Readers let's assume na si Karylle ang nagcompost ng kantang 'Manhid ka' sa storyang ito.
Tatlong katok at sa wakas ay may nagbukas na ng pinto para sa akin.
"Hi bestfriend" ngiting ngiting bati ko kay Anne.
"Oh K, ang aga mo naman ata. May kelangan ka ba?" tanong nito. Nagngising aso ako sa kanya.
"Wala naman. Namiss lang kita friend" Tumaas naman ang isang kilay nito na lalong ikinangisi ko.
"Karylle, pati ako ba naman lolokohin mo? Pumasok ka na, andun si Kuya Vice sa sala." pumalakpak ako sabay yakap sa kanya.
"Tsk, Karylle seryoso ka talaga nung sinabi mong liligawan mo si kuya?"
"aha aha...." tumatangong sagot ko sa kanya sabay labas ng bulaklak ni pinitas ko pa sa garden ng mama. Agad namang nanlaki ang mga mata nito.
"What the... for real? Seryoso ka talaga?"
"Oo nga, kulit mo naman. Puntahan ko na kuya mo ha" sabay talikod ko sa kanya at nagpatuloy sa loob ng kabahayan nila.
There. Dahan dahan akong naglakad. Medyo nakatalikod sya sa akin habang nagbabasa ng newspaper. Huminga ako ng malalim sabay buka ng bibig.
"Di mo ba alam na may
nagmamahal sayong tunay, ako
oh oh oh
Di mo ba naririnig sinisigaw ng
pusong ito, pangalan mo"
Bahagya pa syang nagulat nung marinig ang kanta ko. Nagpalinga linga sya at ng mapatingin sa akin ay medyo nagsalubong pa ang mga kilay nito.
Marahil ay nagtataka ito kung bakit ako kumakanta. Ngumiti ako sa kanya at tumitig sa mata nya. Ipinagpatuloy ko ang pagkanta.
"At kahit na anong gawin,
binigay ko ng bituin
Di pa rin napapansin ang puso
ko"
at dahil chorus na ng kanta ay lumapit ako sa kanya at bahagyang yumukod upang magpantay ang mga mukha namin.
"Dahil manhid ka, manhid ka
Walang pakiramdam
oh babe manhid ka, manhid ka
puro dedma ka na lang
bet na bet pa naman kita
laman din ako ng tyan
shunga ka ba talaga oh manhid
ka?"
Napatigil ako sa pagkanta ng biglang may pumalakpak.
BINABASA MO ANG
Music & Hearts|| ViceRylle
Fiksi PenggemarCollection of one shot stories. Lahat tungkol sa Love na hinango ang kwento mula sa mga paborito nating love songs, bago man yan o luma. Most of the stories will revolve around sa favorite kong loveteam. . . Ang ViceRylle