#24

5.8K 142 25
                                    

Jade's POV

Pababa na ko ng hagdan ng may narinig akong nagluluto sa kusina, siguro si Leo yun.

Kumuha ako ng tubig sa ref

"Leo anong nilu-- Kyle?!" Alam niyo yung feeling nakapants lang siya tapos topless at nakaapron siya, gandang agahan.

"Oh gising ka na pala, umupo ka na" hinila niya yung isang upuan tyaka ako pinaupo.

"B-bakit ikaw nagluluto?"

"Bakit ganun naman magasawa diba?" Hindi ko man makikita sigurado akong namumula yung pisngi ko.

"T-tumigil ka n-nga diyan" Hinampas ko siya pero mali ata dahil mas lalo ko lang naramdaman yung katawan niya, ang tigas ng abs niya.

Hoy Jade tumigil ka! Chansing yan ah! Jusko!

Habang sinasalin niya yung mga niluto niya na akala mo fiesta, may biglang pumasok sa pinto.

Pawis na pawis at may dala siyang basket sa kanang kamay habang nakasabit yung t-shirt niya sa kaliwang balikat niya. Si Leo.

Napangiti siya nung nakita niya ko, agad agad siyang lumapit sakin. Jusko bakit andaming pandesal. Jusko! Masyado yata akong nadadala.

"Jade! Pinitas kita ng mga prutas." Habang pinapakita niya sakin yung basket.

"Ah S-sal-"

"Jade! Pinagluto kita ng almusal, tikman mo" papunta na sana sa bibig ko yung kutsara ng...

"Jade ito muna kainin mas masarap tong prutas pag bagong pitas" habang inaabot naman ni Leo sa bibig ko yung prutas, kakagat na sana ko nang...

"Teka pare diba nanahimik kami dito bigla kang makikigulo" Nasa kaliwa ko si Kyle.

"Anong ako? Si Jade kinakausap ko hindi ikaw!" Nasa kaliwa ko naman si Leo.

Feeling ko mamatay ako sa mga titig nila sa isa't isa. Para akong nasa gitna ng dalawang bulkang sasabog.

"Ano bang gusto mo?!" Biglang sumigaw si Kyle.

"SI JADE GUSTO KO!"

"SI JADE DIN ANG GUSTO KO!"

"Eh bakit di na lang natin siya papiliin kung anong kakainin niya"

"A-ah Kyle, Leo kasi PWEDE NIYO NAMANG ILAPAG YANG MGA PAGKAIN KAKAININ KO PAREHAS YAN!!!"

Napayuko silang dalawa sa sigaw ko pano ba naman kasi kasalanan nila yan.

"Okay na?! Tapos na kayo magaway? baka pwede iwan niyo na ko para makain ako ng maayos dibuh?"

Dahil bukod sa pagsigaw nila nakakadistract yung mga katawan nila jusko.
-
A/N:

MORE BANGAYAN TO COME 😂 MAY TEAM LEO NA BA? HAHAHAHA SOON MALALAMAN NIYO KUNG ANO TALAGA SIYA SA BUHAY NI JADE. BTW ANONG MASASABI NIYO? FEELING KO SABAW YUNG UPDATE EH 😂 YOU CAN READ, VOTE AND LEAVE COMMENTS IF YOU LIKE. THANK YOU!

Sex God needs a Babymaker [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon