangiti ng binata. Bumalik na siya sa bahay ng lolo niya at inantay ang pag dating ng Dalaga.
"Tao poo... Don Francis.."
"Come with me." nagulat ang Dalaga ng biglang lumabas ang binata kung saan.
"Senyorito patawad po sa mga nasabi ko .. Sorry na po.." sabi nito habang yuko ito ng yuko .
"Are you really sorry? And by the way you call me hambog?" nanlaki ang mata ng dalaga na ikinangisi ni Elmo.
"Julie hija.." sabay silang napatingin dito na pababa sa hagdan. " May ipapabigay ako para sa tiya mo.. halika at sumunod ka sa akin." tumango ang dalaga at iniwan si Elmo na nakatanga.
Palabas na ang dalaga bitbit ang mga damit na ibibigay ng kanyang tiyahin para sa mga trabahador.
"Stupid farm girl.." napatingin siya sa binata na abala sa kanyang cellphone . "Bitbitin mo na din yung sapatos kong nadumihan ng biik mo." galit na sabi nito at hinagis pa ang sapatos.
"bwiset .." mahinang sabi ng dalaga at dinampot ang sapatos na hinagis ni Elmo. "Aalis na po ako senyorito.." sarkastikong sabi ni Julie kay Elmo.
"Go.. Shoo.. Stupid Farm girl.."
~~~~~~><~~~~~~
"Tiya ito na po ang mga damit na ibibigay daw po kila mang kaloy.." tumango ito at bumaling uli sa makina na ginagamit niya pangtahi.
"Ano iyan?" inangat ng dalaga ang sapatos ni Elmo at ngumiti ng pilit. Napailing nalang ang tiyahin niya at tumango.
Agad siyang lumabas ng kanilang likod bahay upang laban ang sapatos na naputikan. Nag bomba muna siya ng poso bago nilabhan ang sapatos.
"Ewan nalang kung may makita ka pang dumi.."
"Jusmiyo ka Julie.... Bakit mo ibinuhos ang zonrox? Haaay.. Ako na nga dyan .." tumayo si Julie at ngumiti sa tiyahin.
Kinabukasan ay abala si Julie sa pag papakain sa sisiw tapos ay pinuntahan naman niya ang kwadra ng kabayo at pinakain din ang mga iyon.
"Hi Fast.. Kumain ka ng kumain.." nakangiti pa ito habang hinihimas ang buhok nito.
"Di yan sasagot ng hello.." nakangising pang aasar ni Elmo kay Julie.
"Aalis na po ako." di niya na pinatulan pa ito bagkus ay iiwasan nalang niya.
"Not so fast farm girl.. Gusto ko i-tour mo ako sa lugar na 'to since maliit pa ako nung huling bakasyon ko dito." sabi ni Elmo at hinawakan ng mahigpit ang braso ni Julie.
"Saglit lang po. Ibabalik ko lang sa kubo ito.." tumango si Elmo at sumunod kay Julie na patungo sa kubo. Marami ang nag titinginan sa kanila pero di ito inintindi ni Elmo habang si Julie ay nakayuko lamang.
"Mukang may mag papatuloy ng naudlot na pag mamahalan ni Linda at Third .." kumunot ang noo ni Elmo habang si Julie ay nakayuko lamang.
--------^^^^^^***^^^^^-------
AN: Good luck sa akin :)
Vote , Comment <3