Part 8

2.1K 44 6
                                        

Kinaumagahan bumaba na ako para makapag breakfast.

Nakita ko si Ryle na kumakain.

"Oh Sam Kain ka na" - Yaya Tina

"Salamat Ya"

Gusto kong kausapin si Ryle para makahingi ako ng sorry sa kanya. Naguguilty kase ako sa mga sinabi ko sa kanya kahapon, alam ko namang nag aalala lang siya sa akin.

After 15 minutes tumayo na siya at tumingin sa akin.

"Kung gusto mong sumabay bilisan mo ng Kain" with his cold voice

Pagkaalis na pagkaalis ni Ryle ay tumayo na din ako.

"Sam may problema ba kayo ng kuya mo?"

"Ahh wala po ya, sige po alis na kami"

"Sige ingat kayo"

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Ryle.

"A-ah Ryle sasabay sana ako uli sayo mamaya umuwi" nakatungo kong tugon.

"Why hindi ka ba sasabay kay Kevin?"

"Siguro tama ka lalayuan ko muna siya"

Tumingin sa akin si Ryle gamit ang malamig niyang tingin.

"Kung naguguilty ka sa sinabi mo kahapon ay wag ka na maguilty, hindi na naman kita papakiaalaman pa pati may pupuntahan kami ni Jane mamaya"

Hindi ko alam kung bakit may kumurot sa puso ko ng banggitin niya ang mga katagang yun.

Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng University. Dali dali akong bumaba kase baka maiyak pa ako dun. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito.

*classroom*
" oh Sam,ok ka na ba?" Nag-aalalang
tanong sa akin ni Des.
"Oo" - me

Kakausapin pa sana ako ni Des kaso dumating na yung prof namin.

Hindi ko namalayang lunch break na pala, ganun na lang ba kalalim yung iniisip ko.

"Sam tara na sa canteen" tumango ako kay Des at sumunod na sa kanya papuntang canteen.

Habang naglalakad kami papunta sa upuan namin sa canteen nahagip ng paningin ko si Ryle kasama si Jane.

"Samantha, dito na lang kayo" utos ni Jane sa akin. Tumingin naman ako kay Ryle at nakita ko siyang tumango kaya dun na kami umupo sa tapat nila.

"Ok ka na ba Sam?" nag aalalang tanong ni Jane.
"A-a h oo ok na naman ako" sabay sulyap ko kay Ryle.
"By the way nasabi mo na ba kay Sam?" Baling ni Jane kay Ryle
"Ang alin?" Naguguluhang tanong ko.
"Sam kami na ni Ryle" masayang wika ni Jane sa akin.
"A-ah congrats" pilit na ngiti ko sa kanya. Napatinggin ako kay Ryle at nakita ko siyang nakatinggin sa akin. Sinusuri niya siguro yung itsura ko.
Tumayo na ako at nagpaalam "ah sige una na ako, may klase pa ako eh" hindi ko na inintay yung sagot nila at nagmamadali na akong pumunta sa susunod kong klase.
.
.
.
.
.
.
Natapos ang maghapon kong klase pero parang wala akong naintindihan.
Hindi ko alam kung bakit naghuhurumentado ang puso ko.

"Sam ok ka lang ba? Kanina ka pa kase nakatulala" nag aalalang tanong ni Des sa akin.

"Ok lang ako, siguro napagod lang" pagsisinungaling ko sa kanya

"Ok. Tara na uwi"

Inayos ko yung gamit ko at sabay kaming pumunta ni Des sa parking lot.

"Sam iniintay ka ata ni Kevin oh" sabay turo ni Des sa nakasandal na lalaki sa sasakyan at iyon ay si Kevin

"Sam una na ako,anjan na kase sundo ko" paalam ni Des sa akin

"Ah sige ingat ka"

Inintay ko munang makaalis si Des tsaka ako lumapit kay Kevin

"Hi sam" masayang bati niya sa akin

"Kevin pwede ba tayo mag usap. Privately" sinsero kong tugon

"Sige"

Dumiretso kami ni Kevin sa malapit na cafeteria sa school.

"Ano sasabihin mo Sam? May problema ba?" tanong niya sa akin.

"Kevin gusto kong magpasalamat sayo, sa lahat ng effort mo at pagmamahal pero ah-mm itigil mo na yung panliligaw mo sa akin"

"Ha sam, bakit? May nagawa ba akong mali?" Naguguluhang tanong niya sa akin

"Basta Kevin gawin mo na lang" dali dali na akong tumayo at iniwan siya. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko sa kanya yun. Naguguluhan din ako sa desisyon ko. Naiisip ko lang siguro si Ryle. Kapatid ko siya kaya siguro sundin ko din siya.

I fell in love with my BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon