THIRD PERSON's POV
habang nagsasaya silang lahat pagkatapos ng isang magandang presentation sa kanilang gym may isang babae ang nakatingin sa direksyon nila Phoebe at Geof, nakatingin siya ng masama sa kanila na parang gusto niya na pumatay ng tao.
*riiiiing~~riiing~~*
may tumatawag sa kanyang telepono at agad niya naman itong sinagot.
hello?
[ ano na ang balita? ]
ito tapos na rin ang kanilang concert, nakita ko siya mukhang masaya siya sa ginagawa niya kasama ang babaeng yun.
[ so anong gusto mo mangyari ididispatsa na ba namin yung lalaki ]
tanga ka ba?! wag kang gagawa ng gusot, hangga't wala pa tayong nagagawang plano.
[ aba't mas maganda na yung agad kaysa naman mahuli, gugustuhin mo bang maagaw siya sa iyo? ]
natigilan siya sa narinig niya, wala na lamang siyang nagawa kundi mag-isip ng malalim.
tatawagan na lang kita kung ano ang plano ko.
[ o sige basta kung kailangan mo kami Gee tawagan mo lang kami, at oo nga pala nakausap mo na ba si Kenneth? ]
hindi pa ayoko pa muna siyang kausapin dito, baka makita ako ng fiance ko.
[ o sige, bahala ka na dyan ]
*call end*
matapos ang usapan na iyon muling tumingin siya sa direksyon nila Phoebe at Geof laking gulat niya nang makita niya ang ginawa ni Geof kay Phoebe, napuno ng galit ang puso niya habang tinitignan niya yun, hindi niya alam kung anong gagawin niya.
umalis na lamang siya ng gym para hindi niya na lang makita ang kaganapan sa loob ng gym, dumiretso siya sa parking lot. nang may...
Gee!! may tumawag sa kanya
nilingon niya ang pamilyar na boses na tumawag sa kanya
oh anong ginagawa mo dito? tanong niya sa lalaki
at ikaw ano naman ang ginagawa mo dito? yosi? sabi niya habang inaabot ang isang kahang sigarilyo.

BINABASA MO ANG
LOVE TRIANGLE 1st HALF
Romancemahirap ang kanyang sitwasyon dahil hindi nya alam kung sino ang kanyang pipiliin. gayunpaman ang mga kaibigan nya ay nakakaranas din nang ganitong eksena at ito ay ang "LOVE TRIANGLE" (own story ko po ito. wala akong ginaya or what. sana magustuhan...