Chapter 1

66.6K 845 42
                                    

******

CHAPTER 1

CHAPTER 1

ELEINA'S POV

Maaga kaming gumising ni yaya para pumunta ng bus station at sasakay kami papuntang baguio. Nandito kami ngayon sa isang maliit na hotel. Doon daw kasi ginustong tumira ng mga bago n'yang amo dahil nga sa malamig doon, dahil iyon ang nakasanayan nilang panahon. Pero meron daw itong iba't-ibang property sa pilipinas. Umupo na kami kaagad ni yaya sa may bandang gitna.

"Nanny, wait, sabi mo korean ang lahi lang bago mong mga amo diba? Marunong ba silang mag-english?" naalala ko kasi na wala masyadong korean ang fluent sa tagalog at english

"Bata ka! Kahit na full korean kasi ang tatay nila, pusong pilipino ito kaya nga nag-asawa ito ng pilipina pero ang alam ko half korean din yung napangasawa nya."

"Errr! How 'bout their children?"

"Hmm, ang alam ko, dalawang lalaki ang anak nila, pero parehas daw gwapo" sabi nito na kiniliti pa sya..

"Sus, nanny! As if naman na magustuhan nila 'ko sa hitsura kong 'to?" napanguso na lang ako

"Oo nga 'no! haha! 'Wag kang mag-alala may kamukha ka namang sikat"

"Really? Who?" excited kong tanong..

"E 'di si, Dora!" Pang-iinis ni nanny sabay tawa ng malakas.

"Nanny naman eh!"

"Biro lang anak, 'kaw naman oo, pinapatawa ka lang eh!" sabi nito na nag-peace-sign pa

"Hay buhay!" nasabi ko na lang, naalala ko kasi kung pa'no akong nasalpak sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko mapigilang alalahanin ang dahilan kung bakit ako ngayon tumakas at kinailangang maging katulong.

Nagtaka ako nang ipatawag ako ni dad and mom sa office pero pumunta na din ako. Pagpasok ko pa lang nahalata ko nang may namumuong tensyon. "Hey, dad, mom, what's up?" tanong ko naman sa kanila, ganun kasi kami, parang barkada lang.

Huminga muna ng malalim si daddy bago nagsalita. "Hija, listen to me and listen very well" seryoso ang mukha nito kaya medyo kinabahan ako so I just nodded. "I want you to know that you're getting married as soon as dumating ang anak ng bestfriend ko, it's been arranged since bata ka pa lang, I know you're only 20 pero i'm not getting any younger hija, and you're my only daughter".

'Di na pumasok sa utak ko 'yung iba niyang sinabi ang tumatak lang sa isip ko ay ang salitang, You're getting married! Ilang minuto rin akong natahimik at umuulit lang sa utak ko yung salitang 'yun.

"What? No way Dad! Ang bata ko pa at hindi pa ako tapos mag-aral" baling ko naman kay mommy. "Mom!"

"I'm sorry anak, wala na kong nagawa, para rin naman sayo ito".

"No! 'Di ako papayag! I'm only twenty! Malapit na akong maka-graduate! I will decide for myself! When to get married at kung kanino!" nasabi ko na lang at dumiretso na ako sa kwarto ko para magkulong, umiyak lang ako ng umiyak.

"No you can't do this to me! I hate you both! I hate you both!" sabi ko sa pagitan ng paghikbi. "Ayoko! Ayoko!"

Narinig ko na lang na may kumakatok. "Eleina please, listen to us, please try to understand, this is for your own good" narinig kong sabi ni papa..

"No I won't! Kahit kailan ay hindi ko kayo maiintindihan!"

"Anak, please, makinig ka sa'min ng dad mo, anak!" sabi naman ng mommy nya na bakas sa boses ang pagmamakaawa.

"I don't want to see you both!" Ilang saglit na tumahimik akala ko umalis na sila pero narinig ko na lang na bumukas ang pinto. "I said I don't want to talk to you! I don't even want to see you!" tumayo ako para harapin sila.

"Anak, please, don't shout, we love you, at ito lang ang alam naming makakabuti sayo" sabi ng mama nya

Tumulo na naman ang luha ko. "No, you don't! You don't love me! I hate you both!"

Nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa ni Papa, napahawak na lang ako sa pisngi ko na sinampal niya at tinignan ko s'ya ng masama.

"'Huwag na huwag mo kaming pagtataasan ng boses dahil kami pa rin ang mga magulang mo!" galit na sabi ng papa nya.

"I Hate you!" umiiyak kong sabi tsaka ako pumasok ng c.r at doon nag-iiyak.

All my life, ngayon lang ako nasigawan at nasampal ni papa, ngayon lang! At napakasakit pala! Pero isa lang ang naisip ko, hindi-hindi ako magpapakasal! Over my dead body! Kaya isang paraan ang naisip ko, ang lumayas, sumama ko kay nanny ko ng umalis sya. At alam ko doon na magsisimula ang panibagong yougto ng buhay ko.

At ngayon nga, mula sa pagiging senyorita ay magiging katulong na lang ako. Masakit sa damdamin at mahirap tanggapin pero kailangan kong mabuhay, kailangan kong tanggapin na iba na ang kapalaran ko ngayon. Habang b'yahe natulog ako dahil mga apat o limang oras ang b'yahe mula dito.

Paalam manila! Bye dad, mom! I love you

Saranghae, My MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon