WWIV

12 2 0
                                    


Tatlong buwan na ang nakalipas mula noong gawing giyerahan ng Estados Unidos laban sa Tsina ang Pilipinas.
Particular na sa bahagi ng Metro Manila. Dinaig pa nito ang pananakop ng Hapon at Espanyol noong araw.

Marami ng buhay ang nasawi, marami ng dumanak na dugo para sa bayan ngunit tila ba hindi ito sapat para sa mumunting hiling. Ang Kalayaan.

Bakit ang Pilipinas pa? Bakit ang ating bansa ang napili nila? Bakit kailangan nating madamay?

Iyan ang mga tanong na bumabalot sa buong bansa ngayon.

Tanong na bumabalot din sa isang taong naging saksi ng simula ng giyerang ito.

Si Vice.

January 23, 2020

Ito ang araw kung kailan nagsimula ang lahat.

"Vice, samahan mo 'ko."

"Saan?"

"Bibili lang ako ng frappe. Dali na, ililibre kita."

"O tara, libre pala eh."

Commercial Break pa ng programang It's Showtime nang maisipang bumili ni Karylle ng Frappe sa kalapit na Starbucks dito, nagpasama siya lay Vice dahil ililibre niya ito.

Habang umoorder ang dalawa ay nakarinig sila ng mangilan-ilang tilian at sigawan. Nilingon nila ito at nakita ang mga taong tumatakbo.

"May artista siguro." saad ni Vice.

Ngunit tila masyadong matagal at hindi na kaaya-aya ang sigaw na kanilang narinig para lang sa isang artista.

Para itong nagmumula sa gulo.

Nang makalabas sila ng Cafe ay tumambad sa kanila ang ilang mga staffs na tumatakbong duguan.

"Oh my god, what's happening?" sabi ni Karylle na napakapit sa braso ni Vice.

"Karylle, dito ka lang." sabi ni Vice.

"No, dito ka lang!"

Bago pa makaalis si Vice ay lumabas mula sa ELJ Building ang tatlong armadong lalaki na walang habas na pinapaputok ang kanilang malalaking baril.

Base sa mukha ng mga ito ay hindi sila Pilipino. Maputi at matatangkad.

Sila ay mga Amerikano.

Agad na tumakbo palayo si Vice at Karylle at nagtago sila sa isang production props. Ilang segundo lang ay nakarinig sila ng napakalakas na pagsabog.

"Vice, anong nangyayari?" tanong ni Karylle na ngayo'y umiiyak na.

"Shh, dito lang muna tayo." sabi ni Vice na niyakap ng mahigpit si Karylle.

Maya-maya pa ay tumahimik na ang lugar. Unti-unting sumilip ni Vice mula sa kanilang pinagtataguan, nang masigurong wala nang tao ay dahan-dahan silang lumabas sa props sabay tawid sa kalapit na Studio 10. ASAP Studio.

Nang pasukin nila ito ay nakita nila ang ilan sa kanilang mga co-hosts. Si Anne, Billy, Jhong, Coleen, Ryan at Direk Bobet. Lahat sila'y umiiyak t nang lapitan sila ng dalawa ay agad nila itong niyakap.

"Vice si Vhong," saad ni Anne na hagulgol na ang iyak.

"Nasaan siya?" tanong ni Karylle.

"Humiwalay siya sa'min kanina. Hindi na namin alam kung nasaan siya." paliwanag ni Billy.

Sinubukan nang tawagan ni Vuce ang cellphone ni Vhong ngunit walang sumasagot dito. Maya-maya lamang ay narinig sa speaker ang boses ng isang lalaki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Safest Place Where stories live. Discover now