Chapter Twelve part II

20 2 2
                                    

Macey Pov's
"dito ka muna sa guest room ah, kukuha lang ako ng maiinom. Iyak ka ng iyak eh. " -kawawa naman si Scarlet hayy.. Iyak parin ng iyak simulang dumating dito sa bahay iyak parin.


"bro ano pa ginagawa mo dito sa baba? At bakit galing kang guest room? " -si Mary, pagkalabas ko sa guest room at papunta sana akong kusina papaakyat sya sa hagdan.

"ano kasi, si Scarlet nandito sa bahay. " -sagot ko habang papunta na ako ng kusina para kumuha ng maiinom ni Scarlet.

"WHAT!!? bakit sya nandito? Tinanan mo na? Atsaka alam na ba niyang ikaw si Azer? Ang lesbian best friend niya. Kasi ohhh tignan mo yung suot mo,  nakapang tulog ka nang panlalaki. " -Hala.... Ka! Nakalimutan ko. Kapag gabi kasi at nandito ako sa bahay naka panlalaki akong suot. Mabuti at hindi napansin ni Scarlet. Haaayyy maganda rin pala na umiiyak sya simula pa kanina.

"umiiyak sya simula pa pagdating nya kanina. Kaya hindi nya pansin suot ko.. At HOY!! hindi kami nagtanan no. May problema lang sya sa family nya. " -paliwanag ko. Parang sira kasi tong kapatid ko ang OA.

"Ganun ba. Sorry na, akyat na ako sa room ko. Hehe ni cha chat ko si crush weee hahaha" -haytsss.. Baliw na talaga.

"hoyyy. Magtigil tigil ka sa crush crush na yan ahh. Sige na. Sabay na tayo magbibihis lang ako. Baka mamaya mapansin na ni Scarlet itong suot ko eh. " -hindi kita pababayaan Scarlet. PANGAKO.
-

-

"bhezy ito uminom ka na muna ng tubig. Tumahan kana okay, quarter to ten na bhezy matulog ka na. Feel at home lang bhezy para makatulog ka nang maayos. " -sabi ko. Medyo okay naman na si Scarlet hindi na umiiyak, na text ko na rin si tita Rose at pauwiin ko nalang daw nang 6am si Scarlet sharp. Kaya kailangan na matulog nito.

"thank you bhezy. Pwede ako humingi ng favor? " -sagot nya

"oo naman. Ano ba yon? " -sagot ko

"dito ka na lang din matulog. Tabi tayo, miss ko narin mag sleep over kasama ka. Sayang nga at wala si Ava. Ang dami na kasing nangyayaring pagbabago sa ating tatlo ngayon. " -ihhh, pasaway tong si Scarlet. Ayoko matulog sa tabi niya. Baka di ako makapag pigil ehh. Agrrh! Paano ko ba to lulusutan.

"Sure ka? I mean malikot na kasi ako matulog ngayon baka mahulog ka o masipa kita eh. Sorry bhezy. Sige na ito nalang dalawa naman unan mo hehe tabi na lang kayo. Okay " -arggghhh ano ba yang naiisip mong palusot.

"ehhh, okay lang yan bhezy. Same lang tayo. Malaki naman yung bed ohh. Sige na! " -hayyyy... Oo nga pala, masyado palang mapilit tong si Scarlet never pa ako nanalo dito ehh.

"okay sige payag na ako. Basta sa gitna itong isang unan ahh. Hehe alam mo na baka magsapakan lang tayo kapag walang harang. Malilikot tayo matulog diba. " -pwede na yun siguro. Haayyy..

"sige basta diti ka matutulog okay na ako. " -sagot nya.  Bipolar ba to. Kanina iiyak iyak ngayon tuwang tuwa nanaman.

"o sige na. Tulog na tayo, 6am ka pinapabalik ni mommy mo. Kaya matulog na tayo para dika mapuyat. " -ako diko alam kung makakatulog pa ako ng maayos.

"okay sige. Good night bhezy. Salamat ulit " -wala yon Scarlet. Mahal kita eh.

"Dapat lang na damayan kita bhezy. Good night " -Sana ay maging maayos na rin ang lahat sa atin Scarlet.  I LOVE YOU.

My Bestfriend's FurtiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon