PDA: Chapter 7

9.2K 121 3
                                    

Kathryn's Pov

Nilean ni Julian yung isang kamay niya sa wall, sa gilid ng ulo ko. Habang yung isa niyang kamay ay nasa waist ko

"Julian ano ba! Lumayo ka nga!!!" Sigaw ko sa kanya at tinulak siya. Nung napalayo siya ay babalik na dapat ako sa venue ng party pero biglang niyang hinila yung kamay ko kaya napaharap ako sa kanya. He grabbed my waist habang yung kamay ko naman nasa chest niya para magkaroon kami ng distance

"Tayo na lang Kath. Gwapo ako. Mayaman din naman ako. And I bet I'm better in bed than Daniel" Sabi niya at he chuckled. Sinampal ko naman siya agad. Napangiti naman siya at mas hinila pa ako Papalapit sa kanya

"Julian ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko at pilit siyang tinutulak

"Bat naman kita bibitawan ha?" Sabi niya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko

"Sabi niya bitawan mo siya." Yay! I know that voice! My savior. Daniel❤️ Napalingon kaming dalawa sa kanya. Hinila ka agad ako ni Daniel

"Pare, peram naman ng chix mo. Kahit isang gabi lang. Pangarap ko lang talaga ma-Kama yan" Sabi ni Julian at tumawa

"Ahh. Ganon" Sabi ni Daniel at tumawa ng peke. "Ehh gago ka pala!" Sabi ni Daniel at sinuntok si Julian na naging dahilan para matumba siya. Pumangibabaw nama si daniel sa kanya at pinaulan siya ng maraming suntok. Nag simula ng magdugo yung labi ni Julian.

"Daniel, itigil mo na yan" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin

"Sira Ulo ka! Walang pwedeng bumastos sa girlfriend ko!" Sigaw ni daniel pero biglang siya tinulak ni Julian kaya ngayon si Julian na ang nasa ibabaw

"Hoy, ano ba!!! Itigil niyo na yan!" Sigaw ko ulit pero hindi nila ako pinansin. Nagdugo na din yung labi ni Daniel

"Tulong! Tulong! Katsumi!!! Lester!!!" Sigaw ko ng paulit ulit. Nakaganti narin ng suntok si Daniel kay Julian. Mayamaya dumating na sila Les at yung ibang Tao. Tinayo nila kaagad sila Daniel. Nagsisigawan parin sila Daniel at Julian. Tumakbo naman ako sa gitna nila

"P--- --na mong g-go ka! Sisiguraduhin kong mawawala ka sa BPU!" Sigaw ni Daniel habang pilit na nilalayo ng iba si Julian. Tumakbo kaagad ako papunta kay Daniel at hinawakan yung mukha niya. Galit na galit parin siya

"Hey, look at me" pilit kong hinaharap yung mukha niya sakin. Nakatingin parin kase siya kay Julian

"Gago yun. Baka kung ano na ginawa nun kundi ako dumating" Sabi niya at Medyo kumalma

"Pero dumating ka. And I'm thankful for that" Sabi ko. At nilagay yung kamay ko sa waist niya. Binitawan naman siya nung mga Tao

"I love you" Sabi ko habang nakatingin sa mata niya. Inakyat ko yung mga kamay ko sa neck niya. My one hand was caressing his hair while my other hand was caressing his cheek. This always calmed Daniel down. Lumambot na yung facial expression niya at normal na ulit yung paghinga niya. Napa smirk naman ako. Nagtagumpay ako. I calmed Daniel down. Dahil wala akong heels, napakalaki ng height difference namin. Umapak ako sa paa niya para maabot ko ulo niya. Yinakap naman niya waist ko. I rested my forehead on his

"I love you Babe" he said

"I love you too" Sabi ko at nag tiptoe para mahalikan ko forehead niya. Mayamaya ay hinawalay ko na ang labi ko sa noo niya. I looked around, may mga Tao parin. I grabbed Daniel's hand at sabay kami naglakad pabalik sa venue.

"Party's over!" Sigaw ni Daniel. Nagsialisan naman ang mga Tao. So ako, si Daniel, Miles, Katsumi at Lester na lang ang natira

"I was so worried about you" Sabi ni Daniel at yinakap ang bewang ko

"I was worried about myself too" Sabi ko at yinakap ang leeg niya

"I'm glad I came" Sabi niya at pinagdikit ang forehead namin

"I'm glad you came" Sabi ko at pinagdikit ang ilong namin. Sabay naman pinikit ang mata namin at unit unti kaming lumapit sa isa't isa ng biglang

"Ehem! Ehem! Ehem!" Pekeng ubo ng barkada kaya napalingon kami sa kanila

"Bat nandito pa kayo? Aren't you guys gonna leave yet?" Mataray na tanong ko

"Oo nga. Ano pang ginagawa niyo dito?" Tanong ni DJ

"BARKADA PARTY!" Sabay nilang sigaw at ni raise up pa yung mga glass nila

Barkada party. We have that every week. After school, we go to someone's house then swim, play truth or dare (sometimes even truth or bare ;) ) have heart to heart talks & camp outside

-----------------------------------------------

A/n: I'm back na talaga! Try ko everyday update. Comment please

Mr & Mrs PDA (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon