Kabanata 6 - "Ang Rebelasyon"

14 0 0
                                    

Ilang linggo na ang nakaraan, ngunit hindi ko pa rin makalimutan ang araw noong hinalikan ako ni Mina sa pisngi. Paano ba ito? Hindi ko na yata mapigilan ang umaapaw na damdamin ko para sa kanya. Kapag nag-uusap kami, palagi akong nakatingin sa mga mata niya. Kapag nasa klase naman, madalas makitingin ako sa kanya, tulala at wala sa tamang isipan. Huhay, Pag-ibig nga naman. Ayan tuloy, palagi na lang ako wala sa aking sarili.

Ang mga katrop ko naman, palagi nila akong sinasabihan na magtapat na sa kanya. Oo, magtatapat na ako, chill lang. Maghahanda pa ako. Sigurado sa Araw ng Puso para romantiko. Whooo! Hindi na ako makapaghintay.

Papunta na pala ako sa bahay ni Gab para mag-ensayo ng sayaw. Sasali kasi kami ng Kpop Cover Dance Battle ngayong susunod na buwan. Sasayawin namin ang “We Are Bulletproof pt. 2” ng BTS.  Boto kasi lahat ng ito ang gagayahin sapagkat napakalakas ang dating nito. Halos magdadalawang buwan na ding kaming nag-eensayo kada Sabado ng hapon. Pero, may napapansin yata akong kakaiba ngayong mga nakaraang araw. Hindi na yata sila masyadong nakikipag-usap sa akin. Ano kaya problema ng mga ‘to? Bakit kaya hindi nila sabihin sa akin total kaibigan naman nila ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon