"Para Sayo, Mahal Ko"

14 0 0
                                    

Ito ang tulang isinulat ko para sayo.

Para sayo na niloko at sinaktan ako,

Para sayo na walang pasabing lilisan,

At para sayo na nilimutan ang salitang

"magpakailanman".


Mga pangakong sinambit sakin,

Ito'y napako at naging kathang-isip.

Mahal, ako ba talaga'y sinisinta mo?

O, isa sa mga binibining dapat mabihag na nakasulat

sa listahan mo?


Mga alaalang napakasaya,

Alaalang di ko makakalimutan.

Alaalang ako lang ang nakakaalala,

At mga alaalang dapat ibaon nalang.


Tanda ko pa kung paano mo ako sinuyo,

Kung paano mo ako nabihag,

Kung paano mo ako pinapasaya,

At kung paano din kita minahal.

Ngunit anong nangyari mahal ko?

Anong nangyari?


Katumabas ng mga bituing nagniningning sa gabi ang aking tanong,

Tanong kung bakit ako?

Kung bakit ako'y niloko?

Pasensya na mahal ko, ika'y minahal ko lang,

Minahal ngunit iniwan lang pala.


Ngunit,

Salamat sayo mahal ko,

Salamat dahil ipinaramdam mo sakin kung paano

masaktan at iwan,

Salamat dahil ako'y niloko mo at pinaniwala.

Dahil kung ito'y hindi mo ginawa,

Walang binibining susulat at gagawa

Tungkol sa mapait mong ginawa.

WordsWhere stories live. Discover now