Chapter 1 (drunk)

1.6K 45 16
                                    

Chapter 1

Kaitlyn's POV


Sa isang bar...

Dito natin makikita mga taong sawi. Mga taong naglalasing para itago ang kanilang kalungkutan. Sila 'yong mga taong masasabi nating may mga pusong sugatan. Nagpapakasaya kahit mraming problema. Umiinom upag kahit sandali ay makalimutan ang realidad..

"Ang pangit-pangit mo na Kat!" sabi ni Mitch sa akin.

Pranka talaga siya. Bakit ba hindi ako naging tulad niya na kayang gawin lahat ng gusto. Hindi lang siya maganda kundi matapang pa.

Kasama ko ngayon dalawa kong bestfriend na sina Mitch at Butch. Nandito nga pala sila upang samahan akong lunurin ang sarili sa alak.

"Oo nga Kat, masyado ka namang affected. Lalaki lang 'yon marami namang iba dyan sa tabi-tabi," sambat naman ni Butch.

Sino? Wala naman akong makita eh. Lumingon pa talaga ako sa paligid baka kasi nandito lang ang lalaking sinasabi nila.

Hindi ko nga alam kung tunay na lalaki si Butch. Gwapo nga pala siya pero hindi ibig sabhing lalaki siya. Peace! Sa panahon ngayon hindi lahat ng gwapo ay lalaki. Nag-assume lang kasi kami ni Mitch na bakla si Butch but we don't know for sure if ano nga siya pero ayos lang kasi isa siyang tunay na kaibigan.

Marami naman talagang lalaki ngunit iisa lang si Jake Samson Villanueva. Hindi ko na naman mapigilang mapaiyak dahil sa kanya. Maalala ko lang siya ay bigla na lang tutulo ang luha ko.

(T__T)tsk,tsk,tsk... huhu! ano ba 'tong puso ko?

"Bakit ganun? Hindi ko maintindihan!"

Tulala lang ako at parang walang nakikita sa paligid. Ang sakit-sakit talaga!

Kahit hindi rin nila ako maintindihan ay sinamahan pa rin nila ako. Naramdaman kong niyakap ako ni Mitch.

"Okay lang 'yon Kat you'll recover in no time. Oh eto alak pa oh!" sabay abot sa akin ng isang shot ng tequilla.

*Gulp,gulp,gulp*

"ahhhhh! ang pait!"

I don't see bakit maraming lasingero sa mundo. Ang pait-pait nga! Haaay naku! Ang talino talaga ng nakaimbento nito, nagbabayad kami sa walang kwentang inumin. Lasing na ata ako kasi umiikot na sina Mitch at Butch .

Nakangiti na ako! Kasi naman hindi ko gustong isipin nila na lasing na ako. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko mapigilang ngumiti. Pero sa totoo lang gusto ko nang sumuka. Kahit papaano ay nakakatulong pala ang alak upang ngumiti.

Alam ko na kung bakit mahal 'to! (*_____*) Kasi pampaganda, pampatalino at parang lumilipad na ang pakiramdam ko ngayon.

"Oh ayan last na to ha! Ang pangit-pangit mo na talaga sa hitsura mo ngayon," sambat ni Butch. Talaga bang ganun ang mga kaibigan? Kasasabi ko lang na maganda ako! huhuhu... *feeling down*

Siguro nga tama sila, ang pangit-pangit ko na kaya iniwan nalang ako ni Jake.

"Tama," sabi ng bartender na tsismoso na dumaan sa mismong harapan namin. "Lalaki lang iniiyakan?"

Nakita na nga niyang down na down na ako nakikisabay pa sa mga kaibigan ko. At may pangiti-ngiti pa siya na parang magkakilala kami.

"Hoy! huwag ka ngang maki-alam!" pananakot ni Butch sa kanya. "Ako lang ang may karapatan na pagsabihan siya ng ganun!" Nagpatuloy lang ang bartender sa paglalakad na may dala-dalang wine papunta sa isang weird na lalaki.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa sinabi ng bartender. Bakit nga ba? Lalaki lang 'yon Kat 'wag kang magpakatanga sa isang lalaki.

"Salamat ha," nasabi ko sa dalawa kong bestfriends. "Salamat dahil nandito pa rin kayo sa tabi ko kahit mukha na akong timang sa ayos ko."

"Naku Kat hindi ka naman pangit eh," sabi ni Mitch.

Halata namang sinusubukan nilang pagaanin ang loob ko. Nasasabi lang niya iyon dahil sobrang ganda niya. Hinding hindi pa siguro nararanasan ni Mitch ang masaktan at iwanan dahil madalas siya naman ang nang-iiwan.

Nagmumukha nga akong lantang gulay kapag magkatabi kami. Maganda, matangkad at classy si Mitch samantalang ako naman ang kabaliktaran – pandak, payat, at masyadong lampa. 'Di ko nga alam kung bakit gusto nila akong maging kaibigan eh! Pumapangit tuloy ako kapag tumatabi ako sa kanila.

"Maraming nagkalat na lalake Kat. Ewan ko nga ba kung ano ang nakita mo sa Jake na 'yon," sambat ni Butch.

Alam kong madali lang sa kanilang maghanap ng boylet. Kahit nga itong si Butch ay pinagkakaguluhan sa school namin kapag napupunta siya doon eh. Parehong mga lalake at babae lang naman ang nagkakandarapa sa kanya.

Ano nga ba ang nagustuhan ko kay Jake? Parang lahat ata ng gusto ko ay nasa kanya na. Maamong mga mata, matangkad, at YUMMY ang pangangatawan. Medyo rin siya badboy kaya nga nahulog agad ang loob ko sa kanya. Gusto ko kasi ang mga gangster type na mga lalaki. Pinaka-ayaw ko naman ang mga mababait. Ewan, basta ayaw ko lang talaga sa kanila.

"Kat gumising ka nga!" at inalog-alog pa ako ni Mitch. "Kahit sinong lalaki nga dito sa bar ay kaya mong mapaibig! Pustahan?"

Kung si Mitch kayang gawin iyon ako hindi. Kahit lasing na ako ay nananatili pa rin ang katinuan ko.

"Ayoko nga!" napasigaw ako. Ayoko ng iba dahil gusto ko ay si Jake lang.

"Walang kwenta ang lalakeng iyon Kat!" Medyo galit na si Mitch

"Hindi lang niya alam kung ano ang nawala sa kanya," si Butch naman ang sumunod.

Wala naman talagang nawala kay Jake. Iniwan niya ako at sumama sa kanyang ex-girlfriend. Pero ako naman talaga ang lugi dito. Mas malaki ang nawala sa akin. Parang kalahati ng buhay ko ang nawala nang pumunta si Jake sa apartment namin upang sabihing nagkabalikan sila ni Andrea.

Si Andrea lang naman ang cheerleader sa school namin. Mas maganda lang ako ng konti pero talo ako sa lahat ng aspeto. Matangkad, mayaman, popular at mabait siya. Nakakainis kasi mabait naman talaga si Andrea. Kaya nga siguro ayaw ko sa mga mababait eh! Para kasi silang mga anghel na walang ginagawang mali sa buhay

"Oh eto pa oh!" sabay abot ni Mitch ng isang shot.

"Tama na nga 'yan Mitch. Kat umuwi na lang kaya tayo," saway ni Butch.

"Sige," sabi ko kasi parang nahihilo na ako. (@______@)???***!!! Pinipilit ko na ngang tumayo at nahihirapan na talaga ako.

Mukhang umiikot na ang buong paligid kasi sumobra ako sa alcohol level ko ngayon. Pero kinuha ko pa rin ang baso at nilagok! Gulp

At nakangiti na naman ulit ako. Hindi ko na kayang tanggalin ang ngiti at ang init na ng katawan ko na parang gusto ko nang maghubad. Ang init lang talaga nitong iniinom namin. At nag-uumpisa nang sumakit ang ulo ko. Kaya naman inaalalayan ako ni Butch na tumayo. Sa wakas ay uuwi na rin kami ng mga kaibigan ko.

"Sh**t!" nasabi kong bigla nang may nakita ako na pumasok mula sa pintoan ng bar.

Napadapa akong bigla ng makita ko siyang lumakad papunta sa aming kinaroroonan.

"Mitch nakita ba niya ako?"

The Lucky MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon