Chapter One:
"Love is Like a War; Easy to start but difficult to ends"
Gab's Pov:
"Ma! Alis na po ako".sigaw ko sa di kalayuan
"Di ka ba sasabay sa kuya mo? ".sigaw din ni mama
"Di na po. Malalate na rin kasi ako. Babye! ".sabi ko at tsaka lumabas na ng bahay.
Lumabas na ako ng bahay at nag-para na ng taxi sa tapat ng gate namin.
Btw, I'm Gabrielle Delos reyes.Karamihan ay tinatawag akong gab.I'm Students in St. Bermudez Academy, The friend of the owner of that school.
Actually di pa talaga ako malalate niyan. Sadyang maaga lang ako pumapasok kung minsan kasi Dumadaan pa ako sa library para makapag-review.
Dahil medyo maaga palang ngayon ay di masyadong traffic kapag ganitong oras. Mga ilang minuto din ay nakarating na ako sa tapat ng gate ng campus.
Agad na akong bumaba at nagsimulang maglakad papasok sa loob.
Whoah!.Ba't ba ang daming tao ngayon?.Oo alam kong school ito kaya maraming estudyante pero kapag ganitong oras kasi ay kaka-unti palang ang tao.
Pumasok na ako ng tuluyan ng mahagip ng mga mata ko ang mga naglalakihang banner ang nakapaskil sa bawat pader. Ano kayang meron?. Liga? School festival? Or maybe may bagong students ang papasok ngayon.
Dahil sa masyado akong na-curious ay tinignan ko lahat ng mga banner.
"We Love H4".Halos lahat ay ayan ang nakalagay. Sino kaya 'yung mga 'yun?
Naglakad-lakad pa ako hanggang sa makarating ako sa loob ng quadrangle.
Mas marami ang estudyante ngayon kumpara sa dami ng estudyante sa labas ng Campus.
"...hi everyone! ".napangiwi ako sa lakas ng boses na lumabas mula sa speaker na katabi ko ngayon
Ghad! Ang sakit sa tainga naman nun.
"Hi.. Everyone. I would like to introduce to all of you. The group of H4".sigaw nung Emcee sabay hiyaw ng mga babae na katabi ko ngayon
Halos kulang na lang madaganan na ako ng mga tao dito. Sinubukan kong Makipag-siksikan sa mga tao na ngayon ay nakarating na ako sa harapan na tama lang 'yun para makita ko ang mga bagong estudyante.
Halos yanigin ang buong quadrangle ng hiyaw at sigaw ng mga babae at mapa-lalaki.
"Myghad! Si fafa ko makikita ko na naman"-hiyaw nung isang babae na may dalang tarpaulin
"Korek! Si Babe tristan ko!! "-hiyaw din ni ateng na halos luwa na ang hinaharap.
"Shut up! Ako lang ang baby ni Tristan ko 'no? "-sabat naman ni ateng mukhang nerd
Grabe! Nakakarindi naman ang mga sigawan nila,mga magkakatabi lang naman sila.
Sino ba'ng Tristan 'yun? At pinag-aagawan nilang tatlo?
![](https://img.wattpad.com/cover/92811206-288-k485854.jpg)
YOU ARE READING
Love Or War? [Choose wisely]
Fiksi Remaja•O N G O I N G• Published by: cutieepie02 (Hacel Paulino) This Story Is Fan-Fiction, Romance, Action, Teen-Fiction. Bakit ba karamihan saatin ay Nagulo ag buhay ng dahil sa PAG-IBIG Nang dahil sa Pag-ibig natutong mag-tiis Nang Dahi...