Iyak, isang salita.
Salitang pwedeng maganda,
Salitang pwedeng nasasaktan,
At salitang ginagawa kung ito'y hindi na kaya.
Hindi nangangahulugang ika'y mahina
Kung ito'y araw-araw mong ginagawa,
Sapagkat ang pag-iyak ay natural na mararamdaman.
Umiyak ka,
Umiyak ka ng napakalakas,
Umiyak ka upang malabas ang sakit na nadarama.
Umiyak ka hanggang sa ito'y hindi na kaya
Sapagkat ito'y naubos at wala na.
Bumangon ka,
Bumangon ka sapagkat hindi pa huli ang lahat.
Huminga ka,
Huminga ka ng napakalalim
Tulad ng mga luha mong nagmimistulang dagat na.
Kumawala ka,
Kumawala ka sa napakapait
At napakadilim mong nadarama
At dahan-dahang lisanin,
Pakawalan,
At limutan na.
Ngayon,
Palitan ang iyak ng napakagandang tawa.
Tawang nakakaloko
Kung ito'y marinig ng madla.
Tawang hindi mapigilan
Dahil alam mong tama na.
Tawang dapat dati mo pang ginawa,
Ngunit hindi pa kaya.
At tawang hindi matutumbasan ng iyak
Na syang dahilan kung bakit ika'y lumuluha.
YOU ARE READING
Words
PoetryA compilation of poems made by yours truely. ©2016. All rights reserved.