Sana ako nalang ulit.

2.1K 30 8
                                    

Ang sakit para sakin na, 1month lang kayo. Kasi, minahal mo siya ng todo at totoo. 

3 months Past...

November 10, 2011. 

Nagkakilala kami ng araw na yan. Pinakilala siya sakin ng classmate ko.4th year siya, 1st year ako. Laki ng agwat namin sa isa't-isa. Sinung mag-aakala na may magkakagusto sakin? Eh, hindi naman ako kagandahan.Sabi sakin nung classmate ko, may gusto siya sayo. Pwede daw ba mangligaw? LIGAW AGAD!? :) Inirapan ko nalang. Kasi, hahay. Parang hindi totoo. Joke joke lang. Ewan ko ba. Tapos, nung nagpunta kami ng Comp Lab, hindi ko alam kung bakit siya nakatingin sakin na parang Gusto niya talaga ko. Inis na inis kasi talaga ko sakanya. HAHAHA! :)

November 13, 2011.

I text my friend. Sabi ko, crush ko na siya. Secret lang natin. Kasi, baka malay mo. Hindi totoo deba?Hanggang sa dumating nalang ang November 22, 2011.

November 22, 2011.

Nagpakilala siya sakin. <33 Sobrang saya ko nung araw na yun. Gusto niya pa nga makipagshake hands eh. Kaya lang nakakahiya. Sobrang saya ko!

November 24, 2011.

Intrams! Tinabihan niya ko. Pinaypayan niya pa ko. Kilig na kilig ako. Sa totoo lang! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Syetttttt! :)

Hanggang sa dumating nalang ang December 10, 2011, napasagot ako ng OO, tayo na! Ng wala sa oras. Mahal na mahal ko na kasi talaga siya. Hindi ko alam kung bakit ako nahulog kaagad. Sobrang saya niya nung sinagot ko sya. Nagpainum pa nga siya eh. Ang sweet niya talaga. <3

December 20,2011,Christmas Party. Tinawag ako nung Friend niya. Binigyan niya ko ng Ferrero Rocher♥ Sabay sabi ng Iloveyousomuch, baby! Kinilig talaga ko. Kasi, hindi ko inakala eh. :) 

January 10, 2012, Happy 1st Monthsary samin. Nagpagawa kami ng Ring. Yung may name sa loob. Ang sabi niya, FOREVER ang ibig sabihin nung ring namin. 

Pero...

Pag sapit ng January 28, 2012. Nakipaghiwalay siya sakin. Ayaw kasi ng parents ko na magkabf ako. Kasi daw Low grades ang nakukuha ko. Wala akong ginawa kung hindi umiyak ng umiyak. Pati ng nasa school ako. Nakita niya ko umiyak pero ang sakit, kasi wala siyang ginawa. Hanggang ngayon, Mahal ko parin siya. Umaasa parin ako na, babalik siya sakin. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sana ako nalang ulit.Where stories live. Discover now