Tumutulong mga luha,
Nasasaktan dulot ng kanyang ginawa.
Paulit-ulit ka nalang bang ganyan?
Bes, ano na?
Paulit-ulit ng paulit-ulit ang mga pangyayari,
Humahagolhol, umiiyak at nasasaktan.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kita o naming pinapaalala,
Bes? Kailan ka matatauhan?
Bukas, makalawa, yan parin ang ginagawa,
Tanong ko lang,
Kaya mo pa ba?
O sadyang ang tanga-tanga mo na?
Para kang sirang-plakang paulit-ulit ang dahilan,
Dahilan kung bakit ika'y ganyan. At kami'y nandito,
Paulit-ulit ding iniintindi ka
Dahil ika'y kaibigan at mahal naming lahat.
Sing bigat man ng tubig na inipon sa balde,
Tubig at langis na kailan may hindi mapaghalo-halo
Kung wala nang pagmamahal na natitira sa kanya,
Wala na,
Tama na,
At pakawalan mo na.
Lisanin at isa-isip ang aming paalala,
Paalalang paulit-ulit ng pinapaalala.
Hindi mo sya kailangan upang maging masaya,
Kami'y nandito upang intindihin at papakingan ka.
Kaya bes, ano na?
Tama na at maging masaya ka na.
Kami'y nandito upang mahalin at aalagaan ka,
Sapagkat kaming mga kaibigan ang tunay na kaligayahan.
YOU ARE READING
Words
PoetryA compilation of poems made by yours truely. ©2016. All rights reserved.