Hay buhay, wala akong maisip gawin kaya heto ako ngayon at magkukwento na lang. Wala ba akong lalaitin ngayon? Psh, mabait ako ngayon so will you please just shut up and read my beautiful entry? Kung ayaw mo eh di 'wag. Choosy pa eh wala ka rin namang magawang mas maganda pa kaysa sa pagbasa ng kalokohan kong entry.
Ay takte. Heto na nga ang feature for the day. Since I'm a student na napakagwapo at napakatalino, magmamagaling muna ako at ibibida ang aking idol na si Sir Math. Now what? Gulat ka ba kasi ang isang lalaking gaya ko ay may idol na math teacher? Di ba kadalasan, kinamumuhian at kinasusuklaman ang sino man at ano pa mang related doon? Paki ko ba. Eh sa masarap tawanan yung teacher na iyon eh. Ayan tuloy naging idol ko.
Don't get me wrong by the way. I respect my Prof, you know? And I know, still, how to respect. Wait pala ang lintek, may saltik yata ako ngayon dahil English ako ng English. Kasalanan ng itrina-translate na nobela ng bwisit kong pinsan na naghatak sa akin sa Wattpad site na ire. At heto na naman ang walang hiya kong sakit na laging nagda-divert sa akin sa topic ko. Tsk.
So this is it. Klase ko siyempre sa math. At wag eng-eng kasi kanina ko pa nabanggit na math prof ko ang bida. Madali lang yung topic niya. Kung tama ang pagkakaalala ko it's about something na related sa Abstract Algebra. And duh. Hindi ko tanda yung exact lesson kasi tinulugan ko yung discussion part. Napakadali kasi eh. Since wala naman siyang pakialam kung may nakikinig ng lecture niya kaya okay lang matulog. So now you know na napakadali kasi niyang tulugan kapag nagdi-discuss.
Then later on, nagsawa siya sa kadadakdak tungkol sa boring niyang subject. Since nagsawa na siya dun, it means oras na para sa kwentuhan blues kaya ako ay instantly nagising. Ganiyan kagaling at kasaya ang kaniyang daldalan session kaya nakakagising ng pogi. Nakapangalumbaba ako sa may hulihang upuan at umaaktong uninterested pero ang totoo ay wiling-wili sa pakikinig ng kwento niya. Sino ba namang hindi matutuwa kung super galing na actor at story-telling ng lintek kong prof. Isipin mo naman na lahat ng pinagsasasabi niya ay sinasabi niya with feelings. Nagkwento nga siya about sa encounter niya with those people na hindi mo malaman kung miyembro ng kung anong organisasyon eh. Ang tinutukoy ko ay yung mga taong umaakyat sa mga bus at jeep tapos nagbabasa ng kung anong mga pakulong letter or bible verses tapos manghihingi ng tulong pinansiyal. Ay takte. May ganiyan din akong experience at dahil madalas naman akong mabait, kahit hindi pinapansin ng iba yung mamang ang galing magpaos-pausan ng boses, hayun nagbigay pa rin ako ng pera. One hundred pesos pa yung inabot, wag ka. Pero after that, hindi ko na inalala yun. Grabe lang kasi naalala ko lang iyon ulit ng magkwento si Sir ng kaparehong experience. Tapos gayang-gaya niya pa kung paano magpaos-pausan ng boses habang nagsasalita ng mga gasgas na linyang lagi kong naririnig sa mga ganoong tao.
And don't judge me. Ang kwento ko about kay sir ay hindi iyon. Ine-emphasize ko lang kung gaano siya kagaling magkwento.
Minsan, nagtataka ako kung bakit siya nag-professor eh ang galing niya sa ganoong larangan. Well, matalino naman siya at math pa talaga ang kurso kaya naman parang alangan din sa kaniyang maging kabaro ng mga barber.
So what's the real reason kung bakit ko siya ngayon ibinibida? Kasi nakwento niya sa amin kung ano ang nangyayari sa mga taong mahilig mag-all black.
Ganito kasi iyon. One day, nagpunta siyang Maynila tapos sumakay siya ng bus para makarating doon. Ang business niya dun? Malay at wala akong paki. Ang naintindihan ko lang kasi ay yung banda kung saan siya ay nag-commute pabalik matapos tapusin kung ano man iyon, tapos bumaba sa isang gasoline station. Ang suot niya noon ay isang black na cap, black na jacket at black na pants. Hulaan ko iniisip niyo? Goon o hooligan? O baka drug lord pa? Well, eto ang catch, may dala si Sir na black na malaking bag pack.
Madilim na noon. Gabi na. Malay ko kung bakit siya bumaba sa gasoline station pero ang masaya, dun siya lumugar sa madilim na part. Hindi niya daw alam na may CCTV doon tapos hindi rin niya namalayan na nakatutok pala sa kaniya iyon. Ang nakakatuwa pa, may tinawagan siya tapos dahil hindi daw niya marinig ng matino yung sinasabi niyang choppy daw magsalita kaya yumukod siya ng kaunti tapos saka luminga-linga. Naghahanap lang daw siya ng possible place na may malakas na signal pero nagtama daw sila ng mga mata nung manager nung gasoline station.
Sabi ni Sir, akala mo daw nakakita ng may sapi yung eng-eng na manager kasi nagsimula daw mataranta tapos panay ang tingin sa bagpack niya.
"Siraulo yung manager ba naman na iyon kasi biglang nagtatakbo papasok dun sa office niya saka bigla na lang may tinawagan sa telepono dun. Gago nga eh. Ni-report pala ako sa pulis tapos nung lumabas siya, kung makatingin akala mo siya proud na proud na may nagawa siyang maganda sa mundo. Kung hindi lang mahalaga yung pinag-uusapan namin ng kausap ko ay baka nasugod ko ng sapak iyon." Iyan sabi niya habang nakaupo sa ibabaw ng teacher's table ng naka-indian seat. Saan ka pa? Si Sir lang nakita kong gumawa niyan.
"In short, mukha ka daw taong hindi gagawa ng matino?" Sabi ko tapos dahil napikon, binato ako ni Sir ng eraser. Siguro iniisip niyo na dahil pa-astig effect ako sa una kong entry ay astig ko ring nailagan iyon no? Tsk. How I wish totoo iyan kaso dahil may kalokohan pang whatnots si Sir na nalalaman tungkol sa projectiles at mga calculations ng distance whatever, natamaan ako sa mukha tapos natagtag sa mukha ko yung mga itim na ink ng pentel pen. Bwisit nga eh. Pero astig kasi, tumatawa lang ang loko kong prof. Nag-sorry ba? Asa. Itinuloy lang niya yung kwento niya.
"Dumating yung isang police car tapos bigla akong pinosasan. Nanlaki na lang mata ko kasi pati cellphone ko biglang kinuha tapos pinatay pa yung call. Sa galit ko nabulyawan ko yung pulis, "Anak ba kayo ng mga nanay niyo huh? Nananahimik yung tao hinuhuli niyo?"
Sabi daw ng pulis na tigasin pa talaga yung mukha. "Sir, nireport po kayo ng manager. Kahina-hinala daw po ang inyong hitsura at tumpak-tumpak daw sa hitsura nung nang-holdap ng bus sa kabilang kanto. Sumama kayo sa prisinto at doon magpaliwanag."
Iniakto ni Sir yung hitsura ng pulis na nangposas sa kaniya. Tapos biglang nag-change POV si Sir sakaa nag-drama. Sabi niya para daw siyang pinosasan ng dignidad dahil sa ginawang iyon sa kaniya eh samantalang nag-uusap lang daw sila ng isa niyang colleague tungkol sa SIS at assessments ng mga estudyante.
Loko si Sir eh. Parang gaya ko. Biglang nauwi sa mga comments ng assessment yung kwento niya tapos ibinida na ang pinakapangit daw na comment na natanggap niya ay yung tungkol sa pagiging kalbo niya. Para nga pala mapabalik siya sa original story niya ay ibinato ko yung eraser sa kaniya. JOKE. Sabi na kasing nirerespeto ko naman kahit papaano ang mga profs naming kaya siyempre ibinato ko lang pabalik sa board sa may lalagyan ng mga markers at eraser. Nagulat nga si sir tapos siyempre tinanong ako.
"Hoy, hindi kagwapuhang lalaki." Di ba, kasarap patayin ng marinig ko iyon. "Problema mo. Ganda-ganda ng kwento ko tungkol dun sa mga assessments eh."
"Sir, nag-demo lang ako kung paanong ang isang bagay ay bumabalik dapat sa pinanggalingan. Eh, yung kwento niyo kailan babalik sa original? Ano na nangyari sa holdapan case? Saang selda kayo dinala?"
"Ay gagong bata ito. Hoy, pinakita ko lang yung lisensiya ko bilang dalubguro ng isang de-kalidad na university tapos saka ko sinabi 'Mukha bang gagawa ng hindi maganda ang isang MATHEMATICS PROFESSOR na may lisensiya at ID?' tapos hindi na siya matapos-tapos sa pagso-sorry. Sabi niya ni-report daw ako ng eng-eng na manager kasi daw sa kahina-hinala kong hitsura saka akala may accomplice daw akong tinatawagan habang nakatutok sa CCTV. Napanood daw ako ng manager na ganoon ang ginagawa kaya akala isa akong may masamang-loob. Kalintik-lintikan na iyan. Porket ganoon ang hitsura, holdaper agad? Bawal bang paastig lang ang porma? Utak kasi ng tao ngayon ay assuming lagi eh. Lagi namang sa maling direksyon din."
At idinemo niya kung paanong sana daw ay sinungalngal na lang niya sa mukha ng pulis at nung manager yung lisensiya kasi talaga daw galit na galit siya after mapagkamalang isang holdaper dahil lang sa all-black outfit niya at saka sa black jacket and black bag pack.
OH di ba? Kasaya? Kung hindi eh di hindi.
PS: No P.S. Wait, meron pala. Nahuli si Sir noon ng aming Campus Administrator na nagkukwento lamang habang class hour kaya nasermunan. Walastik, buti nga kasi nabato ako sa mukha eh. Peace kay Sir. Sana hindi siya nakaltasan ng sweldo noon o kaya napatungan ng tardiness. Hahahaha.
Date: Uso kalendaryo, you know?
Moral Lesson: My face.
BINABASA MO ANG
Diary ng Walang Magawa sa Buhay
RandomLayas, mga taong naghahanap ng nobela... ng isang likha na pwedeng pintasan o i-criticize... ng kahit anong genre sa wattpad na bukod sa random at short stories... At lalong layas, mga taong gusto lang mag-usyuso sa buhay ng iba pero choosy pa sa u...