Lilian's POV
Nandito ako ngayon sa cafeteria at pumipila para makabili ng pagkain nang bigla kong makita si Belle na kakapasok pa lang sa may pinto. Tinawag ko naman ito.
"Belle!" Sabay wave ko ng kamay dito at tumingin naman ito sa direksiyon ko. Nakita ko namang lahat ng estudyanteng nandidito sa loob ng cafeteria ay napatingin sa akin at nagbubulungan dahil sa pagtawag ko sa kaniya.
"What did she just said? Belle? How dare she call Miss Belle like that."
"Feeling close lang."
"Kapal ng mukha di ba nga siya yung bumangga kay Miss Belle nun?"
Napayuko naman ako dahil sa mga narinig ko. Sino nga ba talaga ako para maging close ng isang Miss Belle Addison? Dahil ba sa isang mahirap lang ako? Naramdaman ko namang may lumapit sa akin kaya tiningnan ko naman kung sino ito. Belle.
"What are you all whispering about?" Tanong nito sa mga estudyanteng nagbubulungan. Tumingin naman ito sa akin at nagsalita muli.
"Lilian is my friend so she have the right to call me Belle and she's not just feeling close to me because we're really close. Got it?" Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Di ko akalaing magiging kaibigan ko ang taong kinatatakutan ng lahat. Ngayon, kailangan ko lang ipakita sa kanila na karapat-dapat akong maging kaibigan ng isang Belle Addison.
"Let's go?" Nabigla naman ako ng hilahin ako nito palabas ng cafeteria.
"Te--teka saan tayo pupunta?" Tanong ko dito nang makalabas na kami sa cafeteria. Bigla naman itong tumigil sa paghihila sa akin.
"We're going to eat somewhere, not here." Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinila na naman ako nito kaya naman di na ako pumalag. Nakita ko naman si Anne na naghihintay sa labas ng sasakyan kasama yung mga bodyguards. Pinagbuksan naman kami nito ng pinto at pumasok na sa loob. Mahigit sampung minuto na rin kaming bumabiyahe nang biglang magsalita si Belle.
"Anne, is everything ready?" Seryosong tanong nito kay Anne habang nakatitig lang sa phone niya.
"Yes, Miss Belle. Everything is ready." Sagot naman nito kay Belle. Hayys. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga to.
Bigla namang tumigil ang sasakyan kaya naman napatingin ako sa labas. Nasa isang restaurant kami at di lang basta-bastang restaurant kasi ito ang pinakasikat na restaurant. Tiningnan ko naman si Belle na biglang nagbago ang mukha.
"We're here" Ngiting sabi nito. Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok ng restaurant. Nakita ko naman na iilan lang ang tao pero lahat ng atensiyon nila ay nasa amin, I mean na kay Belle. Iba rin talaga itong si Belle kasi palaging nakakaagaw ng pansin. Lumapit naman ang manager sa amin at ang ibang waiter.
"Good morning, Miss Belle!" Bati nung manager tumango naman si Belle dito. Napatingin naman yung manager sa direksiyon ko at nginitian ako. Omaygad! Ang gwapo.
"This way, Miss Belle!" At inassist na kami nito sa kung saan man kami nito dadalhin. Napansin ko naman na pumasok kami sa isang kwarto. Private room? Napatingin naman ako sa mga pagkaing nasa mesa. Omg! bigla akong akong nagutom sa nakita ko.
"As what you've requested, Miss Belle." Turo naman ng manager sa mga pagkain. Mga favorite ko yung mga pagkaing nakahain sa mesa. Omg!
"These are your favorites, right?" Napatingin naman ako kay Belle na kasalukuyang nakatingin sa akin. Paano niya nalaman na paborito ko ang mga ito?
"Paano mo nalaman? Don't tell me tinanong mo si mama sa mga paborito kong pagkain?" Takang tanong ko dito kasi di naman malabong si mama talaga ang magsabi dito dahil alam na alam niya ang mga paborito ko.
Ngumiti na lamang ito at umupo na. Pinaghila naman ako ng isang waiter ng upuan kaya naman nagpasalamat ako dito. Tumingin naman ako sa manager na nasa gilid ni Belle dahil kanina pa ako nito tinititigan. May dumi ba sa mukha ko?
"Carl and Lilian, please don't stare at each other." Nagulat naman kaming dalawa sa sinabi ni Belle kaya naman napaiwas kami ng tingin sa isa't-isa. Carl pala ang pangalan niya bagay na bagay sa mukha niyang gwapo.
"Lilian? Let's eat?" Tanong nito sa akin kaya naman tumango na lang ako. Masyadong awkward kumain dahil nakikita kong nakatingin sa akin si Carl.
Natapos na kaming kumain at medyo marami-rami rin ang nakain ko dahil lahat ng pagkaing nakahain sa mesa ay mga paborito ko. Napatingin naman ulit kay Carl, jusko bakit ang gwapo ng nilalang na ito.
"Lilian?" Nagulat naman ako nang tawagin ako ni Belle kaya naman napatingin ako dito.
"B-bakit? Aalis na tayo?" Tanong ko dito. Tiningnan ko naman ang oras at may 2hrs pa bago ang pasok ko.
"Why? You don't want to leave yet?" Tanong naman nito sa akin na may ngiting nakakaloko.
"Wala naman akong sinabi ah. Tara na nga!" At iniwan ko na siya sa loob. Minsan talaga di ko mabasa yang babaeng yan eh. Hinintay ko na lang sila dito sa labas dahil ayaw ko namang maunang sumakay sa sasakyan. Baka kung ano pa ang isipin ng mga bodyguards nito. Nakita ko namang papalabas na ang mga ito sa restaurant. Lumapit naman sa akin si Belle at ngumiti.
"Here!" Nabigla naman ako ng iabot nito ang isang maliit na papel.
"Ano to?" Tanong ko dito pero pumasok na ito sa loob ng sasakyan. Tiningnan ko naman kung ano ito at nakita ang pangalan ni Carl at ang number nito. Napatingin naman ako sa restaurant at aksidenteng nakita si Carl na nakatingin sa akin, nagwave naman ito sa akin.
Belle's POV
Kakababa lang namin ng sasakyan nang mapadako ang tingin ko kay Lilian na kanina pa di maitago ang ngiti sa mga labi nito.
"Look who's inlove." Sabi ko dito at nilagpasan. Naramdaman ko namang hinabol ako nito.
"Sinong inlove ha?" Pagmamaangan naman nito kaya naman hinarap ko ito.
"The way you smile, the you act earlier. Hindi ka nga inlove." Sabi ko dito na may nakakalokong ngiti. Kita ko naman ang paglaki ng mga mata nito kaya mas lalo akong napangiti. My dearest friend is inlove.
Nagpaalam naman na ako dito at iniwan siya sa isang bench. May 1 and a half hour pa siya bago ang pasok niya kaya naman tatambay muna raw siya dun sa bench. As if na tambay lang ang gagawin niya. Dumiretso na ako sa room namin kahit may 2hrs pa bago ang pasok.
Nabigla naman ako nang makitang si Clark lang ang tao dito sa room, napatingin naman ito sa direksiyon ko. Umiwas naman ako ng tingin at dumiretso na sa upuan ko. Naramdaman ko naman na nilapit nito ang upuan niya sa upuan ko kaya naman napatingin ako dito.
"What are you doing?" Tanong ko dito. Tumingin naman ito sa akin, di ko alam pero ang pupungay ng mga mata nito at parang ang tamlay.
"Clark?" Tawag pansin ko dito dahil nakatingin lang ito sa akin pero nabigla na lamang ako nang mawalan ito ng malay, ang init ng katawan niya. Tinawagan ko naman si Anne at sinabihang magpadala ng bodyguard dito sa room at ipahanda ang sasakyan dahil dadalhin namin sa hospital si Clark, hindi ito kakayanin dito sa clinic dahil sa sobrang init nito.
Bigla namang dumating yung tatlong bodyguards ko at kinuha si Clark sa bisig ko. Inutusan ko naman yung isang bodyguard na dalhin ang gamit namin ni Clark. Naglalakad na kami sa hallway at kita ko namang lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin at nagbubulungan pero di ko na sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
It's You
Storie d'amoreI'm Belle Addison, the only child of the richest man in the world. Dahil sa title na meron ang dad ko ay never naging madali ang buhay ko, laging may mga matang nakamasid sa akin. Wala akong naging kaibigan sa school simula pagkabata dahil sa sandam...