Mani ni Lola [One-Shot]

241 6 4
                                    

Mani ni Lola [One-Shot]

Naghihintay ang isang lola sa stop bus papuntang manila. Dala niya ang isang basket na may manok at isang malaki naman na baset. Gabi na at malayo ang biyaheng kanyang tatahakin.

Makaraan ang ilang minuto, may humintong bus sa kanyang harap at siya’y sumakay na. Umupo siya sa bandang gitna ng bus kung saan mag isa niya lang sa upuan at kakaunti lamang ang pasaherong nakasakay. Ang iba ay natutulog lang.

Seryosong nagmamaneho ang driver nang lumapit sa kanya ang matanda at binigyan ng mani. Kinuha naman ito ng driver at nagpasalamat. Kinain niya ito hanggang sa maubos.

Pagkalipas ng halos isang oras lumapit ulit ang matanda sakanya at binigyan ulit ng mani. Tinangap niya ulit ito at kinain. Nagpaulit ulit lamang ang pagbigay ng matanda ng mani sa driver sa loob ng 5 oras.

Nagtaka na ang driver sa matanda at sa panganim na bese nitong pagbibigay ng mani ay kanya na itong tinanong.

Driver: La, ang sarap naman po ng mani niyo. San niyo po ba kinukuha ‘tong mani?  Hindi po ba kau nauubusan?

Lola: Naku, iho hindi mo naitatanong wala na akong ngipin, tanging ung tsokolateng bumabalot nalang sa mani ang nakakain ko. Sayang naman kung itatapon ko ung mani.

***

Haha! Conggrats sa nakagets! :D May sense of humor ka :))) Nakatrip lang habang kumakain ako ng kisses na may almonds kaya ‘to nagawa. Sana napangiti kita.

Leave a comment kung nagustuhan mo and thank you na rin pag vinote mo :D

Mani ni Lola [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon