Interesting

52 8 0
                                    

JACOB'S POV

I heard a knock from the door

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I heard a knock from the door. I dont normally open the door for visitors pero since ako lang mag-isa, I have no choice. 


"Ano pong kailangan nila?"  I asked. I saw in front of me a beautiful young woman. Sandali ko lang siya tiningnan pero her face seemed to be registered in my mind. Nakaramdam ako bigla ng hiya. Im not usually like this. Im a shy person pero ndi sa point na ganito, na for some reason mas gugustuhin kong yumuko nalang at manahimik.


Nakapasok na sya sa office namin and ako, eto parin nakatingin sa sahig. Para akong abnormal pero ewan ko ba di ko sya matitigan sa mukha. May mga sinasabi sya habang papasok sya sa kwarto, yung parang about sa research? interview tsaka project ata yun. Ewan ko pero nablangko ung utak ko. Naririnig ko syang nagsasalita pero heto ako, nakatunganga habang nakayuko padin. I nodded my head para kahit paano isipin nyang naiintindihan ko mga sinasabi nya. Syempre ayoko namang mahalata nyang di ako nakakapakinig ng maayos. I continued with my computer work. 


"Asan po pala yung boss nyo? Do you think he'll be around any minute now?" she said with such sweet voice. 

I know that boss is out for a meeting. Pero sasabihin ko ba sa kanya? I dont want her to leave too early. Anyways, hindi naman nya malalaman, so Ill pretend I dont know kung nasan yung boss namin.



"Ahmmmm, Uhmmm. Nandun sa, *coughs a little* uhmm, asan nga ba si Boss? Pasensya na ha nali..mutan ko. Itata..nong ko nalang sa mga kasama ko pagbalik nila. Breaktime kasi." 


Pheew! Grabe nanlamig ako bigla. Bakit pa kasi ako nag alibi sa kanya. Nahalata nya kaya na nagsinungaling ako? Naku, sana naman hindi. Nakakahiya pag ganun. Bat naman kasi nauutal ako eh! O_O


"Sige, salamat ha? :) Ano nga palang pangalan mo kuya?" 


I can feel by the way na sinabi nya yun that she's smiling. But Im not sure kasi I cant look at her parin. How weird, kelangan nya ba talaga alamin pati pangalan ko? Akala ko si boss lang naman sadya nya dito. Pero, she's cute. I grinned. Di nya nakikita pero Im smiling, mas madaldal pa kasi sya kesa sakin. Haha! I thought for a while kung sasagutin ko ba yung tanong nya. 


"Ja...cob. Uhmm, Jacob." Those were the only words na nasabi ko. Isang tanong, isang sagot lang. 


She told me her name. Lia daw itawag ko sa kanya. Interesting.. She even asked me a question I never expected. Kung ano ba daw mas gusto kong itawag nya sakin. Kung Jacob daw ba or kuya. Haha! She's not just cute, I find her funny. I wanted to laugh, but I preferred to contain my laughter. 


"Jacob. Ok na yun." sabi ko sabay ngiti. Di ko na napigilan kumawala yung ngiti sa mga labi ko. I saw her, she smiled back. My heart suddenly felt something. Something I know that's not right.


I can feel she wants to have more conversations with me. She even started to open up something but Dina, together with my other officemates, came in. 


"Oh, hi! May bisita pala tayo Jacob, di ka man lang nagsabi. Ano pala sadya mo dito, Miss?" si Dina, officemate ko. Sana naman wag nyang daldalin si Lia. Baka ano pang masabi nya.


"Si boss nyo po? May kailangan sana ako sa kanya, sandali lang naman po sana." Gustung gusto kong ako nalang yung sumagot sa tanong na yun ni Lianna, pero baka mas mahalata ako pati ng officemates ko. Kaya mananahimik nlng ako dito sa tabi. Kunwari may gnagawa ako sa computer.


"Ay naku, busy sya ngayon eh. Jacob, di mo ba nasabing nasa business meeting si boss? Diba nagsabi sya satin kanina bago sya umalis." Naku, lagot na. Eto na nga bang sinasabi ko. Pano ko to lulusutan? Im starting to sweat. Kinakabahan ako. Paano pag nainis sya sakin kasi pinaghintay ko sya sa wala? Paano ko ieexplain na ayoko syang umalis agad kaya ako nagsinungaling? Haay. 


I continued to play my game. My silent type kind of drama. Di ako ngsalita. But I bet she's in the state of wanting to question me for what I did. Mas nahiya ako dahil dun. 


Nag usap pa sila ng officemate ko, narinig kong babalik nalang daw sya some other day. She even left her number on a post it. Nakita ko yung papel kung saan nya sinulat yung phone number nya. I knew its not proper, pero pasimple kong sinave yung number sa phone ko without them even knowing. I dont know what to do with it, pero I know I want to know her better and this number would be the key.
















Let Me Be The One..Where stories live. Discover now