Chapter 20

7.9K 157 83
                                    

Daniel's Pov


Nandito kami sa beach ngayon. Gabi na. Nagbo bonfire lang kami.


Si Seth ay nag gigitara habang nakikipag kwentuhan kina Katsumi at Lester. Nag iinuman sila. Si kathryn naman ay naka sandal sa balikat ko habang naka akbay ako sa kanya. Yung isang kamay ko naman ay may hawak ng isang bote ng beer.


Napangiti naman ako. Mula nung bata pa lang ako, ito na yung nakasanayan ko. Sila na yung mga kaibigan ko. Kami kami na yung magka kasama. Oo nabawasan ng isa pero walang nag bago. Pinilit parin naming walang magbago.


Nilingon ko yung babae na nasa bisig ko. Hindi ko maisip na may ibang babae akong kayakap. Hindi ko kakayanin na mawala itong babaeng toh sa akin.


"I love you" bulong ko kay Kathryn at hinalikan siya sa noo. Napangiti naman siya.


"Hay ang sarap siguro magka love life" Pagpaparinig ni Lester


"Oo nga ang hirap naman ng buhay single" Pagsakay ni Katsumi sa trip ni Lester


"Bakit kase nasa ibang bansa pa yung girlfriend ko" Pagsali ni Seth


Umiling na lang ako at uminom. Natawa naman si Kath at siniksik yung muka niya sa leeg ko.


"Subukan niyo kase mag hanap ng babae na seseryosohin niyo" Sabi ko


"Edi pagnaka hanap kami ng chicks, Paniguradong wala siya sa barkada. Mawalan pa kami ng oras para sa inyo. Wag na lang noh" Sabi ni Lester


"Oo nga. Kagaya na lang nung nangyari kay-" Sabi ni Katsumi pero agad siniko ni Lester


Nanlaki ang mga mata na para bang hinahamon siya. Binaba naman ni Seth yung gitara at lumingon kay Katsumi. Binaba agad ni Katsumi yung inumin niya at Nanlaki ang kanyang mga mata nung na realize niya yung sinabi niya


Si Miles yung tinutukoy niya. Alam naming lahat yun. Pero hindi pa kase namin napag uusapan yung nangyari kay Miles. Sensitive parin si Kathryn sa topic na iyon hanggan ngayon


"O bat na tahimik kayo?" Sabi ni Kath at inalis ang ulo niya sa leeg ko. "Kagaya na lang nung nangyari kay Miles, hindi ba Kats?"


"Ahh..ehh.." Hindi makasagot si Katsumi


"Gago" Sabi ni Seth at binatukan si Kats napailing naman ako


"Ano ba kayo. Ok na ako. People come and go. Tanggap ko na yun ngayon" Sabi ni Kath at ngumiti.


Napangiti naman ako. My baby girl's strong. Hinalikan ko ulit siya sa noo at lumingon siya sa akin at ngumiti. Nag smack siya sa labi ko.


Tumayo naman si Seth at dinampot na yung guitar.


"Tara na guys. Balik na tayo sa bahay" Sabi ni Seth at nagsi tayuan na kami.


Nauna akong tumayo kesa kay Kathryn. Inabot ko ang kamay ko sa kanya at kinuha naman niya iyon. Hawak kamay kaming naglakad pabalik sa bahay ni Katsumi


"Nood tayong horror movie!!" Pagyaya ni Katsumi. Pumayag naman kaming lahat.


Pumipili kami ni Lester ng movie. Si Katsumi at Seth naman gumagawa ng popcorn at kumukuha ng chips. Napatingin naman ako kay Kath na nakaupo lang sa sofa. Yung dalawa niyang paa ay nakataas din. Mukhang na pagod ang baby ko ahh.


Nung nakapili na kami ay pinasok na iyon ni Lester. Lumabas naman agad sina Katsumi sa kitchen.


Lumapit ako sa sofa at binuhat si Kath at umupo. Kaya ngayon nakakandong siya sa akin pero patagilid. Ako naka upo ng maayos pero si Kath ay pa gilid. Yung paa niya rin ay nakapatong sa sofa. Para bang bridal style pero nakaupo kami. Gets niyo ba?


Binalot ko yung mga braso ko sa bewang niya. Sinandal naman niya yung ulo niya sa dibdib ko.


Yung tatlo naman ay nakaupo lang dun sa sahig. Carpeted naman kaya ok lang daw. Inabutan ni Lester kami ng chips. Kinuha naman si Kathryn. Nag simula naman na yung movie.


Sinusubuan lang ako ni Kath. Pag nakakatakot naman ay tinatago niya yung muka niya sa leeg ko pero sumisilip parin siya hahah. Cute


Nung natapos na yung movie ay Napatingin ako kay Kath. Tulog na. Kalahati pa lang ay Tulog na toh ehh hahah. Pagod na pagod ata. Tumayo naman na ako habang buhat buhat siya


"Akyat na kayo?" Tanong ni Sed


"Akyat ko na toh ehh. Tulog na. Kayo?" Sagot ko.


"Mamaya na. Ubusin lang namin toh" Sabi ni Kats at nginuso yung Jack Daniel's sa harap nila. Nag nod naman ako at Umakyat na


Kahit Mahirap binuksan ko yung pinto at sinara ito gamit yung paa ko. Binaba ko na si kathryn sa Kama. Lumapit ako sa bag ko at kumuha ng isa sa mga plain white shirt ko.


"Babe? Baby gising ka muna" Sabi ko at tinapik tapik ang braso ni Kath. Gumalaw naman siya at humarap sa kabili


Itong babaeng toh naman. Pag Tulog na, tulog na talaga. Hindi na pwede gisingin.


Hinawakan ko yung likod niya at inupo siya ng konti. Hinubad ko yung shirt na suot niya. Mahirap na. Tinuyuan na siya ng pawis dito. Wag kayong ano. Wala akong gagawin. May respeto ako kay Kath. Pakakasalan ko muna siya bago siya galawin.


Sinuot ko sa kanya yung tshirt ko at hiniga na ulit siya. Tinanggal ko naman yung butones ng shorts niya at hinubad narin iyon. Naka maong shorts kase siya na sobrang fit. Magulo pa naman siyang matulog. Ayokong masaktan o mahirapan siya.


Ngayon ang suot niya na lang ay yung shirt ko at yung undergarments niya. Mahaba naman yun. Hanggan hita niya kaya okay lang.


"Good night baby. I love you" Sabi ko at hinalikan yung noo niya.


---------------

a/n: ang bilis ng update diba hahaha bumabawi ko Hihihi pero wag naman sanang demanding pls. Hindi Lang sa wattpad umiikot ang mundo ko. at kung magcocomment kayo wag lang yung "ud pls" mas ginaganahan kase ako pag cinomment niyo talaga yung thoughts niyo at feelings niyo sa story charot lang haha. at higit sa lahat WAG NIYO KALIMUTAN BUMOTO SA PEP. yun lang :))


dahil nag update ka, mag uupdate din ako wahaha!! oh sa dalawang update na kita nabanggit ahh hahah. labyu teh ;)


kaya ba ng 15 comments ulit?



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr & Mrs PDA (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon