Chapter 5

10 0 0
                                    

Chapter 5

" Lily ... "

" oh kayo po pala yan daddy tito? Bakit po kayo nasa labas? "

" hinihintay kasi kita .. "

" po bakit po? Ano po bang paguusapan natin? Ganun po ba yun kaimportante para hintayin nyo pa ang paguwi ko? "

" kailangan ko kasing pumuntang manila at naisip kong isama ka .."

" hah? Bakit po? Tara pasok na po tayo at dun na lang magusap"

" sige .." kaya pumasok na kami . Ano na man kaya ang kailangan ni daddytito at kailangan nya pa akong hintayin?

" lily .. ganito kasi iyon isinasama ako ng boss ko sa palawan.. sa puerto prinsesa at may kasama syang anak at dahil don gusto nyang isama kita dahil madalas din naman kitang makuwento sakanya para daw may makasama ang kanyang anak .. kaya sana ay sumama ka at natawagan ko na ang mga teacher mo kanina at nasabi ko na ito" pagpapaliwanag nito.. jusko po ready na pala ang lahat pano ako makakahindi e mukhang ayos narin naman ang mga gamit ko at mukhang ako na lang ang kulang ..

" sige po magpapalit lang po ako ng pangalis .. "

" sige asan na yang mga pinamili mo at lalagay ko narin dito sa mga dadalin mo .. "

" sige po .. magaayos na ako "

................................

" lily tara na andyan na ang kotse .. "

" Opo andyan na.. "

Natapos ko na lahat ng akong dapat gawin .. nakapahinga ng sandali .. nakaligo .. bihis at kain narin ako .. at ngayon andyan na nga ang sasakyan ay aalis na kami ..

Nang nakalabas ako ng bahay ay nakalagay na ang mga gamit ko sa trunk ng kotse at nasa passengers seat si tito .. gusto ko pa sanang magpaalam kila kuya ang kaso ay natutulog na ang mga ito ngunit alam naman daw ng mga ito na aalis kami ni tito at si lola naman ay nasa tita ko at dun natulog dahil ginabi na sa pagbisita sakanila ..

Malayo layo pa raw kami sa bahay ng amo ni tito kaya sumandal na lamang ako sa bintana at nakinig sa music .. sa bahay ng amo ni tito muna raw kami pupunta dahil dito rin sila sasakay at ipinasundo lang nila kami at bukas ng umaga kami tutungo sa palawan at ngayong gabi ay dun muna kami matutulog at dahil sa pagod ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako ..

NAGISING ako sa isang kulay puting kuwarto na medyo may kalakihan maganda ang disenyo nito at napakamodern at kung susuriin ito ay mukhang nasa isa akong guest room .. ngunit hindi bat nasa kotse ako kanina? Mukhang sa sarap ng tulog ko ay dinala na nila ako rito at di na ginising pa? Grabeng kahihiyan sa taong nagbuhat sakin kagabi dahil panigurado akong mabigat ako.. aminado naman ako dun dahil malakas akong kumain hihi ang sarap ko kayang kumain ..

Naputol ang akong pagiisip ng biglang may kumatok

Tok! Tok! Tok!

Dali dali akong nagtungo sa pintuan at ibunaksan iyon. Buti na lamang ay nakapagayos na ako kanina .. kung hindi ay nakakahiya sa taong ito


Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang isang may katandaang babae na nasa mid 40 siguro? Ngumite ito sa akin kaya ngumite rin ako

" magandang umaga po " magalang na bati ko sakanya

" magandang umaga rin po , ahmm kakain na daw po kayo "

" ah sige po baba na po ako magaayos lang po ako "

" sige po "

Pagkasaradong pagkasarado ay tumakbo na ako sa cr at naligo tsaka na ako nagbihis malaking tshirt at pants lang tsaka rubber shoes Tsaka na ako nagmamadaling bumaba .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SOLD TO HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon