Love's Grown Deep

2.9K 59 1
                                    

Somewhere back in time

You became a friend of mine

and day by day we've grown a little closer

You're my spirit to be strong

"Vice, gising na, ano ba" ramdam ko ang malakas na yugyug sa may balikat ko pero di ko pinansin.

"Vice sabi mo sasamahan mo ako, tumayo ka na dyan please" ang kamay kong natatakpan ng kumot ay unti unting kumumpas. 1, 2, 3 ...... Maya maya pa ay naramdaman kung may mahigpit na yumakap sakin mula sa likuran. She always did that whenever she's having hard time to wake me up. Secretly, I smiled. Sana laging ganito, sana pwede akong magtulog tulogan para lagi kong maramdaman ang yakap nya. Kasu nga di pwede dahil malakas ang pakiramdam ng babaeng katabi ko ngayon. Kaya ayon, hinampas nya ako kaya napaupo tuloy ako.

"Sadista ka talagang babae ka tsk..." kakamot kamot na sabi ko.

"Eh pano naman kasi ang hirap mong gisingin. Sabi mo sasamahan mo ako sa mall"

"Baka nakakalimutan mo, ikaw ang may kasalanan kaya puyat ako."

"Ito naman eh sige na tayo ka na dyan. Inayos ko na yung pampaligo mo" tinulak tulak pa nya ko pababa ng kama. Nagpatianod na lang ako sa kanya. Nakarating na kami ng harapan ng banyo ay tinutulak nya pa rin ako. Biglang humarap ako sa kanya upang pigilan sana sya kaso di ko expected na sobrang lapit lang pala ng mukha nya sa akin. Saglit akong natulala sa kanyang mukha. Napakasimple ng babaeng ito. Walang bahid ng kolorete. Nasa kanya lahat ng katangian hinahanap ko sa isang babae pero too bad cause she's my best friend. We've been friends since  fetus days. We used to share everything we have. Pati nga nunal nya sa katawan alam ko kung ilan. Don't misinterpret, its just that we used to take a bath together when we we're young. Pero syempre, it stopped nung magdalaga at magbinata kami pero di naging dahilan yun upang di kami maging close lalo. Ako ang sinabihan nya ng unang magkacrush sya. Ako rin ang nakaalam nung unang nagkaboyfriend sya. Alam namin ang lahat ng tungkol sa isat isat.

May isang bagay lang akong tinatago sa kanya. Mali, dalawa pala. Una, ang pagtataboy ko sa mga lalakeng nagkakagusto sa kanya. Pati na rin ang naging boyfriend nya noon, umupa pa ako ng mga mukhang goons na tambay sa amin upang layuan lang nito si K. Pangalawa, ang pagkakagusto ko sa kanya. I don't remember kung kelan ito nagsimula basta naramdaman ko na lang na lagi akong excited makita sya. Yung pagkakakuryente ko sa simpleng pagkakadikit ng mga  balat namin.

Napahawak ako sa pisnge ko ng tampalin nya ako.

"Aray naman. Kanina ka pa nanakit" angal ko sa kanya.

"Eh kasi tulala ka dyan eh" magsasalita pa sana ako ng itulak nya ako sa loob. Iling iling na dumiretso ako paloob ng banyo upang maligo na.

-----------

"Tsk, wala ka pa bang napipili. Napapagod na akong paikot ikot" tanong ko sa kanya. Halos tatlong oras na kaming naglalakad pero wala pa rin syang mapiling running shoes. Tsk, Bakit ba kasi mahilig tong mahal ko sa nakakapagod na exercise.

"Grabe ka naman, eto na kukunin ko na to"

Pagkabayad ng binili ay naglakad na kami palabas. Abala kaming nakapila sa exit door ng mall ng may lalakeng nagmamadaling naglakad papunta sa direksyon namin. Di marahil nito namalayan si Karylle kaya di sinasadyang nasagi nito ang babae. Agad naman itong bumalik upang magpaumanhin sa amin.

"Karylle??" tiningnan ko ang lalakeng nakabangga kay Karylle.

"Yael? uy kamusta ka na?" at  ayon nga ang eksena. Nagkumustahan sila sa harap ko ng ex nya. Yes, sya nga yung unang naging boyfriend ni Karylle noon na pinaabangan ko dun sa mga tambay sa amin.

Music & Hearts|| ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon