EP1: The Two Unknowns

172 2 0
                                    

NOTE: Lahat po ng bayan sa Korea na mamemention sa storyang ito ay totoo maliban na lamang sa mga lugar gaya ng cafe's, companies at iba pa, pati narin ang mga pangalan ay mga gawa gawa lamang. Kung meron man itong kapareha pasensya na po at gawa lamang ito nang kathang isip at siyang nagkataon lang maliban na lamang po kung naka saad ang panghihiram ng pangalan ng totoong tao. Maraming salamat.

MARCH 25, 2014 (Tuesday: 7:34PM)

"Anak, ito na yung regalo namin sayo oh!" sabi ni mama at papa sabay abot sakin ng envelope

"Ma, Pa ano to?" tanong ko sabay smile

"buksan mo nalang" sabi nila na mas excited pa sakin na buksan yung sobre

"TRIP TO KOREA? pero Ma, alam mo namang ayaw ko sa Korea diba?" at doon ko naalala ang lahat.

#MAJORFLASHBACK
JUNE 6,2011 (Monday: 7:12am)

Ang skwelahan namin ay nahahati sa 7 (pitong) grupo ito ay ang mga sumusunod:

The S TEAM (SPORTS TEAM): Leader: Jace Gueverra, Captain din sya ng Basketball Team ng school namin. Siya ang may hawak ng Basketball team, Volleyball team, Badminton Team, Soccer Team, Baseball Team, Sipa Takraw Team at Cheerleading Team. Ang tatay rin ni Jace ang Coach ng Basketball Team ng Pilipinas ngayon na lalaban sa Asian Basketball Federation or ABF. Sikat na sikat ang pamilya nila sa buong Pilipinas pagdating sa sports dahil star player din ang nanay niya sa Volleyball Team ng school niya dati.

The R Team (RICHKIDS TEAM): Leader: Tracy Villanueva, sila ang team na pag may bagong labas ang Apple Company meron na sila kinabukasan ng gadget na yun. Ang pamilya rin ni Tracy ay may 40% share sa eskwelahan. Bago ka maging kabilang sa grupo nila kailangan ay may-ari ka muna dapat nang isang kompanya. Sila ang may pinaka kaunting members sa buong school, mga labing dalawa lang sila at kasali na si Tracy doon. Sabi nila ang pinaka mahirap sa grupo nila which is ranked as the 12th richest in the whole school but they ranked her as the poorest member ay nagmamay-ari lang naman ng Cobby's Cafe and Bar na may 5 Branches na sa Pilipinas at Relax Resort sa Boracay. Paano nalang kaya kami?

The B Team (BADBOYS and BITCHY TEAM): Leader: Martin Suarez, actually noon nahahati sila sa 2 ang mga lalaki at mga babae pero ngayon dahil may leader na sila nagka-isa narin ang pagtrato sa grupo nila. Sila lang naman ang parating pinapatawag sa Prefect of Discipline at nagkaroon rin kami ng Freedom Wall dahil sa kanila yung mga spray painting at vandals ayaw na kasi yun ng POD namin kaya nagpagawa nalang ng Freedom Wall. Sila usually yung mga artistic, nag compete narin ang grupo nila sa isa Freestyle Rap Battle sa Singapore, pumayag ang school sa Team nila dahil kahit pasaway at maangas sila may ibubuga at maipagmamalaki naman sila ng school sa ibang aspeto.

The N Team (Nerdy Team): Leader: Merideth Sandoval, she has an IQ of 105, may one time na naka 95 siya sa isa sa aming Minor exam at nag hysterical siya sa buong klase, kahit siya naman ang pinakamataas sa buong klase. Wala kaming Honor Section, nag try kami last year pero hindi nag work kaya binalik sa dati. Tama din yun para di nakakasakit sa pride na ang hina nang iba sa pag-aaral. Kaya siguro pumayag ang school pati narin ang PTA sa mga Teams na ito.

The A Team (ANIME TEAM): Leader: Chase Kinowa, isa syang half Japanese at half Pinoy, ang grupo nila ay 4th sa may pinakamalaking population sa buong eskwelahan, siya rin ang President ng Anime Society sa buong Pilipinas at kasama ng mga piling members ay pumunta sila ng Japan para makausap ang writers ng mga paborito nilang Manga.

The K Team (KPOP TEAM): Leader: April Kishia Aurente, she's a Kpop Fan since 10 years old, sabi niya nag simula raw iyon nung pumunta sila ng Korea para sunduin ang Tatay niya na doon nag tatrabaho sa isang Agency, binigyan siya ni Siwan oppa ng Autograph na kadedebut lng din daw ng grupo nila nun na nag ngangalang MEN at hanggang ngayon super crush niya parin si Siwan oppa. Sa ngayon siya ang Vice President ng Fan Club nang EDGE isang Korean Boy Group na sikat na sikat hindi lang dito sa Pilipinas at Korea pati narin sa buong Asia at sa ngayon maging sa buong mundo na. Nag debut sila nung 2012 at may 5 members na nag ngangalang MinJi, Hero, HaeBin (Heaven), KwangShik at ManSe.

KOREATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon