#1

3 0 0
                                    

"Olivia.. kahit ibigay mo nalang siya sa akin para wala ng masaktan pa..."

"H-hindi ko kailanman ibibigay si Zoe sayo! Hinding hindi mo makukuha ang kahariang ito!"

Ginamit ng lalaki ang kanyang kapangyarihan. He is a Geokinesis. One has the power to control the element earth.

Bigla naman uli itong naglabas ng kanyang kapangyarihan. He is also a Pyrokinesis. One has the power to manipulate fire.

Umiiwas lang ang babae at panay ang ilag sa mga ibinabato ng kalaban.

Maya maya lang naging kung anong hayop ang babae. She is a shapeshifter. She has the power to transform her body to any other form, like an animal.

Naging isang tigre ang babae at palapit sa kalaban niya. Ngunit naunahan  sya ng isang malaking fire ball. May kapangyarihan din ang babae na magpagaling ng sarili. She is a Healer. Pero sa t'wing ginagamit nya ang panggagamot sa sarili nauubos din ang lakas niya.

Ginamit naman ng babae ang ikatatlo nyang kapangyarihan. Ang telepathy. One who can communicate people through their minds.

"Hail, nasaan ka? Kunin mo si Zoe sa kwarto ko. Please, ilayo mo siya dito sa kaharian. Ngayon na!" Sumugod naman ang kalaban sa kanya.

"Wag mo na siyang itago Olivia. Remember, i will always find her." Sabi nito sa Reyna. Oo, ang kalaban ng lalaking ito ay ang reyna ng kaharian.

Nahawakan naman sa neek ang Reyna dahil sa pagbuga ng apoy sakanya kaya't mas lalo itong nanghina.

"Hanapin mo, kung kaya mo." The queen smirked at him.

"Huh! Ah ganon? Eh eto kaya.." Gumawa uli ito ng isang bolang apoy at onti-onting pinapapunta sa puso ng Reyna.

Napadaing sa sakit ang Reyna. Kahit anong mangyari ay kailangan nitong tiisin ang lahat para di mapahamak ang anak nila ng Hari.

Sa huling pagkakataon, kinausap nyang muli si Hale.

"H-hale, I-ikaw na ang b-bahala s-sa kanya." Ngumiti ang Reyna sa lalaki.

"Ako na ang bahala, Mahal na Reyna." Tumugon ang kausap nitong si Hale.

Tumingin naman ang Reyna sa lalaki.

"M-mas g-g-gustuhin ko p-pang mamatay k-kesa makuha m-mo ang t-t-tronong ito, Dylan. Ang anak k-ko ang mamumuno d-dito."

Tumawa ng malakas ang lalaki.

"Magsama kayo ng Hari sa kabilang buhay!" Tsaka nito binaon ang bolang apoy sa puso ng Reyna.

"Sino nagsabing di ko kayang kunin ang tronong ito?" Huling sabi nito matapos patayin ang Reyna at ang Hari at tsaka umalis.

--

"Magandang umaga, Mama!" Hinalikan ko sa pisngi si mama.

"Magtatampo ako niyan. Bakit ang mama mo lang ang kiniss mo? Hmp." Nagpatampo effect pa tong si papa. Di bagay.

"Eto na po. Mwa!" At ginawa ko din ang ginawa ko kay mama.

"Ang anak ko, palaki na ng palaki." Tinignan akong mabuti ni mama.

"Syempre naman po Ma! Alangan namang paliit ako ng paliit, ang panget naman po ata non." Yumuko ako at tumawa sila.

"Ang anak kong to napaka palabiro! Syempre malaki kana. Tignan mo nga naman at 19 years old kana, parang kailan lang..  " Sabi ni mama na parang di ko naman naintindihan ang mga sinabi sa dulo.

Kinuha ko naman ang bag ko tsaka umalis ng bahay. Ngayon ay araw para mamalengke. May maliit kaming tindahan at yun lang ang source of income namin. Pero kahit ganon, kontento ako sa kung ano ang meron ako. Nagpapasalamat pa nga ako dahil binuhay nila ako kahit di kami ganun ka-angat ang buhay.

"Pabili po neto tsaka eto."

Ibinigay naman sakin ng ale ang hinihingi ko at saka ako nagbayad. Inilagay ko na din ito sa lagayan at saka nagsimula muling maghanap ng iba ko pang kailangan.

Sa di inaasahan, may nakasanggi naman akong isang lalaki na di ko naman sinasadya. Nag-sorry ako at tsaka pinulot ang mga nahulog na repolyo at bawang. Tinignan nya lamang ako at tila inis pa. Aba! Nag sorry naman ako ah.

Kinuha ko ng mabilis ang mga gamit ko at saka umalis.

"Kala mo kung sino, di naman gwapo. Nagsorry naman ako ah." Pinagpag ko ang damit ko habang naglalakad palayo. Pero napatigil ako bigla at naramdaman kong umaangat ako. Oh no! ANO NANGYAYARI.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko yung lalaki na naka smirk sakin na may kasamang mga kaibigan. Aba't ang galing.

"Magsorry ka." Sabi ng isang lalaki sa likuran nya na nakaturo sakin. Ginagamitan nya ako ng kapangyarihan nya. Levitation.

"Nagsorry na ako kanina, bakit kailangan ko pang ulitin. Bingi ba sya?" Mabait ako sa mabait pero wag mo lang ako inisin.

Tumawa naman silang lahat at muling bumaling sakin.

"Hindi mo ba kami nakikilala, Miss?" Sabi naman ng babaeng sa tingin ko'y kasing tangkad ko lang pero mas maputi siya.

Tinitigan ko silang mabuti pero di ko talaga sila kilala. Di naman sila sikat.

Nakakakuha nadin kami ng atensyon sa ibang mga tao. Nakakahiya.

"Hindi. Kaya, ibaba mo na ako dito." Sabi ko sa babae at lumingon sa lalaki na nagpapaangat sakin.

"Sabi mo eh." Ngumiti sya sakin at mali ang pagkakaintindi nya dahil literal na ibinaba nya ako at salampak ang pwet ko sa sahig. Ang sakit.

"Watch who you are talking to, Miss." Nginitian ako nung lalaking nakasangga ko kanina at umalis kasama ang mga friends niya.

Inaano ko ba sila?

--

True MeWhere stories live. Discover now