Infinite

21 3 0
                                    

"One word to describe your Little Ponies?"

"Infinite."

//

Infinite?

Infinite nga ba?

Ask yourself, 20 years later fan ka parin ba ni Vice Ganda?

//

10:15 am

"Meme, di ka pa ba gigising?"

"Jan, maya-maya na. Napagod talaga ako kagabi eh."

"Meme, may rehearsals ka pa para sa Saturday."

"Ano ba?! Sabi ko mamaya na eh!"

"Sorry, Meme."

-

"Viceral! You're late again!"

"Shit. Direk, sorry talaga. Napagod kasi ako kagabi---"

"Napagod ka sa kakaparty? Napagod ka kakasayaw? Napagod ka kakainom?"

"Pasensya na, direk. Babawi ako mamaya."

"Palagi naman eh! Akala mo ba di ko napapansin? Halos araw-araw ka ng late, ni wala ka na ngang pake kapag sinasabihan kita eh! Vice, ang opisina ko nandyan lang. Kung pagod ka na sa trabaho mo, sabihin mo lang."

Napayuko nalang si Vice matapos marinig ang parangal ni Direk Bobet.

"Napagalitan ka nanaman, brad. Tsk!"
pang-asar pa ni Vhong na kakalabas lang ng dressing room.

"Mali ba magpakasaya? Ineenjoy ko lang naman yung buhay ko eh. Vhong, hindi habang buhay kong magagawa tong mga bagay na to." katwiran pa nito na sumabay na kay Vhong papunta sa parking.

"Brad, Wednesday ngayon diba? Wala ka bang taping ng GGV?"

"Uuwi muna ako saglit." sabi ni Vice na dumiretso na ng sakay sa kanyang GMC.

-

7:56 pm STUDIO 10 (GGV)

"Where the hell is Vice? It's almost 8pm! Ang tagal ng naghihintay ng guests niya oh!" galit na sigaw ng assistant director ng GGV.

"Sorry direk. Nakatulog kasi ako eh. Pasensya na po."

"Sige na, we're rolling in 15 minutes." napabuntong hininga nalang ang director sa inaakto ng huli.

//

"Strike 2 ka na today, Meme. Ano ba talagang nangyayari sayo?"

"Buern, kung ikaw ako, hindi ka ba mapapagod sa lahat ng to? Nakakasawa na."

//

"Gandang Gabi Kapamilya!"

"Gandang Gabi Vice!"

"Ayan! Hello muna sa aking mga Little Ponies an---" napakunot ang noo niya sabay layo ng mic.

"Nasaan sila?" he mouthed.

Nag-shake naman ng kamay ang isang staff to indicate na walang fans sa studio.

"Ayooon! So by the way, itong ating unang guest..."

//

"Si Meme Vice?" tanong ni Buern kay Jackie.

"Ay sir, hindi po namin napansin na umalis eh. Paggising po namin, wala na po sports car niya."

"Jusko, Meme. Bingo ka na talaga sa management mo."

Tinawagan na ni Buern si Vice ng ilang beses at paulit-ulit lang nitong nirereject ang tawag niya. Tinanong na niya lahat ng taong konektado kay Vice ngunit wala silang alam kung saan ito pumunta.

Safest Place Where stories live. Discover now