Part 5

2K 40 0
                                    


Dumaan ang madaming araw. Patuloy pa din sa panliligaw si Kevin sa akin lagi na din niya akong hinahatid, sundo. Nung una ayaw pumayag ni Ryle na gawin yun pero sinabihan siya nina mommy na wag na mangialam.

Sabado ngayon naisipan kong magmall dahil wala naman akong gagawin dito sa bahay.

"Oh Alex san ka naman? Don't tell me may date kayo ni Kevin"

"Wala kaming date, pupunta lang ako ng mall wala naman kase akong gagawin dito"

"Alright wait for me sasama ako sayo"

Nanlaki ang mata ko ng sinabi niya yin, paano ba naman ayaw niyang pumupunta ng mall minsan lang din yang lumabas.

"Alex let's go"

Sumunod ako sa kanya papuntang sasakyan niya.

*Mall*

"Ryle daan muna tayo dun sa boutique ko"

"Geh"

Naglalakad kami ngayon dito sa mall kung saan kami ang may ari. Dumaan muna kami ni Ryle dun sa boutique kung saan ako ang may Ari.

Pagkatapos namin dun sa boutique eh dumiretsyo kami sa isang restaurant dahil nagugutom na ako.

"Ryle dito na lang tayo kumain" sabay turo sa restaurant

Hindi na sumagot si Ryle kaya pumasok na kmi sa loob.

"Ryle? Ikaw ba yan"

Napatingin kami ni Ryle dun sa babaeng humarang sa dinadaanan namin.Nanlaki ang mata ko ng nakita kung sino yung babaeng humarang sa amin.

"Jane?" Bulong ko

"Hey Jane, kelan ka pa dumating" sabay yakap ng kapatid ko kay Jane.

"Kahapon lang. Oh hi Sam "
Sabay lapit niya sa akin para magbeso.

"Hi Jane" with my fake smile

"Ahmm Ryle can I join with you? Wala kase akong kasama eh"

"Ah sure let's sit there"

Kumunot ang noo ko ng pumayag siya na kasama namin si Jane.

Si Jane Lim ay isa ding mayaman. Ex-girlfriend siya ni Ryle. Matagal din naging sila at siya din ang first love ng aking kapatid.

Kumuha na ng order si Ryle para sa amin. Katapat ko din silang dalawa. Nakakainis lang kase nagmukha akong third wheel dito.

Habang kumakain kam, nagkwekwentuhan pa din silang dalawa.

"Ahmm by the way Sam kamusta naman yung boutique mo?"

"Ok naman" tipid kong sagot sa kanya.

"Ryle san pa kayo pupunta pag katapos kumain?"

"Siguro maglilibot lang"

"Ahmm Ryle uuwii na ako pag katapos nito sumama pakiramdam ko eh" dahilan ko sa kanya para makauwi na ako

"Alright. Uwi na lang din ako and Jane sama ka na lang sa amin sure akong matutuwa si mommy pag nakita ka"

"Good idea Ryle miss ko na din si tita" nakangiting sabi ni Jane.

Umirap na lang ako sa hangin. Kaya nga gusto ko umuwi kase ayaw ko sila kasama tapos sasama pa sila.

"Hey Sam napatulala ka jan let's go" maarteng sabi ni Jane

"Geh"

Bago ako lumabas ng restaurant napatingin ako kay Ryle and he's smir at me. Tinaasan ko siya ng kilay pero Hindi niya ako pinansin at inalalayan si jane sa paglabas. Tsk kailangan pa talaga alalayan wala namang kapansanan yan.

Papasok na ako sa front seat ng inunahan ako ni Jane sa pagpasok. Ngumiti lang siya sa akin at sinaraduhan na niya ang pinto. Padabog kong binuksan at siraduhan ang pinto ng sasakyan.

Habang nasa sasakyan kami sila lang yung nag uusap kaya naglagay na lang ako ng headset para hindi ko mapakinggan ang paglalandian ay este pag uusap nila. Hanggang sa nasa tapat na kami ng bahay ay nagmadali na akong lumabas ng sasakyan.

Naabutan kong pababa ng hagdan si mommy.

"Oh anak bakit nagmamadali ka may masakit ba sayo?"

"Wala po. Sige po akyat na ako"

Paakyat na ako ng marinig ko ang boses ni Jane kaya napatigil ako.

"Tita Grace... I miss u so much"

"Jane. Namiss din kita. So kayo na ba uli ng anak ko?"
Nakangiting tanong ni mommy.

"Mommy" -Ryle

"Tita hindi po nagkita lang po kami sa mall"

"Talaga? Naku alam mo namang boto ako sayo para sa an---"

Tumakbo na ako pataas para hindi ko mapakinggang yung sasabihin ni mommy.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Siguro hindi lang ako sanay na may lumalapit kay Ryle na babae kase kahit madaming nagkakandarapa na babae sa kanya eh wala siyang pakialam. Nung naging sila din ni Jane ay nasa ibang bansa ako kaya hindi ko sila nakakasama parehas basta sabi lang ni mommy na mahal talaga ni Ryle si Jane.

I fell in love with my BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon