.Radioactive by Imagine Dragons

1.7K 62 5
                                    

Genre: Dystopian Romance in a post apocalyptic world.

DYSTOPIAN - a community or society that is in some important way undesirable or frightening

ROMANCE - a quality or feeling of mystery, excitement, and remoteness from everyday life.

Apocalypse - describing or prophesying the complete destruction of the world.

I'm waking up to ash and dust

I wipe my brow and I sweat my rust

I'm breathing in the chemicals

I'm breaking in, shaping up,

then checking out on the prison bus

This is it, the apocalypse

Whoa

Nagising ako sa sobrang lakas ng katok sa pintuan ng kwarto ko. Yamot na tumagilid ako ng higa at sumigaw.

"Bakit ba? "

"Kuya may dumating na malaking box dito. Inaantay ka nung delivery boy. May kelangan ka atang pirmahan." sigaw mula sa labas ng kwarto ko.

Napasalubong ang kilay ko. Ano kaya yun?

Tamad na tamad na bumangon ako. Paglabas ay naabutan ko ang mga kapatid kong lalaki na kumakain. Kapansin pansin ang napakalaking box na nakahambalang sa gitna ng sala. Kasinglaki siguro ng tao. Sa pinto ay nakatayo ang delivery boy kaya naman lumapit na ako sa kanya at pinirmahan ang log book nya.

Nang makaalis ito ay agad kong binalingan ang box. Sinuri suri ko pa kung ano ito. Pero dahil nagugutom na rin ako, saka ko na muna to bubuksan. Sinaluhan ko ang mga kapatid ko sa mesa.

"Kuya anong laman ng box"?"

"Di ko pa alam."

"Ganon? Ang o.a naman kasi sa laki"

Di ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Habang sumusubo ay nililibot ng mata ko ang buong kabahayan.

Magulo. Yung mga pinaglutuan nila kung saan saan lang nakapatong. May medyas pa sa ibabaw ng ref. Ang mga sapatos kulang na lang palitan yung estante ng mga baso.

Napailing ako. Ang hirap talaga pag puro kayo lalake. Walang naglilinis. Walang nagaasikasu sa loob ng bahay. Namimiss ko tuloy ang mamang. Nakakawalang gana tuloy kumain. Uminom ako ng tubig at tumayo patungo sa bintana.

Pinagmasdan ko ang aking mga kapitbahay. Puro lalake lang ang mga kumikilos. Wala kang makikitang babae. Ang hirap pala ng walang babae sa bahay.

Napahikab ako kaya pumasok na uli ako sa loob ng kwarto. Pagbukas ng pinto ay dire diretso na akong pumasok. Nakapikit kong inaabot ang unan sa gilid. Napadilat ako at biglang napaupo sa kama ko.

Gulat na napatingin ako sa babaeng nakatingin din sa akin ngayon.

"Si....si... sino ka?" tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin ako ay pagapang syang lumapit sa akin. Ako naman ay napapaatras. Naramdaman ko ang headboard sa likuran ko kaya napahinto ako sa pag atras.

Nang halos isang dangkal na lang ang lapit namin ay napapikit ako. My god!. Pabulong na usal ko.

"Nalimutan mo na?" malambing ang boses nya. Nakakawala ng ulirat. Yung kamay nya ay nasa pisngi ko. Marahang humahaplos.

"Huh?"

"Ako yung pangarap mong babae"

"Teka. Nababaliw ka ba? San ka ba galing?"

Music & Hearts|| ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon