Chapter 2 (Into Hiding)

1K 34 10
                                    

Chapter 2

Into Hiding


Nakita ko siya! Hindi ako maaring magkamali! Nakita ko ang taong pinagtataguan ko. Ang dahilan kung bakit ako lasing ngayon. He's is making things worst and I'm trapped.

"Mitch nakita ba niya ako?" natanong ko habang nasa ilalim ako ng mesa. Ang hirap ng sitwasyon ko pero kaya ko 'to! Nararamdaman ko na ang pangangalay habang nakatingin sa sahig. Umiinit tuloy ang buo kong katawan dahil sa hiyang nararamdan ko ngayon. Ayoko na! Pero anong magagawa ko? Kailangan kong magtago dahil ang pangit ko ngayon. I don't want him to see me like this!

Medyo madilim rin naman ang bar but still I can't let him see me! Kung pwede ko lang hukayin ang sahig ay ginawa ko na para makapagtago lang. Lord! Ano to? Help! tulong po!

"Kat naman! Ayos ka lang ba sa sitwasyon mong 'yan?" natanong ni Butch. "Madilim naman at sigurado akong hindi ka niya nakita."

"Paano ka makikita niyan? Talaga lang Kat ha, gagawin mo talaga 'yan?" sabi ni Mitch na mukhang naiinis sa ginagawa ko. Kahit hindi ko siya nakikita ay naiisip kong nakakunot na ang kanyang mga noo. Medyo kasi mataray ang bestfriend kong si Mitch at hindi ko alam kung anong gagawin niya kung nagkataong makita niya si Jake.

Baka nga sugurin pa niya ito! Huhuhuhu... Ayoko na talaga! I have to get away from here pero paano? I have to make my move!

"Para kang baliw Kat," dagdag ni Butch. Tingin ko naman ay nakangiti lang siya dahil sa ginagawa ko. Bahala sila, wala akong pakialam kung tawagin man nila akong baliw. "Sh**t of paper! Anong gagawin ko? Huhuhuhu..."

Para akong baliw na hinihila nila paitaas. Ayoko talagang makita si Jake lalo na kung ganito ang itsura ko. Para akong baliw, magulo ang buhok, may mga namumuong mga luha sa mata, at walang make-up. Pero hindi naman talaga ako nagme-make-up, natural lang talaga ang ganda ko, pero gusto ko pa ring mag-retouch man lang bago niya ako makita!

"Baliw ka na nga Kat," sabay hila ni Butch. Hinawakan niya ako sa balikat sabay hila. Malakas pala talaga si Butch dahil humawak pa ako sa paa ng mesang pinagtataguan pero talagang nakaya niya akong hilain.

"Nakita ba niya ako?" tuluyan na lang akong nagpahila sa kanya.

"Hindi naman gwapo tong boyfriend mo Kat," sabi ni Mitch.

"Correction, EX-BOYFRIEND," diin naman ni Butch. Alam kong naiinis na sila sa pinaggagawa ko ngayon. Pagkatapos ay tumayo ako ng konti nang malaman kong lumagpas lang si Jake pero ganun pa man ay nagtatago pa rin ako. Nakita ko 'yong menu sa mesa at ito ang ginawa kong pangtakip sa mukha ko.

"You're ridiculous!" galit na si Mitch. "Kunin mo 'yang takip mo sa mukha!" at pilit niyang inaagaw ang menu sa akin.

"Nakita ba niya ako???" Para akong timang na walang naririnig, wala na talaga ako sa aking katinuan. Please, gusto ko nang umalis dito.

"Malamang dahil papunta na siya dito," sabi ni Mitch na natutuwa pa.

Nagkandarapa tuloy akong ayusin ang sarili ko. Ayokong makita niya akong ganito. Si Jake kasi 'yong tipong maayos sa kanyang sarili, mabango, matangkad, maganda ang katawan... in short, super gwapo! Pwede nga siguro siyang maging model at ako naman 'yong tipong alalay niya.

"Maghunusdili ka nga!" sabi ni Butch. "Mitch huwag mo nang biruin si Kat ng ganyan."

Nagbibiro lang ba talaga si Mitch? Biro lang pala! Umiikot na nga ang mga paningin ko at dumagdag pa etong si Jake na tila isang masamang biro. Nananadya ba siya at dito pa mismo sa lugar na ito pumunta?

Naririnig ko namang tinatawag ako ng mga kaibigan ko pero ayokong tumingin sa kanila dahil alam kong tumutulo na naman ang mga luha ko. Nakakahiya na kasi dahil wala naman talagang malaking rason upang magkaganito ako. Walang kwenta naman talaga ang nararamdaman kong ito pero bakit nasasaktan pa rin ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lucky MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon