Entry 1

34 2 2
                                    


So anong inaasahan niyong mababasa? Yung may kinalaman sa picture sa itaas? Asa, wala lang akong malagay at naawa ako dun sa pagmumukha ng ewang balasubas  na iyan. Tsk. Makangiti kasi nung nakita ko sa google eh talagang mukha ng isang escort na napagtripan at dahil sa wala akong magawa sa buhay, hayan at gusto kong ipangalandakan. Mean ako? Kadiri term. Pwede pa gago.

Heto na ang gusto kong i-rant sa una kong entry. Ano pa nga ba? Kundi ang kawalan ng magawa sa buhay. Kung hindi mo nahalata eh ingungudngod ko ang mukha mo sa title para may magawa na ako sa wakas.

So bakit ako walang magawa? Malamang nakatambay lang kasi, nakanganga sa harap ng laptop kasi walang mabasa, mapanood, matawanan, mapintasan, masigawan, malait, mahusgahan, magawang joke sa buong madla ng kabahayan ko, magawang sapakin, makain... lahat na ng ma. Kung iisipin niyo na masipag akong mag-enumerate, mag-t-thank you naman ako kasi at least may nagoyo. Pero wag ka makulit, dahil sa kawalan ng magawang MATINO kaya heto't nagpunta ako sa site na dati kong iniiwasan, yeah wattpad men. 

Ano? Itatanong niyo na ba ang parte kung paanong dahil sa wala akong magawa sa buhay ko ay napadpad ako sa wattpad? Sige lang. Masaya iyan. Kaso dahil isa akong wala lang talagang magawa, sasabihan lang kita na tanungin iyan sa pagong. Okay, fine. Ganito kasi iyan. KANIYA-KANIYANG TRIP lang. Malay ko ba kasing hindi lang romance at kung ano-ano pang movie inspired novels ang mayroon dito. Eh sa hindi ko type iyon eh. Hindi ba halata? Kasi kung romantic akong tao ay baka pinapatay ko na lahat ng intruder sa diary na ito sa kilig. Kaso hindi nga. Parang awa naman sa cover ng title o. 

Ayan. Wala na naman akong magawa sa buhay ko kundi ikonek na naman ang cover na wala naman talagang koneksiyon sa pinagdadadakdak ko dito. Lintik. So ano namang konek sa mga sinasabi kong movie inspired? Aba'y sapakan  na lang kung may hindi nakaisip man lang ng kahit anong movie or anime or koreanovela na ginawang basehan sa mga nobelang sinusulat ng iba dito sa wattpad.

Hudas ng pagkaletsugas  naman. Naaalala ko na naman na talagang wala akong magawa kasi heto't walang matinong central topic ang first entry. Makabalik na nga lang sa usapang escort at muse at baka magka-sense ang page na ito sa wattpad.

O hayan. Usapang muse and escort.

Sabi sa meme na ginawa ng kung sino mang walang maga--- Okay, I'll stop. Pero sabi nga sa meme, dalawa daw uri ng mga school mascot na ginagawang muse and escort. Una, talagang may ibubugang appearance at yung pangalawa, mga napagtripan ng mga kaklase. Alam niyo bang naranasan ko na ang una sa mga iyan at naka-witness naman ng pangalawa? Siyempre hindi niyo pa alam kasi ngayon ko pa lang ikukwento ang walang kwentang kabulastugan na ito.

Ganito kasi iyon... Magbasa ng mabuti.

Diary ito kaya wala kang karapatang pintasan na mababaw lang yung eksena pero ipini-feature pa sa entry. 

Pero heto na nga.

Of course, election ng mga opisyales ng klase. Naku, naks, opisyales daw. Officers in english, pero ang totoo ay mga pangalang ililista lang sa bulletin board ng room para magkalaman yung part na yun ng wall. Tsk. Lintik, napunta na naman sa kung saan ang ninanarate ko.

Election of class officers. Tapos ng i-elect ang president hanggang sa floor manager... Yeah, may floor manager, sipsip na tagatago ng perang nalikom mula sa klase para sa floor wax. Wag kang magulo kasi de semento lang ang classroom namin noon at para magmukhang silid-aralan kahit papaano ay kailang pasadahan araw-araw ng bunot ang sahig. Basta, ayun, tapos ng ma-elect yung floor manager tapos ang kasunod na ay yung pares ng mga mutyatya, I mean muse ang escort.

Balitaan nga pala kita na grade 9 students kami ng mga panahon na iyon. Isa pa nga pala, isa ako sa mga pinakagwapong nilalang sa buong eskwalahan. Wait, walang aangal. Walang totoong hangin sa wattpad kaya hindi tatangayin kung babasahin mo ang pagmamayabang ko sa napaka-blessed kong facial features. Ang kagwapuhan kasi ipinagmamayabang dapat, hindi ipinagmamalaki, mamaya magkamali pa  ng interpretation sa word tapos ipabatak ng malaki ang mukha sa mga surgeons, kaya dapat ipinagmamayabang ang term.

Diary ng Walang Magawa sa BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon